Friday, January 31, 2014

Talaarawan Blg. 93 Pebrero 1, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lang ay sinaksak ko na ang charger at cellphone ng kuya ko dahil ako ang nagdownload ng laro kaya ako dapat ang unang gumamit nito. Nang mapuno na ang battery ay tinanggal ko na sa saksakan at nilaro ko na kaya lang ay nagising na ang aking kuya kaya't inagaw niya sa akin at siya ang naglaro.
     Nang matapos siyang maglaro ay ibinigay na niya sa akin, nang matapos akong maglaro sa kanyang cellphone hindi ko namalayan na hindi pa pala ako nag-aalmusal kaya't kumain na ako, at ginawa ang mga gawain at inihanda ko ang mga gamit ko para sa Lunes.
     Matapos kong gawin ang lahat ng ito. Ako ay nagpahinga na at sinaksak ko ulit ang cellphone ng kuya ko, dahil sa wala siya sa bahay kaya't ako lang ang gumagamit, nang mapuno na ang baterya ay nilaro ko na at nagluto ako ng aking pagkain para sa aking tanghalian.
     Matapos kong kumain ay naligo na ako at lumabas ng bahay para gawin ang aking blog at mag search ng ilan kong mga takdang aralin. Nang ako'y maka-uwi ay sinulat ko na ang niresearch ko at naglaro ng games sa cellphone ni kuya at natulog.

Thursday, January 30, 2014

Talaarawan Blg. 92 Enero 31, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, kami ay walang pasok dahil sa Chinese New Year ngayon kaya't napasarap ang aking tulog kagabi at ako'y gumising ng bandang mga alas otso ng umaga. Ako rin ay nakabawi na ng tulog dahil noong nakaraang araw ay maaga nga akong nakakatulog pero ang daming bulabog lalo na kapag gabi, ang aming mga kapit-bahay ay nagsisigawan. Nang tumayo na ako sa aking higaan ako ay kumain na ng aking almusal, nagpahinga at nanood na ng mga palabas sa telebisyon.
     Matapos ang panonood ko ng mga palabas sa telebisyon ay saktong nagluto na ng aming pagkain ang nakatatanda kong kuya dahil siya pala ay aalis at pupunta sa Antipolo. Nang maluto na ang pagkain ay kumain na ako at pagkatapos kong kumain ay binuksan ko na ang aming laptop para buksan ang aking Facebook at gawin ang aking blog.
     Nang tinamad na ako, pinatay ko na ang laptop at nagpahinga at maya-maya'y naligo na ako at naghanda para lumabas ng bahay upang maglibang at maglakad-lakad. Nang makauwi na ako sa aming bahay, ako ay inutusan ng aking ina para gawin ang mga trabahong bahay tulad ng paghuhugas ng plato, pagwawalis at tinulungan siyang magligpit.
     Matapos ang mga gawain ay napagod ako kaya't kumain na ako ng aking hapunan at nagpahinga at natulog nang maaga, hindi na ako nakahawak ng aking cellphone dahil sa sobrang pagod at medyo hindi makagalaw dahil sa antok.

Wednesday, January 29, 2014

Talaarawan Blg. 91 Enero 30, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lang ay inagahan ko na ang paggising ko para hindi mahuli sa pagpasok sa aming paaralan. Nang makarating na ako sa aming paaralan, ako ay gumawa muna ng aking ulat para sa asignaturang MAPEH dahil hindi ko alam kung anong paksa ang napunta sa akin kaya't hindi ko ito nagawa sa bahay. Maya-maya'y nagsimula na ang aming klase medyo nahuli ang pagsimula marahil sa pinag-usapan pa ng aming guro kung sino ang mga kasali para sa gaganaping JS Prom.
     Matapos ang aming klase at medyo masama ang kalangitan, ako at ang aking ibang kamag-aral ay naghintay muna sa waiting shed sa labas ng aming paaralan dahil medyo umambon at baka magkasakit kami, nang medyo bumuti-buti na ang kalangitan ako muna'y naghintay ng makakasabay pag-uwi. Nang ako ay nakaramdam na ng gutom, ako na lamang mag-isa ang umuwi.
     Nang makarating na ako sa bahay ako ay kumatok at ang aking ina ang nagbukas ng pintuan, ako ay nagtaka dahil sila ay walang pasok ngayon at bukas ay meron, medyo baliktad ang patakaran nila. Kumain na din ako ng aking tanghalian at naghanda para lumabas ng bahay at gawin ang aking blog.
     Ako'y umuwi ng bandang mga alas sais na ng gabi kaya't hindi na ako nagpahalata sa aking ama at ako'y pasimpleng kumain ng aking hapunan at natulog agad.

