Monday, December 30, 2013

Talaarawan Blg. 60 Disyembre 30, 2013 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay tiningnan ko kaagad ang aking cellphone habang nanonood ako'y nanatiling nakahiga pa rin sa kama dahil sa tinatamad pa akong bumangon, habang ako'y nanonood di ko namalayan na lumipas na ang oras ng ilang minuto napagisip-isip ko na ako'y may pupuntahan, ako dapat ay pupunta sa bahay ng aking dating kaibigan hanggang ngayon siya'y nakatira sa Lopezville Subd. subalit dahil sa alam kong ako'y huli na, ako rin ay hindi na tumuloy sa pagpunta.
     Nang mag tanghali na pinanood ko ang aking ina kung paano magluto, pagkatapos noon at nakaluto na ng aming pagkain sabay-sabay kaming kumain, nagpahinga ako saglit at gumawa ng aking mga naging takdang aralin makalipas noong may pasok. Pagkatapos ko gawin ang aking takdang aralin ay natulog ako ng tanghali. Sa paggising ko ay maghahapunan na at tapos na ako sa aking ginagawa.
     Nang ako'y matulog na ako'y nagigising dahil sa mga paputok na malalakas sa himpapawid, dahil doon ako'y napuyat at medyo huli na ang aking pagtulog.

Talaarawan Blg. 59 Disyembre 29, 2013 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang sa umaga ay kumain agad ako ng aking almusal, pagkatapos kong kumain ay niyaya ako ng aking ina na samahan siya sa palengke subalit ako'y hindi pumayag dahil sa ayaw kong lumabas ng bahay. Nang umalis na ang aking ina kasama ang aking kuya maya maya pa ay dumating naman ang aking nakababatang pinsan ay siya'y nagpaturo sa akin ng ilang mga katanungan na may kinalaman sa kanilang asignaturang matematika, madali naman niyang nakukuha ang mga sinasabi ko kung kaya't siya raw ang magaling sa asignaturang matematika sa kanilang klase.
     Nang umuwi na ang aking pinsan ay nanood muna ako ng mga palabas sa telebisyon para maaliw kahit kaunti, nang dumating naman ang aking ina pati ang aking kuya ay nagluto na siya ng aming makakain para sa aming tanghalian. Matapos magluto ay kumain agad kami dahil sa maaga akong kumain ng aking tanghalian sapagkat ako ay aalis sa bahay para maglibot-libot sa labas.
     Nang ako'y maka-uwi na ay saktong inutusan ako ng aking ina na bumili ng ilang pagkain para mamaya, pagka-uwi ko ay kumain na kami at maagang natulog.

Sunday, December 29, 2013

Talaarawan Blg. 58 Disyembre 28, 2013 (Sabado)

     Ngayong araw na ito pagkagising ko ay kumain agad ako ng aking almusal, pagkatapos kong kumain ay nanood muna ako ng mga palabas sa telebisyon at dating gawi nood, higa at kain. Habang ako'y nanood sabay kontra naman ang aking pinsan kami'y binulabog at hindi tumigil kaya't hindi na lang namin pinansin, nang tumigil na siya, siya'y tinawag na ng kanyang ina kaya't umuwi na. Naging maayos ang aming panonood dahil sa walang sagabal.
     Nang magtanghali na ay kumain na kami naging maganda ang tanghalian namin dahil sa nabusog kaming lahat sapagkat napakaraming pagkain sa loob ng aming refrigerator, nang matapos kaming kumain ako'y nagpahinga na at natulog pagkatapos nito. Nang ako'y gumising ay bandang mga alas tres ng hapon kaya't ako ay nagpahinga saglit, pagkatapos ay naligo na ako at lumabas ng bahay.
     Ako'y nakarating sa bahay nang bandang alas siyete ng gabi ako ay sinermunan ng aking ama dahil sa gabi na ako umuwi dahil doon ako lamang ang nag-iisang kumain ng aking hapunan dahil sa nauna na sila at ako'y huli nang umuwi.

