Ngayong araw na ito, pagbangon ko sa aking higaan, ako ay inutusan ng aking kuya na isaksak ang charger at ang kanyang cellphone dahil kagabi pa lang ay wala ng laman ang baterya niya. Pagkasaksak ko sa saksakan ay bumalik ako sa higaan dahil hindi pa kumpleto masyado ang aking tulog.
Nang magising ulit ako sa ikalawang beses, ako ay kumain na muna ng aking almusal at humingi ng pera sa aking ina para loadan ang aming laptop upang gawin ang aking blog. Nang makarating ako sa tindahan agad kong inabot ang pera pampaload at tinakbo pauwi dahil marami-rami akong gawain ngayong araw na ito. Pagkarating ko sa bahay agad kong binuksan ang aming laptop at ginamit ko kaagad.
Sa aking paggawa ng blog, yung ibang araw na nakalipas ay natagalan ako dahil hindi ko alam masyado ang pinaggagawa ko kaya't tiningnan ko na lang sa aking kuwaderno ang mga pinaggagawa namin. Habang ako ay gumagawa ng aking sariling blog, ako ay kumakain ng tinapay kaya't sobrang busog ako kahit umaga pa lang.
Nang magtanghalian na at ang aking ina ay nagluluto na, ang aking mga kapatid naman ay gumamit ng laptop at ako'y naglaro sa cellphone ng aking kuya. Matapos kong maglaro ng sa cellphone ng aking kuya, ako ay kumain na ng aking tanghalian at gumawa ng takdang aralin sa asignatura Chemistry. Matapos ko itong gawin, ako ay naligo na at lumabas ng bahay.
Pagkalabas ko sa aming bahay, ako ay dumiretso sa tindahan para magpaload ng aking cellphone at pag-uwi ko sa bahay, ako ay nagpahinga na hanggang sa makaluto ang aking ina ng aming hapunan. Nang makaluto na siya, kami ay sabay-sabay na kumain ng aming hapunan at gumawa ng aking blog at maagang natulog.
No comments:
Post a Comment