Tuesday, January 28, 2014

Talaarawan Blg. 90 Enero 29, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, sa umaga pa lang ako at ang aking kuya ay nahuli sa unang asignatura dahil sa walang masakyan papunta sa aming paaralan kaya't nang makarating na ako sa aming paaralan, ako lamang ang nahuli sa amin. Nang magsimula na ang aming unang asignatura sinabi ng aking kamag-aral na kakasimula lang pala ng aming unang asignatura kaya't hindi na ako kinabahan masyado.
     Nang matapos na ang aming klase ako ay lumapit kay Gng. Mary Ann para kunin ang resulta ng aking NCAE at ako nama'y hindi nadismaya sa naging resulta dahil naging maganda naman ito kahit papaano. Nang makuha ko na sinamahan ko naman ang aking kamag-aral para kunin ang kuting dahil ibibigay kay Gng. Mito, nang makuha na namin at ibinigay na namin kay Gng. Mixto kaming magkakaibigan ay nagtatawanan dahil sa mga pinaggagawa namin at humanap kami ng lalagyan ng kuting.
     Nang makahanap na kami agad namin itong dinala kay Gng. Mixto at ako ay umuwi na at sa pagdating ko sa aming bahay, ako muna'y nagluto ng aking makakain para hindi malipasan. Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay upang gawin ang aking blog at sa pag-uwi ko ay namlantsa na ako ng aking uniporme para bukas at kumain ng aking hapunan at natulog nang maaga.
   
   

Monday, January 27, 2014

Talaarawan Blg. 89 Enero 28, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito nagsimula ang pangyayari nang pumunta ako sa aming paaralan para may matutunan. Nang makarating ako nang maaga sa aming paaralan ako muna'y nanghiram ng cellphone ng aking kamag-aral para maglibang at habang naghihintay sa aming unang guro. Nang makarating na ang aming guro agad kong tinigil ang paglalaro upang makinig sa kanya.
     Nang makalahati na ang aming talakayan kami ay nalilibang dahil sa mga pinagtuturo ng aming mga guro marahil may halo itong katatawanan. Nang matapos na ang aming klase kaming mga magkakaibigan ay naghintay muna sa labas dahil hinihintay namin kung kami'y may gagawin sa loob ng aming paaralan. Nang nainip na ang aking mga kasama sila na'y umuwi at ako lamang ang naiwan sa loob kaya't lumabas ako at naghintay ng makakasabay sa pag-uwi. Sa aking paguwi naging mainit na paglalakad dahil sa tirik ang araw at nang makarating naman ako sa bahay, wala pa palang tao sa loob at ang aking susi naman ay naiwan ko sa wallet ko sa loob ng aking damitan.
     Sa aking paghihintay na dumating ang aking kuya ako muna'y nagpahinga sa bahay ng aking tito at lola para hindi mainip sa kakahintay. Nang makarating na siya agad akong kumain ng aking tanghalian at gumawa ng ilang gawain sa bahay at lumabas para gawin ang aking blog.
     Ako'y nakauwi bandang mga alas siyete ng gabi kaya't ako'y sinermunan ng aking ama. Matapos king masermunan ay kumain na ako ng aking hapunan at namlantsa ng aking uniporme at natulog nang maaga.

Talaarawan Blg. 88 Enero 27, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay nag-almusal muna ako at dumiretso sa aming paaralan ng maaga dahil kinakailangang hindi mahuli sa Flag Ceremony para hindi ako mapag-iwanan ng aming mga talakayan. Nang ako ay nasa loob na ng aking paaralan kaming mga SSG ay kailangan na magbantay para maayos ang simula ng aming Flag Ceremony.
     Matapos ang aming Flag Ceremony at kami'y pumasok na sa aming mga silid-aralan kami ay nagsimula agad ng aming pagtatalakay upang nang sa gayon ay hindi maubos ang oras. Nang mag Filipino na ang aming asignatura, ako at ang aking kamag-aral na si Erin ay tinawag ng aming mga kagrupo para sa SSG dahil kami ay naatasan na maningil dahil may isa kaming kaschool mate ang namatayan.
     Matapos namin ang aming talakayan ngayong araw, tinanong ko ang aking kagrupo tungkol sa gagawin namin para sa aming Documentation para sa mga Stentors at mga miyembro ng Umalohokan. Nang makauwi na ako gumawa muna ako ng aking mga takdang aralin para bukas. Lumabas din ako ng bahay para gawin ang aking blog. Nang makauwi ako ako ay gumawa na ng ilang gawain sa bahay at natulog ng maaga.

Saturday, January 25, 2014

Talaarawan Blg. 87 Enero 26, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay wala pa ang aking ina't ama dahil sila ay nagbantay ng bahay sa Vilia Cecilia. Dahil sa hindi pa sila dumadating sa bahay, naisipan ko munang gawin ang aking trabaho dahi ang aking ina kahapon ay hindi nakapaglaba marahil sa pagiging abala niya sa kanyang trabaho kaya't ako muna ang naglaba ng aking pantalon, uniporme at bag.
     Matapos kong gawin ang paglalaba ako muna'y nagpahinga dahil alam kong maya-maya ay marami akong gagawin. Nang dumating na sila, sinabi nila sa amin na sila'y aalis at pupunta sa Quiapo dahil sila ay bibili ng mga gamit at bagong cellphone ng akin kuya.
     Simula nang umalis sila, ako at ang isa kong kuya ay naiwanan ng mga trabaho sa bahay subalit masaya din dahil sa may load ang Laptop. Pagkatapos ko namang kumain ng aking tanghalian, ako ay naligo na para lumabas ng bahay at gawin ang aking blog.
     Matapos kong gawin ang aking blog pati maglaro ng mga games sa kompyuter, ako'y dumiretso na sa bahay para hindi mas lalong gabihin. Pagdating ko sa bahay ay kumain na ako at gumawa ng ilang mga gawain tulad ng pamamlantsa ng aking isusuot para bukas at natulog ng maaga.