Talaarawan Blg. 57 Disyembre 27, 2013 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito naging maganda ang paggising ko dahil sa walang istorbo kagaya ng aking pinsan na nakababata sa akin, nang tumayo na ako agad ko munang niligpit ang aking hinigaan para hindi mapagalitan ni mama, at nang matapos ko ito kumain ako ng aking almusal ako'y huli na nang makapag almusal dahil sa huli na ako nagising pero sakto lamang ang aking kinain, nang matapos akong kumain ay nanood muna ako para pampa-aliw habang ako'y nanood ay sinusulat ko din ang mga aralin namin ito ay nakalagay sa maliit na kuwaderno subalit ang aming kailangan ay malaking kuwaderno.
     Nang matapos ko na ang aking sinusulat ay kumain na ako ng aking tanghalian para hindi malipasan ng gutom pagkatapos kong kumain ay naligo ako para lumabas ng bahay at maglibang, ako'y naka-uwi na ng bandang mga alas singko na at naabutan ko na ang aking ina ay nagluluto na para mamaya.
     Nang makaluto na ng pagkain ang aking ina inantay namin na dumating ang aming ama para sabay-sabay kaming kumain. Naging maganda ang araw na ito.

Talaarawan Blg. 56 Disyembre 26, 2013 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang sa umaga ay medyo masakit ang aking katawan hindi ko din alam kung bakit dahil na rin siguro sa mga ginawa ko kahapon, noong pasko dahil sa pag-uutos ng aking ina't ama na gawin ang ilang gawaing bahay at siguro dahil na rin sa hindi nakatulog nang maayos kagabi. Nang medyo bumuti na ang aking pakiramdam ako'y kumain na para magkaroon ng unting lakas kahit papano, pagkatapos kong kumain ay nanood ako ng mga inaabangan kong palabas sa telebisyon.
     Habang kami'y nanonood ang aking ina naman ay nagluluto na ng aming makakain para sa tanghalian at nang magtanghalian na ay kumain agad kami, binilisan ko ang pagkain ko ng aking tanghalian dahil ina-aya ako ng aking kaibigan na lumabas upang maglaro ng kompyuter kaya't pumayag naman ako sa kanyang kagustuhan kaya lamang ay masyado pang maaga kaya't tumambay pa ako sa bahay upang magpahinga.
     Nang mga bandang alas dos na ay lumabas na ako na mag-isa lamang at nagkita kami ng aking kaibigan sa aming paglalaruan, nang maka-uwi na ako ay bandang maghahapunan na kaya't pinagalitan ako ng aking ina kaya't ako'y nagkunwaring masipag at gumawa ako ng ilang mga gawain sa bahay.

Wednesday, December 25, 2013

Talaarawan Blg. 55 Disyembre 25, 2013 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito gumising ako nang may ngiti dahil sa pagtulog ko ay naging maganda walang mga bulabog. Nag almusal na ako pagkagising ko at nagpahinga, nanood din ako ng mga palabas sa telebisyon dahil sa naaliw ako at di ko namalayan ang oras, nakalimutan ko tuloy na gawin ang mga inutos sa akin kagaya ng pagligpit ng aming hinigaan.
     Nang mag tanghali na ay nagluto at naghanda ng maraming pagkain ang aking ina kagaya na lamang ng manok, buko salad, spaghetti at tasty na may palamang keso. Dapat ay kagabi pa iyan niluto at inihanda subalit ang mga tao dito kagabi ay pagod na. Nagkainan kami kasabay ang pagkaing inihanda ng aking ina. Kaming lahat ay nabusog dahil sa sobrang dami, pagkatapos ay natulog ako ng tanghali at sa paggising ko ay hapunan na. Ako'y hindi umalis sa bahay dahil sa Pasko ngayon at maraming bumati ng Maligayang Pasko kaya't binati ko din sila.
     Nang matapos na kaming naghapunan ay maaga akong natulog dahil sa ayaw kong mapuyat.

Talaarawan Blg. 54 Disyembre 24, 2013 (Martes)