Friday, January 24, 2014

Talaarawan Blg. 86 Enero 25, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, sa labis kong kasabikan na bumalik sa aming paaralan, ako ay gumising nang maaga para hindi mahuli sa pagpunta. Nang mag alas sais na ng umaga kumain muna ako ng aking almusal para hindi gutumin mamayang tanghali, matapos kong kumain ay naligo agad ako at sumakay ng dyip matapos maligo at naghintay sa taas ng Purok Maligaya upang hantayin si Brite para sabay kaming pumunta sa aming paaralan.
     Sa loob ng aming paaralan kaming mga SSG ay naatasan na gawin ang aming mga trabaho tulad ng pagbabantay at pagpapabuti ng lagay ng pila para sa Registration sa darating na taon para sa mga Grade 7.
     Habang kami ay nagbabantay tinawag ang ilan kong kamag-aral upang umakyat sa stage dahil sa may nakuhang award. Matapos ang program sa umaga kaming mga Math Officers ay tinawag ng aming guro para pumunta sa loob ng Office upang kumain ng pansit at maha.
     Matapos ang pagkain namin ng pansit at maha, ako ay naghintay hanggang sa matapos ang review nila Brite at Jerome dahil sila ang mga panlaban para sa M-TAP. Nang matapos na sila ako lang pala mag-isa ang uuwi sa amin dahil silang tatlo nila Sir Raro ay sa ibang direksyon dadaan.
     Nang makarating naman ako sa aming bahay, ako ay lumabas ng bahay para gawin ang aking blog at ako'y umuwi ng gabi na kaya't kumain na lang at natulog.

Talaarawan Blg. 85 Enero 24, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay dumiretso na ako sa aming paaralan upang ako ay hindi na mahuli. Pagkarating ko sa aming paaralan pinagusapan namin ng aking kamag-aral kung ano nga ba ang gagawin mamayang tanghali dahil sa magkakaroon ng bigayan ng aming kard kinabukasan. Sinabi ng aking kamag-aral na magkakaroon pa kami ng flag retreat mamayang hapon.
     Matapos ang aming klase, ako at ang aking kamag-aral ay pumunta sa bahay ng aking isang kamag-aral upang kunin ang isang damit para sa gaganaping JS Prom sa aming paaralan. Nang makabalik ulit kami sa aming paaralan kami ay nagsimula na na gawin ang aming gawain na siyang naatas mula sa mga Math Teachers.
     Matapos ang aming ginagawa kami ay sabay-sabay nagmeryenda kasabay ng iba naming kamiyembro mula sa Math Club. Habang kami ay pauwi na sa aming mga bahay, pinagusapan namin ang gagawin para bukas sapagkat lahat ng Math Officers ay pupunta para sa aming Celebration.
     Nang makarating na ako sa aming bahay, ako ay lumabas para gawin ang aking blog at paguwi ko ay kumain na ako ng aking hapunan at maagang natulog para hindi mahuli bukas.

Wednesday, January 22, 2014

Talaarawan Blg. 84 Enero 23, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay nakahanda na ang aking almusal para pumasok sa aming paaralan. Nang makarating ako sa aming paaralan inihanda ko muna ang aking portfolio para ipasa mamaya subalit sa kasamaang palad hindi rin pala ipinasa dahil ang sabi sa ami'y ilagay sa portfolio inakala namin na ipapasa kaya't inuwi ulit namin ang aming mga portfolio.
     Ngayon din ay hindi na kami excuse dahil sa hindi na marami ang gagawin namin kaya't medyo nakakasunod na ako sa mga pinag-aralan nila subalit hindi rin sa ibang asignatura. Habang kami ay nagkaklase ang aming guro na si Bb. Hannah ay nadismaya dahil sa iba kong kamag-aral na kanyang napuna at isa na ako doon. Ipinagtataka ko kung bakit ako lagi ang napupuna niya sa tuwing oras niya.
     Nang maguwian na ako at ang aking kamag-aral ay nanatili muna sa loob ng aming paaralan para mag-usap. Matapos naming mag-usap para sa gaganaping JS Prom. Ako'y hindi sigurado kung papayagan ba ng aking ina kaya't hindi ko alam ang gagawin ko.
     Nang makarating ako sa bahay, ako'y kumain muna ng aking tanghalian at dumiretso sa labas para gawin ang aking blog at maagang umuwi para hindi mapagalitan.