     Ngayong araw na ito, ako'y gumising nang bandang mga alas otso dahil sa napuyat ako kagabi, medyo antok pa ako nang bumangon ako dahil doon nanatiling nakahiga na lamang habng nanood ako rin ay tinamad na kumain ng aking almusal dahil sa inaantok pa, pagkatapos ko manood ng mga palabas sa telebisyon ay sabay utos sa akin ng aking ina na magwalis kaya't ako'y nagwalis subalit saglit lang. Habang nagluluto ang aking ina ng aming pagkain para sa aming tanghalian ay ako namang hilata sa kama dahil sa natapos ko na ang mga gawaing naatas sa akin.
     Nang magtanghali na ay sabay sabay kaming kumain ng aming pagkain naging masarap ang pagkain namin dahil sa marami ang pagkain at nabusog ako dahil doon tinamad na akong lumabas ng bahay kaya't nakatulog ako dahil sa sobrang busog at dahil na rin siguro sa gabi na nakatulog kagabi.
Pagkagising ko ay saktong hapunan na ang aking mga kuya ay wala sa bahay at biglang dumating ang aking pinsan na nakababata sa akin at nakipaglaro, ayaw ko sanang makipaglaro sa kanya subalit nakaka-awa kaya't pumayag din ako bandang huli.
     Nang mag gabi na ay nagpahinga na kami at natulog.

Talaarawan Blg. 53 Disyembre 23, 2013 (Lunes)

     Ngayong araw na ito. Ako'y maagang nagising dahil sa kulit ng aking ina sapagkat niyayaya niya ako na sumama sa kanilang Christmas Party mamayang hapon bandang alas singko. Ako'y hindi pumayag at sinabi pa niya na bibigyan pa niya ako ng pera ngunit di talaga ako pumayag kaya't ang aking kuya na lamang ang sasama para mamaya. Nang mag alas otso na ako'y nagsimula nang manood ng mga palabas sa telebisyon hanggang sa matapos akong manood. Ako rin ay naatasan na hugasan ang plato kaya't tinapos ko na kaagad at ako'y dumiretso sa bahay ng aking tito para utusan.
     Matapos akong utusan at nang maka-uwi na ako ay saktong tanghalian na kaya't diretso ako sa pagkain ng aking sariling tanghalian at nagpahinga, naligo at umalis.
     Pagdating ko ay bandang hapon na at wala nang tao sa bahay maliban sa akin at ang aking kuya. Kami'y naghintay hanggang sa maka-uwi sila at nang maka-uwi na sila ay kumain na kami at natulog dahil sa maghahating gabi na ang kanilang pag-uwi.

Monday, December 23, 2013

Talaarawan Blg. 52 Disyembre 22, 2013 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang sa umaga ay utos agad ng aking ina ang bumugad sa akin, maaaring linggo ngayon kaya't panay ang utos. Pagkatapos kong gawin ang mga inutos sa akin ay diretso ako tingin sa aking cellphone para tignan ang mga messages na natanggap ko, pagkatapos ay kumain agad ako dahil medyo nagutom at nanuod din ng mga palabas pagkatapos ko namang manuod ay nagpahinga muna ako saglit sabay na din ang pagluluto ng aking ina para sa aming tanghalian.
     Nang matapos nang lutuin ang aming pagkain ay sabay-sabay kaming kumain at pagkatapos non ay hinugasan ko ang aming plato na ginamit sa hapag-kainan dahil sa ako ang naatas sa araw na ito. Nang matapos ko ito gawin ay natulog ako at saktong paggising ko ay naligo agad ako, nagbihis at umalis para maglibot-libot.
     Ako'y naka-uwi na ng bandang mga alas syete ng gabi kaya't ako lamang ang gising sa amin at dahil sa nagising ang aking ama't ina sabay naman nitong sinermunan ako at sayang din dahil sa hindi ko naabutan ang ensaymada na uwi ng aking ama.

Saturday, December 21, 2013

Talaarawan Blg. 51 Disyembre 21, 2013 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, daling araw pa lamang ay gising na agad ako, ako'y nagpaalam sa aking mga magulang na gusto kong magsimbang gabi ngunit hindi nila ako sinang-ayunan sa aking gusto kaya't medyo nagtampo ako pero agad ding nawala, dinaan ko na lang ito sa tulog. Nang gumising na ako ay kumain agad ako at inutusan na gawin ang mga naatas na gawain sa akin tulad ng paghuhugas ng plato at pagwawalis sa labas ng bahay. Matapos ko itong gawin ay nanuod naman ako ng mga palabas sa telebisyon para pampalipas oras, pagkatapos kong manuod ay saktong tanghali na kaya't kumain na ako ng aking tanghalian, pagkatapos ay nagpahinga, naligo at nagbihis at umalis ng bahay para maglaro ng kompyuter sa labas.
     Nang ako'y maka-uwi na ay sinermunan ako ng aking ama dahil sa gabi na ako naka-uwi at dahil doon pinaglinis ako kaya't iyon diretso tulog.

Talaarawan Blg. 50 Disyembre 20, 2013 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito ay gusto ko sanang magsimbang gabi dahil sa maaga ang paggising ko dahil doon natulog ulit ako at sa paggising ko ay magtatanghali na wala man lang gumising sa akin kaya't di ko napanood ang mga palabas sa telebisyon na aking inaabangan. Nang gumising ako kumain agad ako ng aking pagkain yan tuloy huli na ako nakakain ng aking tanghalian. Nang matapos akong kumain ay natulog ulit ako alam niyo na antukin ako. Paggising ko ulit ay bandang mga alas tres na kaya't binuksan ko kaagad ang aming telebisyon para manuod ng mga palabas.
     Pagkatapos ay gumawa ng ilang gawain sa bahay tulad ng paghuhugas ng plato at pagwawalis, naligo rin ako pagkatapos. Nang maghapunan na doon na kami nagsimulang magluto at kumain at dating gawi manuod sa telebisyon, magpahinga at matulog.

Friday, December 20, 2013

Talaarawan Blg. 49 Disyembre 19, 2013 (Huwebes)

     Ngayong araw na  ito ay araw ng aming Christmas Party, napagusapan naming magkakaklase na gumala pagkatapos ng aming Party ngunit balak sana naming hindi na pumunta sa aming Christmas Party at diretso na kaming pumunta sa Marikina o sa galaan. Nang makapunta na ako sa aming paaralan nagkita kami ng aking mga makakasama sa paggagala at doon na rin kami nakiparty. Pagkatapos ng aming Christmas Party ay dumiretso na kami sa Marikina upang antayin ang mga estudyante hindi ko alam kung bakit inantay pa namin dahil na rin sa sinamahan ko sila. Nang kami ay nag-aantay at hindi namin nakita ang mga hinahanap namin at umalis na kami kasama ang dating girlfriend ni Calims.
     Dumiretso kami sa Sta. Lucia upang maggala at naging masaya naman ang aming pagpunta, nakakapagod din sa aming paggala dahil na rin sa paglalakad nang matagal at sa pag-uwi ko ay diretso tulog.

Thursday, December 19, 2013

Talaarawan Blg. 48 Disyembre 18, 2013 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, kami ay nagkaroon lamang ng kaunting oras para sa talakayan ng bawat aralin. Nang kami'y magsimula na sa aming talakayan inaasahan namin na wala nang talakayan ngayon dahil kinabukasan na ay Christmas Party. Naging maayos naman ang aming pagtatalakay at nang kami'y maka-uwi na, ako at ang isa ko pang kaklase ay nagantayan sa tapat ng aming paaralan dahil kami'y ay nagkasundo na pumunta sa paaralang Sta. Elena National High School upang abangan ang idolo naming si Dionne, medyo kinilig si Clemente dahil sa nakita niya ang kasama ng Idolo naming si Dionne subalit hindi namin nakita si Dionne. Naging kapaguran lamang ang aming nagawa sa araw na ito sapagkat kami'y paulit-ulit na naglalakad kahit san kami mapunta.
     Nang malapit nang mag hapunan kami rin ay nagkasundo na umuwi na at nang makababa na kami sa ako ay hinatid pa ni Clemente sa aming paaralan.

Talaarawan Blg. 47 Disyembre 17, 2013 (Martes)

     Ngayong araw na ito pagkagising ko pa lamang aytiningnan ko kaagad ang aking cellphone para tignan ang mga messages, pagkatingin ko ay nagtext ang isa kong kagrupo na mayroon pala kaming presentasyon mamaya, pagpasok ko sa aming klase ay agad kong naalala at agad ko ring sinabi sa aking mga kagrupo at doon na namin sinimulan ang pagpapraktis ng aming presentasyon ngunit ang aming lider na kumakatawan sa aming praktis ay nadismaya sa akin subalit ako'y malikot magpraktis kaya't umiba ako ng upo at pinapanood ko na lamang ang aking mga kamag-aral na nagpapraktis din. Maya't maya nang dumating na ang mga gurong papansin sa aming mga presentasyon ay isinali ako nila kahit hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya't nakisabay na lamang ako sa kanilang mga galawan.
     Marami ring nagpresenta ng kanilang mga presentasyon naging maganda ang aming mga presentasyon at ang may pinakamataas na grado ay ang Pangkat 4 sapagkat naging kaaya-aya at naging handa sila sa kanilang mga ipinakita.
     Naging masaya din ang araw na ito bilang maagang simula ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