Talaarawan Blg. 83 Enero 22, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lamang ay gumawa na ako ng aking mga gawaing naatas dahil ang aking ina ay medyo pagod sa kanilang trabaho. Pinalano ko talaga na maagang gumising para hindi mahuli sa klase at magtanung ng mga aralin na kailangan pa naming malaman at dahil sa ilang araw na din kaming hindi nagkaklase ng buo dahil sa kami ay Math Officers.
     Bago ulit matapos ang aming klase kami ay dumiretso ulit sa Computer Lab para ulit sa gaganaping paligsahan para sa Voice ng Antipolo. Matapos ito kami ay nagmeryenda muna at nagpahinga bago umuwi para, ako'y nagpahinga muna para sa aking paguwi ay hindi ako pagod.
     Nang makarating na ako sa bahay ako ay namlantsa na para mamayang gabi ay hindi ko na kailangang gawin ang ginagawa kong ito. Matapos gawin ito ako ay natulog muna saglit para hindi mapuyat at makabawi ng tulog. Pagkagising ko ay sabay kain ako ng aking hapunan at nagpahinga, nanood sa telebisyon at natulog.

Talaarawan Blg. 82 Enero 21, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay dumiretso agad ako sa aming paaralan subalit ako na naman at ang aking kamag-aral ay naatasan na magbantay ulit subalit hindi buong araw dahil kailangan naming bumawi kung kinakailangan. Pagkarating ko sa aming paaralan tinanong ko ang aking kamag-aral kung ano nga ba ang mga bagay na pinagaralan namin.
     Nang malapit nang maguwian 2 asignatura bago magsiuwi kami ay tumungo na hanggan sa matapos ang aming klase kami ay sumunod lamang sa mga pinaguutos ng mga guro.
     Matapos ang paligsahan para sa Voice ng Antipolo dahil sa marami ang sumali sa paligsahan para maipakita ang kanilang mga talento, ako ay umuwi na agad upang gumawa ng ilang takdang aralin na kailangan naming habulin. Nang maghapunan na kami ay sabay-sabay kumain at natulog nang maaga para hindi mahuli sa klase kinabukasan.

Talaarawan Blg. 81 Enero 20, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito ako'y maagang nagising dahil kami ay mayroong Flag Ceremony. Nang makarating ako sa aming paaralan sinabi ng aking kamag-aral na dapat daw ay hindi na ako nagdala ng aking bag dahil ngayong araw na ito ako at ang aking kamag-aral ay magiging bantay para sa Math Exhibit.
     Nang magsimula na ang aming Math Exhibit pinagbutihan ko ang aking gawain hanggang sa mag-uwian ang mga panghapon sapagkat inayos namin ang mga gamit na kailangan naming iayos. Nang matapos ito agad akong umuwi sa aming bahay dahil sa pagod at kailangang maaga matulog para bukas.
     Pagkauwi ko sa aming bahay kumain muna ako ng aking hapunan at gumawa ng ilang gawain tulad ng pamamlantsa ng aking uniporme para bukas.

Saturday, January 18, 2014

Talaarawan Blg. 80 Enero 19, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang sa umaga ay kumain muna ako ng aking almusal pagkatapos kong kumain ng aking almusal ay sige naman ang pilit ng aking ina na samahan ko daw siya papuntang palengke subalit ako'y hindi pumayag dahil marami akong gagawin lalo na sa aking mga takdang aralin nais ko sanang gawin lahat kaya't hindi ko siya nasamahan kaya't ang aking kuya na lang ang kanyang tinawag ay isinama niya ito sakto at may bibilhin siyang bagong bag.
     Nang mag tanghali na ay nagluto na ang aking kuya ng aming makakain at pagkaluto niya ay kumain kaming magkakapatid dahil ang aming ina ay pumasok sa trabaho at sinabi niya na maaga daw siya uuwi dahil linggo.
     Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis para lumabas ng bahay at gumawa ng aking blog, matapos ko sa labas ay umuwi ako ng bandang mga hapon na at pagdating ko sa bahay nadatnan ko ang aking ina na nagluluto na ng pagkain para sa aming hapunan. Matapos magluto hinintay namin ang aking ama para sabay-sabay kumain at natulog nang maaga dahil kailangan ay maaga bukas dahil may Flag Ceremony.

Friday, January 17, 2014

Talaarawan Blg. 79 Enero 18, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, kailangan kong tumayo nang maaga kahit na inaantok pa rin ako kasi kailangan kong pumunta sa aming paaralan para paghandaan ang mga gagawin dahil sa magkakaroon ng isang exhibit sa lunes. Kaming mga Math Officers ay naatasan na magligpit, maglinis at ihanay ang mga ipinasang gamit galing sa mga estudyante.
     Habang kami ay nag-aayos nito, napagpasyahan sana naming hiramin ang bola para maglaro ng basketball pero hindi pwede dahil ito ay sa kamay ng MAPEH Department kaya't kami ay nagsiuwi na. Nang maka-uwi na ako sa bahay kumain muna ako ng aking tanghalian at naglaro sa labas ng bahay.
     Ako'y umuwi bandang gabi at saktong kainan na ako'y natagalan sa labas dahil ako ay nagkompyuter pa para sa aking blog at naglibang. Matapos kumain at natulog nang maaga dahil pagod.