Tuesday, December 17, 2013

Talaarawan Blg. 46 Disyembre 16, 2013 (Lunes)

     Ngayong araw na ito ay inagahan ko ang paggising dahil alam kong may Flag Ceremony naging maaga naman ang aking pagpasok kaya lamang pagpasok ko ay dumeretso muna kami sa aming mga silid-aralan ngunit dumating ang iba naming ka-miyembro dahil kaming mga SSG o Supreme Student of Government at
iba pang mag-aaral na may kani-kanilang gampanin ay naatasa na bumisita sa Antipolo City Jail, naging matagal ang aming pagbiyahe ngunit nang makarating kami doon ay masayang nagsi-awit ang mga bilanggo pagkatapos ay ang iba ko namang mga kamag-aral at kasama ay sila naman ang nagpakita ng kanilang mga talento at nais nilang ipabatid sa mga preso.
     Nang matapos ito at naging masaya habang kami ay pauwi pa lamang ay nag-hantayan muna bago magsi-uwi at nang kami ay makarating na sa aming paaralan
saglit kaming nagpaginga at kanya-kanya nang umuwi.
     Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga ako dahil sa sobrang pagod at biglang nakatulog.

Talaarawan Blg. 45 Disyembre 15, 2013 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay bandang mga alas otso na. Kaya't naiwan ako sa kanilang pagsimba, inantay ko na lamang sila sa kanila pag-uwi. Nang sila'y naka-uwi na maraming pasalubong kaya't sa akin lamang napunta ang kanilang mga pasalubong, ako'y nabusog sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ng aking almusal ay nanuod muna ako saglit ng mga palabas sa telebisyon.
     Sa pagsapit ng tanghali ako'y naligo upang lumabas ng bahay at maglaro ng kompyuter, nang matapos akong maglibang ako'y umuwi na at kumain ng meryenda. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga saglit upang gumawa ng aming mga takdang aralin. Marami kaming naging takdang aralin kaya't maaga akong gumawa nito, sa pagsapit naman ng hapunan ay sabay-sabay kaming kumain, nagpahinga, nagpalipas oaras sa pamamagitan ng panunuod at natulog.

Talaarawan Blg. 44 Disyembre 14, 2013 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang ay inutusan agad ako ng aking ina na linisin ang bahay sapagkat sila'y aalis sa pagsapit ng hapon. Nang ako'y naglilinis dumating ang aking pinsan na nakababata sa akin at inalok niya ako sa almusal, sinabayan ko siyang kumain ng aming almusal pagkatapos naming kumain ay aalis na ang kanyang ina at ama dahil sa papasok sa kanilang trabaho kaya't iniwan nila ang pinsan ko sa amin, maya't maya ay dumating na ang kanyang yaya.
     Nang matapos ako sa paglilinis at saktong tanghali na ay nagluto kami ng aming pagkain, kumain kami kasama ko ang aking mga kuya. Pagkatapos kumain ay naghugas ng plato, nagpahinga at natulog ng tanghali.
Pagkagising ko ay hapunan na at umalis na ang aking ina at ama kaya't kaming tatlong magkakapatid na lamang ang naiwan sa bahay, kami'y kumain at dating gawi nanuod sa telebisyon at natulog.

Friday, December 13, 2013

Talaarawan Blg. 43 Disyembre 13, 2013 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito maaga akong pumasok dahil alam kong may mahaba kaming pagsusulit para sa asignaturang chemistry at mapeh, nang ako'y makarating sa eskwelahan agad akong nagbalik aral na patungkol sa aming talakayan noong nakaraang araw, pagdating ng aming guro para sa asignaturang chemistry nagbigay agad siya ng mga papel at ito ang aming pagsusulit, habang ako'y nagsasagot ay may hindi akong natandaan na aking inaral kaya't hinulaan ko ang ibang mga katanungan.
     Nang matapos ako sa pagsasagot ay ipinasa na ang aming papel, makalipas ang ilang minuto itinama namin ang aming mga sagot, pagdating ng asignaturang t.l.e. ay nagkaroon kami ng aming praktikum, tinuruan kami ng aming guro.
     Pagkatapos ng aming klase ako'y dumiretso sa labas upang magpalipas oras, nang malaman ko na ang paligsahan para sa Mambugan Idol ay nagsimula na agad akong pumasok sa loob ng aming eskwelahan at inintay kong matapos ito, nagkaroon din kami ng isang gawain na inihahanda na para sa Jail Visit na gaganapin sa lunes.

Talaarawan Blg. 42 Disyembre 12, 2013 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, kami ay nagkaroon ulit ng isang pagpupulong para sa mga miyembro ng Stentor at Umalohokan, pinag-usapan namin ang pagdodokumentaryo ng bawat pangkat, sinabi na rin nila na madaliin na rin ang pagsulat ng aming article dahil sa minamadali ang paggawa ng dyaryo para makasali ang bawat kalahok dahil sa gaganaping RSPC.
     Nang kami'y nagpupulong na, pumili na rin si Gng. Mixto ng bawat lider para sa bawat pangkat at para sa aking grupo, ang pangkat 4 ang aming paksa na gagawan ng article ay patungkol sa pag-ibig.
     Pagka-uwi ko sa bahay ay agad akong kumain, gumawa ng takdang aralin, natulog ng tanghali. Paggising ko ay hapunan na, kainan na naman pagkatapos at nagpahinga, nanuod sa telebisyon at natulog.

Talaarawan Blg. 41 Disyembre 11, 2013 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, nagsimula ang aming pagtatalakay sa pagdarasal, matapos magdasal ay nagsimula nang magturo ang aming guro para sa asignaturang chemistry naging masaya ang pagtatalakay sahil sa aking mga kamag-aral na nagpapatawa sa bawat pagsagot ng aking kamag-aral, makalipas ang ilang oras at nang malapit nang matapos ang aming klase ay nadismaya pa ang aming guro na si Bb. Hannah dahil sa walang nakikinig at may kanya-kanyang mundo.
     Pagka-uwian ay sabay-sabay kaming bumili ng makakain sa labas pagkatapos ay dumiretso kami sa eskwelahan para magkaroon ng isang pagpupulong sa mga miyembro ng Stentor at Umalohokan, pinamahalaan ito nina Gng. Mixto, Bb. Morena at si Gg. Ferrer, nang matapos na magpulong at nang ako'y nakauwi na agad akong kumain ng aking tanghalian.
     Pagsapit ng hapunan dating gawi lamang kumain, nagpahinga, nanuod sa telebisyon at natulog ng maaga.

Talaarawan Blg. 40 Disyembre 10, 2013 (Martes)

     Ngayong araw na ito, ako'y ginising ng aking nanay at sinabi niya na kami ay mahuhuli na sa klase dahil sa alas singko na ang oras, ngunit aking binilisan ang pagkain ng aking almusal, pagkatapos ay nagmadali akong naligo, nagbihis at umalis subalit kami'y natagalan sa paghihintay ng masasakyan papuntang eskwelahan.
     Nang makarating na ako sa eskwelahan ang aga pumasok ng aming guro sa unang asignatura kaya naman pala na maaga pumasok ang aming guro marahil na magkakaroon ng isang programa pagsapit ng tanghali, nang matapos na ang klase at kami'y pina-uwi na ako'y naghintay muna sa tapat ng aming eskwelahan dahil sa sobrang init nagtataka nga ako kung bakit ang init ngayong disyembre.
     Pag-uwi ko sa aming bahay kaharap ko kaagad ang aking cellphone habang ako'y kumakain ng aking tanghalian pagkatapos ay gumawa ng mga takdang aralin para bukas at maagang natulog.

Wednesday, December 11, 2013

Talaarawan Blg. 39 Disyembre 9, 2013 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, inaagahan ko ang aking gising dahil kami ay mayroong flag ceremony, pagdating ko sa paaralan ay siya namang simula ng aming flag ceremony, sinimulan ito sa pagdarasal, at ilang panunumpa, nagbigay din ng ilang pa-alala para sa mga estudyante ng mambugan at para na rin sa tulong barya kada buwan. Nang matapos ito ay sinimulan na ng aming guro ang talakayan sa asignaturang chemistry ako'y hindi masyadong nakasunod dahil na rin sa nahirapan ako sa talakayan namin.
     Nang matapos na ang aming klase ako at ang aking ilang kamag-aral ay tumambay sa labas, naghintay sa isa ko pang kamag-aral para sabay sabay kaming uuwi ngunit medyo uma-ambon kaya't nagpatila kami saglit sa loob ng aming paaralan, nakita ko si ate Cagas at kami ay inatasan na gumawa ng bulletin para sa SSG, ngunit ang aming isang ka miyembro ay naka-uwi na kaya't hindi rin natuloy at kami na ay nagsi-uwi
     Pag-uwi ko ay gumawa ng aking mga takdang aralin, pagkatapos ay nanunod sa telebisyon ng balita, kami ay nagsikain na ng aming hapunan at dating gawi, nagpahinga, at natulog ng maaga para bukas.