Thursday, January 16, 2014

Talaarawan Blg. 78 Enero 17, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang sa umaga ay kumain agad ako ng aking almusal at dumiretso nang maaga sa aming paaralan subalit kami ay natagalan sa pagsakay ng sasakyan. Nang makarating na ako sa aming paaralan, kami ay naghintay para sa aming guro. Ako ay nadismaya dahil naisip ko na hindi ako makasasali sa JS Prom dahil kasama ang aking kuya kaya sa susunod na lang na taon ako sasali.
     Matapos ang aming klase ako ay naatasan ni Bb. Daggao dahil kaming mga MATH Officers ay babalik bukas para maghanda ngayong buwan dahil ngayon ay Buwan ng Matematika, pagkatapos ko namang gawin ang naatas sa akin, kami ay nagkaroon ng isang pagpupulong para sa pinaghahandaang sayaw sa asignaturang MAPEH.
     Nang maka-uwi na ako sa bahay, kumain muna ako ng aking tanghalian at naghahanda para bukas. Ako'y pinayagan para bumalik kinabukasan at ako rin ay natulog nang maaga para hindi mapuyat.

Talaarawan Blg. 77 Enero 16, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, paggising ko sa umaga ay napakalamig kaya't tinamad akong tumayo pero kailangan talagang pumasok nang maaga kaya't pinilit ko na lang ang aking sarili. Pagdating namin sa paaralan ay nanatili na lang akong nakaupo hanggang sa dumating ang aming guro para sa unang asignatura, nang dumating na ang aming guro kami'y tuloy-tuloy na nagbalik aral para sa aming nakaraang talakayan.
     Matapos ang aming klase ako'y tinawag ng aking isang ka-miyembro sa SSG, kami kasi'y naatasan na magdikit ng isang papel sa ibang lugar. ito ay kailangang maidikit sapagkat malapit na ang pag-eenroll para sa Grade 7. Matapos ito ay nagkita-kita kami sa Jollibee para kumain.
     Nang makauwi na ako ay gumawa na ako ng aking mga gawain hanggang sa maghapunan at natulog nang maaga.

Tuesday, January 14, 2014

Talaarawan Blg. 76 Enero 15, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito dahil sa maaga akong nagising ako muna'y naghantay ng oras baka kasi sarado pa ang gate sa aming paaralan kapag kami ay pumasok na agad. Nang pagdating namin sa aming paaralan bukas na pala ang gate kaya medyo nahuli kami sa aming klase subalit nakabalik naman kami sa mga talakayan.
     Sa ibang asignatura naging maganda ang pagtatalakay marahil nagkaroon ng biruan at tawanan. Matapos ang aming klase ako ay umuwi na subalit nakita ako ng aking ka-miyembro sa asignaturang matematika dahil kami pala'y naghahanda na ng aming mga gawain dahil ngayong buwan ay buwan para sa Matematika.
     Nang ako'y maka-uwi na sa bahay ako muna'y kumain ng aking tanghalian at bago gumawa ng aking blog at ibang mga gawain para sa ibang asignatura. Maya-maya pa'y nanood na ako ng mga palabas, gumawa ng ilang gawain at natulog na ng maaga.

Talaarawan Blg. 75 Enero 14, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, kami ay nagbalik na sa dating oras ng aming klase ngunit kami rin ay nagkaroon ng ilang pagtatama para sa ibang asignatura. Naging komportable naman ako sa aking nakuhang grado subalit nagtataka ako kung bakit ako bumagsak sa ibang asignatura marahil sa hindi ko nabalikang aral ang ibang mga aralin.
     Matapos ang aming klase kami ay nagkaroon ng isang meeting para sa stentor at umalohokan, kaming mga magkakagrupo ay nagusap-usap tungkol sa aming pamagat at sa gagawing dokyumentaryo naintindihan ko naman ang aming pinaggagawa subalit hindi ko alam kung ano ang paraan para maging maayos ang aming gagawing dokyumentaryo.
     Nang kami ay pinauwi na ako ay gumawa ng aming mga takdang aralin at ilang gawaing bahay para ako'y wala nang gagawin maya-maya. Matapos kong gawin ito ako muna'y nanood ng mga palabas sa telebisyon. Nang maghapunan na kami ay nagsikain na at maagang natulog dahil sa maraming ginawa.

Talaarawan Blg. 74 Enero 13, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito ako'y maagang nagising dahil sa hinanda kong alarm sa aking cellphone para ako'y hindi mahuli sa aming flag ceremony, nang ako'y maka-alis na sa bahay sumakay agad ako ng jyip papunta sa aming paaralan subalit ako'y nagdalawang sakay dahil sa pataas pa.
     Habang kami ay nagpaflag ceremony ako'y nagtataka kung bakit nga ba nilipat kami ng room at nang magsimula na ang aming klase ang aming ginawa sa araw na ito ay karamihan sa pagchecheck ng aming mga papel para sa ikatlong pagsusulit. Naging masaya naman ako dahil sa mga nakuha kong grado may mga pasa akong pagsusulit subalit meron ding bagsak.
     Nang matapos na ang aming klase at kami ay nag-uwian na ako at ang aking kamag-aral ay naghantay muna sa labas ng aming paaralan para magpalipas oras at dahil na rin sa sobrang init.
     Pagkauwi ko sa bahay ay kumain agad ako dahil sa gutom at gumawa ng mga takdang aralin para sa iba't ibang asignatura.

Saturday, January 11, 2014

Talaarawan Blg. 73 Enero 12, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay kumain agad ako ng aking almusal matapos akong kumain ay inihanda ko na ang aking mga gamit para bukas. Ako'y nagtataka kung bakit may pasok ang aking ina sa kanilang trabaho sapagkat ngayong ay linggo kaya;t sa amin na naman naiwan ang mga gawain. Kaming magkakapatid ay gumawa ng kanya-kanyang mga gawain dito sa bahay.
     Nang magtanghalian na ay nagluto na ang aking kuya ng aming pagkain. Ako rin gumawa ng aking blog. Matapos kong gawin ito ay natulog ako at sa paggising ko ay naligo na ako at lumabas para maglibang.
     Ako'y naka-uwi na ng bandang mga alas sais kaya't nang ako'y umuwi ay kumain agad ako ng aking hapunan at ako lang mag-isa dahil sila ay nagpapahinga na at naghahanda para matulog. Nang matapos akong kumain at nagpahinga ako at nanood ng mga palabas sa telebisyon at natulog.

Talaarawan Blg. 72 Enero 11, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, ako'y maagang nagising at tinatamad pa akong bumangon kaya't humiga pa ako habang nanonood ng paborito kong palabas sa telebisyon. Matapos ang aking panonood ako'y gumawa ng mga gawain na naatas sa akin dahil ang aking ina ay papasok na sa trabaho kaya iniwan sa amin ang mga gawain dito sa bahay.
     Nang ako'y naglilinis dito sa bahay ang aking kuya naman ay nagluluto na ng aming tanghalian at nang matapos siya sa kanyang pagluluto sila'y kumain na samantalang ako ay kailangan ko pang tapusin ang mga gawain bago ako kumain. Pagkatapos ko namang gawin ang aking mga gawain ako'y nagpahinga saglit at kumain na rin ng aking tanghalian, ako'y nahuli sa aking pagkain ng aking tanghalian.
     Matapos kong kumain ay naligo na ako at natulog at sa paggising ko ay hapunan na hindi ko alam na napasarap ang pagtulog ko at nang kumain na kami ako'y nabusog sa aking mga kinain at nang kami'y nagpapahinga kami rin ay nanood ng mga nakakatawang palabas sa Channel 5 hanggang sa matulog na kami.

Thursday, January 9, 2014

Talaarawan Blg. 71 Enero 10, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, ako ay ginising ng aking ina sapagkat ayaw niyang mahuli ako sa pagpasok kagaya kahapon. Maaga akong naka-alis sa bahay at nang dumating ako sa paaralan, agad akong nagbalik-aral para matandaan ko ang aming mga naging talakayan.
     Nang dumating na ang mga papel para sa aming unang asignaturang ibibigay para sagutan dahil ngayong araw ay pangalawang araw para sa aming ikatlong pagsusulit ngayong markhan. Ang aming asignaturang sinagutan ngayong araw ay Chemistry, Values, Math at Araling Panlipunan, naging mahirap ang aking pagsagot dahil ang ibang tanong na nakita ko ay hindi ko nabasa sa aking kwaderno.
     Nang matapos ang aming pagsusulit ako ay lumabas sa aming paaralan para maghantay at umuwi din maya't maya. Nang makarating ako sa aming bahay ako ay kumain agad ng aking tanghalian at gumawa ng aking mga takdang aralin at mga gawain sa bahay.

Talaarawan Blg. 70 Enero 9, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, ako'y medyo nahuli sa aming klase dahil mali ang aming orasan kaya't binilisan ko na lamang ang aking pagkilos at nang pumunta na ako dito napabilis naman ang pagsakay sa dyip dahil hanggang taas na ng brgy. hall. Nang makarating ako sa paaralan nakita ko ang aking mga kamag-aral na nag-aayos ng mga upuan para sa aming ikatlong pagsusulit ngayong markahan.
     Habang kami ay sumasagot sa aming test paper medyo naging mahirap ang ibang pagsusulit, ngayong unang araw ng aming pagsusulit, ang aming asignatura na kailangang sagutan ay ang asignaturang Filipino, Ingles, T.L.E. at M.A.P.E.H.
     Nang matapos kaming magsagot maaga kaming pina-uwi kaya't ako ay tumambay muna sa loob ng aming paaralan kasama ang aking mga kaibigan at nang ako'y naka-uwi na kumain agad ako ng aking tanghalian, nag-aral muli para may maisagot kinabukasan. Nang gabi na ay gumawa ako ng aking mga gawain at inihanda ko ang mga gamit ko para bukas.

Talaarawan Blg. 69 Enero 8, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, ako’y maagang nagising dahil inihanda ko ang alarm sa aking cellphone upang hindi mahuli sa pagpasok. Nang dumating na ako sa aming paaralan, gumawa muna ako ng aking takdang aralin para sa asignaturang MAPEH at nang dumating ang aming guro na si Gng. Mary Ann ay itinigil ko muna ito.
     Nang mag-uwian na kami ay dumiretso ako kasama ang aking apat na kamag-aral sa isang kompyuter shop para maglaro, nang matapos kami at ako’y naka-uwi na, dali-dali akong kumain ng aking tanghalian at gumawa ng mga takdang aralin.
     Matapos kong gawin ang lahat, nagsimula na akong mag balik-aral sa aming mga napag-aralan para sa ibang asignatura dahil bukas ay simula na ng aming ikatlong pagsusulit. Inayos ko ang aking pagbabalik-aral hanggang sa matapos. Nang ang lahat kong ginagawa ay natapos na at saktong malapit nang maghapunan ako’y naghanda na ng aking mga gamit para bukas, at natulog ng maaga.