Talaarawan Blg. 38 Disyembre 8, 2013.(Linggo)

     Ngayong araw na ito, ako ay naiwan sa pagsimba dahil sa walang gumising sa akin kaya't akoy lamang ang tao sa bahay, pag-uwi nila sila'y may dala nang almusal, ako'y kumain at nagpahinga, pagkatapos kong magpahinga ako'y inutusan ng aking nanay na maglinis ng sahig at magpunas ng bintana, habang ako'y naglilinis at abala ay siya namang kumokontra ang aking pinsan na nakababata sa akin, ginugulo niya ko sa aking paglilinis kaya't tinakot ko siya, natakot naman siya at nagsumbong sa kanyang nanay at tatay at pinabayaan ko na lamang, pagkatapos kong maglinis ay tanghali na at oras na para sa pagkain ng aming tanghalian kami'y kumain at nagpahinga, pagkatapos ay naligo ako at lumabas ng bahay para buksan ang aking blog sa kompyuteran, pagkatapos kong magkompyuter at ako'y naka-uwi na ay malapit nang maghapunan.
     Nang makaluto na ang aking nanay sabay-sabay kaming kumain at nabusog at natulog.

Talaarawan Blg. 37 Disyembre 7,2013 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay kaharap ko na agad ang aking cellphone upang tignan ang mga mensaye ng aking mga nakatext kagabi dahil sila'y natulugan ko na hindi ko namamalayan, naging masaya naman kahit papano ang aking pagbabasa, mayroong nagalit, pagkatapos ay kumain na ako ng aking almusal, nagligpit ng hinigaan, nagpahinga at nanuod sa telebisyon para pang-aliw kahit kaunti. Nang matapos akong manuod sa telebisyon, ang aking kapatid ay nagluto ng ulam para sa tanghalian.
     Nang magtanghali na at kami ay tapos nang kumain ako'y naghugas ng mga pinggang ginamit sa hapagkainan, nagpahinga at natulog, paggising ko ay nandito na sa aming bahay ang aming nanay at siya'y nagluluto ng pagkain para sa hapunan, pagtapos ay kumain na kami at parang kahapon na sistema lang nanuod, nagpahinga at natulog.

Talaarawan Blg. 36 Disyembre 6, 2013 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito nagsimula ang aming klase sa pagdarasal, nang matapos kami magdasal ang aming guro para sa asignaturang chemistry kami ay nagkaroon ng ilang talakayan na minsan ko nang hindi naintindihan, nagkaroon din kami ng ilang maikling pagsusulit. Sumunod naman ay sa asignaturang mapeh kami ay nagkaroon ng isang mahabang pagsusulit na hindi namin napaghandaan, inasahan namin na kami ay makakakuha ng mababang marka. Sumunod naman ay sa asignaturang araling panlipunan ang aking ilang mga kamag-aral ay binigkas ang Preamble o ang konstitusyon ng Pilipinas noong 1987, at pineresenta ng aking kamag-aral ang kanilang napaghandaang jingle.
     Nang matapos na ang aming klase ako at ang aking kamag-aral ay nagkayayaan na pumunta sa Pagrai para magpalipas oras, ngunit kami ay natagalan at sa pag-uwi namin ako'y mag-isang umuwi, pag -uwi ko ay agad akong kumain at nagpahinga pagkatapos ay gumawa ako ng aking takdang aralin at ng aking ulat para sa asignaturang matematika.
     Pagsapit ng gabi ay dumating ang aking nanay at siya ay nagluto ng aming hapunan, nang maluto na ang aming pagkain kami ay sabay-sabay kumain, nanuod at natulog.