Tuesday, January 7, 2014

Ako at ang aking Ina


Talaarawan Blg. 68 Enero 7, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, ako'y nahuli sa aming klase dahil sa mali ang aming orasan masyado itong huli sa oras kung kaya't hindi namin alam kung anong oras na. Nang umalis na ako sa bahay, ako ay natagalan sa pagsakay papunta sa aming paaralan, nang makarating naman ako doon ay huli na ako kaya't medyo nadismaya ang aming guro para sa unang asignatura.
     Habang kami'y nagtatalakayan nakasusunod naman ako sa aming mga pinag-aaralan dahil sa nakikinig ako. Nang matapos naman ang aming klase kami ay nagkaroon ng isang pagpupulong para gawin ang aming bulletin board para sa SSG. Maraming miyembro ang tumulong subalit halos mga ikatlong taon lamang ang nakisama hanggang sa matapos. Nang kami'y pinauwi na at ako'y nakarating na sa bahay gumawa agad ako ng aking mga gawain para bukas at nagpahinga.
     Sa kinagabihan kami ay nagsikain ng aming hapunan, nagpahinga, nanood ng mga palabas sa telebisyon hanggang sa matulog.

Monday, January 6, 2014

Talaarawan Blg. 67 Enero 6, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, ako'y ginising ng aking ina dahil sa kailangan ko na maagang pumasok dahil kami ay mayroong flag ceremony kung kaya't nang bumangon ako ay agad akong kumain ng aking almusal, naligo at umalis ngunit pagdating namin doon ay huli parin kami dahil nakita ko na marami pang estudyante ang naghahantay sa labas ng aming paaralan. Nang kami'y pinapasok na sa loob kami ay nagkaroon ng aming flag ceremony kung kaya't nang matapos ito kami ay huli parin sa klase.
     Sa loob ng aming silid aralan, ang aming guro na si Gng. Mary Ann ay nadismaya sa amin sapagkat unang araw pa lamang ay mas madami pa ang huli pumasok kaysa sa mga nauna nang pumasok o maagang pumasok. Nang matapos ang aming klase at nag-uwian na ako at ang aking kamag-aral ay canteener kung kaya't kami ay hindi pa umuuwi, kami ay naghantay na lamang sa labas ng aming paaralan para sa tamang oras. Nang magsimula na ang canteener hanggang sa matapos ito, ang perang nasa amin dahil sa pagkacanteener ay nagkulang kung kaya't kailangan naming magambag, napagdesisyunan namin na maghati para sa ambagan ngunit wala siyang pera kung kaya't ako na lamang ang nag-abono at sinabi niya na bukas na lamang niya ibibigay ang kanyang ambag.
     Pag-uwi ko ay gumawa ako ng aking mga takdang aralin at natulog nang maaga.

Saturday, January 4, 2014

Talaarawan Blg. 66 Enero 5, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, paggising ko ay gumagawa agad ang aking ina ng kanyang gawa para sa kanyang trabaho nagtaka ako kung bakit nga ba may pasok pa din kahit linggo, sinabi niya na dahil daw sa mahabng bakasyon kaya't maaga ang pasok nila, tinulungan ko siya sa kanyang gawa, nang matapos namin ang aming ginagawa ako'y humilata ulit at nagpahinga samantalang ang aking ina ay diretso luto ng aming almusal, sabay-sabay din kaming kumain, matapos kaming kumain ay hinugasan ko ang aming kinainan.
     Nang matapos ko itong gawin ay nanood na ako ng mga palabas sa telebisyon. Matapos kong panoorin ang inaabangan kong palabas ay naligo na agad ako para pumunta sa Vilia Cecilia para maglinis ng bahay na binabantayan namin, kasama ko ang aking kuya na si Mark, pagka-uwi ko ay dumiretso agad ako sa labas ngunit sarado pa kaya't nagpagupit muna ako. Pagka-uwi ko ay dumeretso na ako sa pinuntahan ko kanina at nakapaglaro na ako.
     Nang ako'y maka-uwi na at saktong nagluluto ang aking ina ng aming hapunan, inantay namin ang aking ama at sabay-sabay kaming kumain.

Talaarawan Blg. 65 Enero 4, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay kinuha ko kaagad ang aking cellphone para mag facebook upang tingnan ang mga online na tao, habang dala-dala ko ang aking cellphone gayundin ang paggawa ko ng aking mga takdang aralin simula noong may pasok pa. Pagkatapos ko itong gawin ay dumiretso ako sa bahay ng aking kaibigan para kunin ang isang bagay na hiniram niya sa akin, nang ako'y naka-uwi na bigla akong inutusan ng aking ina para walisin ang aming hagdanan, pagkatapos ko itong gawin ay nagpahinga na ako at nahiga na gusto ko sanang matulog ngunit napagisip-isip ko na kailangan kong pumunta sa bahay ng aking kababata sa Lopezville subalit nang ako'y matapos nang maligo ay hindi rin natuloy dahil sa walang tao sa kanila kaya't ako'y bumalik na lang sa bahay para magbihis muli ng pambahay at maglibang sa labas.
     Ako'y lumabas na at sa aking paglalakad ay nakita ko ang aking kababata sa tingin ko siya'y pauwi na subalit hindi ko na nilapitan. Dumiretso na ako sa labas ng bahay at umupo lang, maya-maya tinawag na ako ng aking ina kaya't umuwi na ako at naghantay para sa aming hapunan, ako'y nagpahangin sa taas.
Pagkababa ko ay kumakain na sila kaya't nakisalo na din ako at natulog bandang huli.