Friday, December 6, 2013

Talaarawan Blg. 35 Disyembre 5, 2013 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito ako at ang aking kamag-aral na miyembro sa SSG ay hindi nakapasok sa asignaturang Filipino at T.L.E. dahil kami ay naatasan na mangolekta ay pera para sa isang mag-aaral na namatayan ng ama, kami ay lumibot sa iba't-ibang klase kami ay nagsimula sa asignaturang Filipino hanggang sa mag-uwian, nang mag-uwian na niyaya ako ng isa kong kamag-aral na maglaro muna ng kompyuter sa pagrai kaya't sumama ako sa kanila, ako'y naglaro naging masaya naman dahil bandang huli nanalo pa rin kami, nang matapos ang laban ako' dumaan sa paaralan bago ako umuwi subalit wala na rin akong nakasabay pag-uwi, ako'y mag-isang umuwi pagkarating ko sa bahay, gumawa ako ng aming mga takdang aralin, at pagsapit ng gabi kami ay naghapunan at natulog.

Talaarawan Blg. 34 Disyembre 4, 2013 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito umaga palang bago pumasok ako'y ginanahan na agad hindi ko alam kung bakit ako masaya ngayong araw, at nang makarating na kami sa paaralan unang asignatura pa lamang ay nagbibigay na ang aking isang kamag-aral ng mga palaisipan o logic, naging masaya ito subalit nakita kami ng aming guro kaya't binalaan kami kung kaya't hindi namin ito itinuloy.
     Pagkatapos ay naging masaya ang talakayan ngayong araw kaya't nang kami ay umuwi na nagbago ang isip ko na 'wag muna dumiretso sa bahay ako'y nagmeryenda pa sa isang tindahan, nang ako'y nakauwi na ako'y gumawa ng mga takda at nagpahinga at natulog.

Talaarawan Blg. 33 Disyembre 3, 2013 (Martes)

     Ngayong araw na ito ay parang kahapon lang, walang pinagbago ganun parin pumasok sa paaralan, natuto at umuwi, nang matapos na ang aming klase kami ay maraming natutunan sa bawat asignatura. At nang kami ay pauwi na naisipan naming manatili muna sa loob ng paaralan dahil ako at ang aking ilang kamag-aral ay miyembro ng SSG kaya't sa tingin namin na kami ay gagawa ng aming bulletin subalit ang ilang miyembro ay hindi sumipot, kami'y inatasan nila kaya lamang ay abala ang gurong tagapamuno sa aming organisasyon at dahil na rin sa kawalan ng kagamitan
     Nang ako'y nakarating na sa bahay gumawa ng ilang gawaing bahay , nagpahinga at kumain sa pagsapit ng hapunan at natulog ng maaga dahil maaga ang pasok para bukas.

Talaarawan Blg. 32 Disyembre 2, 2013 (Lunes)

     Ngayong araw na ito kami ay nagkaroon ng flag ceremony, kung kaya't lahat kami ay maaga nagising at inaagahan kong gumising dahil na rin sa ayaw kong mahuli sa aming talakayan. Sa aming pagtatalakay marami ang nahuli sa klase kaya't ang aming guro na si Gng. Mary Ann ay nadismaya sa aking mga kamag-aral na nahuli sa aming klase, nang matapos na ang aming klase ako'y dumiretso pag-uwi, ako'y kumain at nagpahinga at nang ako'y nakapahinga na gumawa ako ng aming mga takdang aralin
, ako'y hindi nakapaglagay sa aking blog dahil na rin na hapon na ako nakauwi. Pagdating ng hapunan kami ay kumain at natulog bandang huli.

Wednesday, December 4, 2013

Talaarawan Blg. 31 Disyembre 1,2013 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay agad akong kumain ng aking almusal at nagligpit ng aming hinigaan, nang matapos ko itong gawin gumawa ako ng aming takdang aralin sa iba't-ibang asignatura. Nang matapos akong gumawa ng aking mga gawain ako'y nagpahinga saglit at nanuod sa telebisyon. Nang magtanghali na kami ay masayang kumain ng aming tanghalian, nang matapos kaming kumain ako'y natulog ng tanghali at pagkagising ko ay nagluluto na ang aking ina ng pagkain para sa aming hapunan. Nang makaluto na ang aking ina at nang matapos kaming kumain ng aming hapunan kami ay nanuod sa telebisyon, nagpahinga saglit at natulog.