Talaarawan Blg. 64 Enero 3, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, maaga akong nagising, nang ako'y bumangon na sa aking higaan ay niligpit ko kaagad ito, matapos ko itong gawin ay kumain agad ako ng aking almusal. Pagkatapos kong kumain ng aking almusal ay nagpahinga ako saglit habang nanonood. Habang ako'y nanonood ay nagluluto naman ang mga tao sa bahay maliban sa akin, sila'y nagluluto nga aming pagkain para sa aming tanghalian.
     Nang matapos na sila sa pagluluto ay kumain na agad kami para hindi malipasan ng gutom, pagkatapos kong kumain ay natulog muna ako saglit, sa paggising ko ay gumawa agad ako ng aking mga portfolio para matapos ko na at ipasa na lamang, sa aking paggawa hindi ko muna tinapos ang kabuuan para maisa-ayos pa ang iba kong kakailanganin, pagkatapos kong gumawa nito ay naligo ako para lumabas ng bahay.
     Ako'y umuwi ng bandang mga alas siyete ng gabi at sa pagdating ko ay kumain agad ako, nagpahinga at natulog ng maaga para hindi mapuyat.

Friday, January 3, 2014

Talaarawan Blg. 63 Enero 2, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lamang ay masakit na ang aking katawan dahil sa napuyat kagabi, nang ako'y bumangon na ay kumain na agad ako ng aking almusal. Matapos akong kumain ay nagpahinga ako saglit habang nanood ng mga palabas sa telebisyon. Habang ako'y nanonood gumagawa rin ako ng aking mga portfolio para sa darating na pasukan para na ring maging handa kahit anong oras. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay sabay namang nagluto ang aking ina ng aming pagkain para sa aming tanghalian habang siya'y nagluluto kami naman ay naglilinis ng bahay.
     Nang matapos na kaming kumain at maglinis ako muna'y natulog saglit para mapahinga ang aking katawan, sa paggising ko ay naligo ako, kumain ng aking meryenda at umalis ng bahay para maglibang.
     Umuwi ako ng bandang mga alas siyete ng gabi kaya't ako ay sinermunan ng aking ama kaya't idinaan ko na lamang ito sa aking pagtulog.

Wednesday, January 1, 2014

Talaarawan Blg. 62 Enero 1, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito ako'y napuyat dahil sa bagong taon sa daling araw naging sobrang saya ito. Nang matapos ito ako'y naghanda na ng aking hinigaan para kung sakaling matulog ako ay wala nang gagawin pa, nang ako na lamang ang gising at ako na lamang mag-isa ang kumakain. At ako'y natulog.
     Gumising ako ng bandang mga alas nuwebe ng gabi dahil sa napuyat kanina, ako'y kumain na din ng aking almusal at nanood muna ng mga palabas sa telebisyon pagkatapos ay naglinis ng bahay, matapos ko itong gawin ay inutusan ako ng aking tito na bumili sa labas ng bahay at sinunod ko naman ito.
     Nang magtanghali na ay nagsikain na kami ngunit ako ay lumabas pagkatapos kumain dahil ako'y may kukunin sa aking kaibigan, nang ako'y maka-uwi na ako'y naligo na para lumabas ng bahay.
     Ako'y naka-uwi na ng bandang mga alas sais at ako lamang ang tao sa bahay kaya't wala akong ginawa kundi manood sa telebisyon at nang dumating na ang aking ina at ama galing sa galaan marami silang pasalubong na pagkain at mga gamit, naging masaya ang araw na ito.

Talaarawan Blg. 61 Disyembre 31, 2013 (Martes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang ay tinawag agad ako ng aking ina para tulungan ko siya subalit ako'y hindi pa nagaalmusal kaya't ako muna'y kumain pagkatapos kong kumain ay tumulong na ako sa paghahanda para mamayang gabi dahil mamaya ay bagong taon na. Nang kami'y matapos na hinahantay na lang namin ang oras para mamaya. Nang ako'y namamahinga habang nanonood hinahanda ko naman ang mga kagamitang kakailanganin para sa darating na pasukan para handa.
     Nang mag tanghali na ay nagluto na ang aking ina ng aming pagkain para sa aming tanghalian. Ako ay lumabas ng bahay para maglibang at sa pagdating ko ay natulog muna ako saglit para hindi antukin mamayang gabi.
     Nang maghapunan naman ay kumain na din kami para hindi gutumin mamaya at nang sumapit na ang bagong taon ay masayang nagpaputok sa taas ng aming bahay.