Ngayong araw na ito wala ang aming guro kaya't ang aming naging guro ay ang kanyang asawa na si Gg. Mixto, kami ay nagbalik-aral tungkol sa dulang pansuliranin. Tinanong din niya kami kung ano ang isyung kontrobersyal sa akdang Sinag sa Karimlan.
Pagkatapos ay nagkaroon kami ng isang gawain, Inilagay namin doon ang mga ialng bahagi sa akda na aming nagustuhan at di-nagustuhan. Inilahay din namin ang aming sariling reaksyon na patungkol sa aming sinulat, at ito ay ipinasa.
Saturday, November 30, 2013
Talaarawan Blg. 29 Nobyembre 28, 2013 (Huwebes)
Ngayong araw na ito kami ay nagbalik aral na patungkol parin sa tinalakay kahapon, Tinalakay din namin kung anong uri ng dula ang akdang Sinag sa Karimlan at ito ay ang dulang pansuliranin dahil ito ay tumatalakay sa isyung kontrobersyal sa paraang makatotohanan.
Pagkatapos ay ipinaliwanag ito ng aming guro pati na rin ang pananaw na Sosyolohikal. Nagbigay din ang aming guro ng ilang mga katanungan na patungkol sa akda upang lubos namin itong maunawaan. Nagkaroon din kami ng isang pangkatang gawain.

Talaarawan Blg. 28 Nobyembre 27, 2013 (Miyerkules)
Ngayong araw na ito nagsimula ang aming klase mula sa pagbabalik aral na patungkol sa mga antas ng wika, tinanong din kami ng aming guro kung anu-ano ang mga isyung panlipunan na nakapaloob sa akdang Sinag sa Karimlan.
Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain at aking mga kagrupo ang nag-uulat na aming ginawa, umikot lamang ang aming ulat sa paghingi ng tawad Mang Luis kay Tony na kanyang anak at ito ay pinatawad ni Tony. Nang maubos na ang aming oras sinabi ng aming guro na bukas na lang ipagpatuloy ang aming talakayan at aalamin din namin ang teoryang nakapaloob sa akda.

Talaarawan Blg. 27 Nobyembre 26, 2013 (Martes)
Ngayong araw na ito ako at ang aking isang kamag-aral ay ipinagpaliban sa klase dahil kami ay miyembro ng Supreme Student of the Government o SSG, dahil na rin na kami ay nangolekta ng pera at lumibot para sa isang mag-aaral na namatayan ng ama.
Talaarawan Blg. 26 Nobyembre 25, 2013 (Lunes)
Ngayong araw na ito tinanong kami ng aming guro kung ano ang aming maiisip mula sa salitang Bilanggo, marami akong ibang kamag-aral na sumagot. Pagkatapos ay itinama ito ng aming guro. Inilarawan din ng aming guro ang iba't ibang uri ng pagkabilanggo, tinanong din kami kung ano ang nais iparating ng pamagat na Sinag sa Karimlan.
Pinakahulugan ito ng aking kamag-aral. Pagkatapos ay ini-ulat ng aking kamag-aral ang akdang "Sinag sa Karimlan" ni Dionisio Salazar, nang matapos na ang kanilang pag-uulat itinama ng aming guro ang ilang pagkakamali sa kanilang ginawa. Binigyan din ang mga pangkat ng iba't ibang gawain at ito ay isang takdang aralin.

Sunday, November 24, 2013
Talaarawan Blg. 25 Nobyembre 22, 2013 (Biyernes)
Ngayong araw na ito kami ay nagbalik aral, ngunit bago iyon ipinapasa ng aming guro ang aming takdang araling ginawa, ang slogan. Pagkatapos ay bumunot ang aming guro ng ilang piling slogan at ito ay binasa ng aking mga kaklase, naging maganda ang pagsagot nila.
Nagpaskil din ng ilang katanungan ang aming guro na patungkol sa akdang Tata Selo. Nagkaroon din kami ng maikling pagsusulit na nauukol dito.
Nagpaskil din ng ilang katanungan ang aming guro na patungkol sa akdang Tata Selo. Nagkaroon din kami ng maikling pagsusulit na nauukol dito.
Talaarawan Blg. 24 Nobyembre 21, 2013 (Huwebes)
Ngayong araw na ito tinalakay pa din namin ang akdang Tata Selo, pagkatapos ay tinalakay din namin ang teoryang nakapaloob dito at ang iyon ay ang Teoryang Dekonstruksyon. Sa teoryang ito ay nababago ang pananaw sa akda kapag nalaman mo na ang tunay na mga pangyayari.
Pagkatapos ay binigyan kami ng aming guro ng isang takdang aralin na gumawa ng isang slogan na patungkol sa akdang aming tinalakay, mabilis natapos ang aming oras sapagkat kami ay mayroon lamang 35 na minuto.

Talaarawan Blg. 23 Nobyembre 20, 2013 (Miyerkules)
Ngayong araw na ito kami ay nagbalik aral tungkol sa akdang Tata Selo. Pagkatapos ay tinanong kami ng aming guro kung ano ba ang nais ipabatid ng pariralang Kinuha na sa akin ang lahat na nabanggit sa akda, nagkaroon din kami ng isang pangkatang gawain at naatas sa amin ang mga tauhan sa akda ng gagawan ng kapareho sa ngayon.
Sa bandang huli ng aming pagtatalakay, tinalakay namin dito ay kung bakit nga ba tinaga ni Tata Selo si Kabesang Tano, dahilan noon ay ang panggagahasa ni Kabesang Tano sa anak ni Tata Selo na si Saling.

Tuesday, November 19, 2013
Talaarawan Blg. 22 Nobyembre 19, 2013 (Martes)
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng talakayan na inobserbahan ng aming butihin punong Guro na si Rommel Beltran, habang kami ay ino-obserbahan ang aming akdang tinalakay ay patungkol sa akdang "Tata Selo" ni Rogelio Sikat. Ang akdang ito ay isinadula ng Pangkat 4, naging maayos naman ang kanilang dula subalit pina-iksi ni Gng. Mixto marahil na rin sa sobrang haba nito at sa kawalan ng oras.
Pagkatapos ay tinanong kami ng aming guro kung ano ang pinagtuunan ng pansin sa akda at ito ay ang magsasakang si Tata Selo na binabawi ng kabesa ang kanyang saka at natapos ang aming oras.
Pagkatapos ay tinanong kami ng aming guro kung ano ang pinagtuunan ng pansin sa akda at ito ay ang magsasakang si Tata Selo na binabawi ng kabesa ang kanyang saka at natapos ang aming oras.
Talaarawan Blg. 21 Nobyembre 18, 2013 (Lunes)
Ngayong araw na ito ipinagpatuloy ang mga ulat na hindi natapos noong nakaraang talakayan, pagkatapos ay tinalakay namin ang mga Karapatang pambata na mula sa United Nations Children's Fund. Tinalakay namin ito ng isa-isa, pagkatapos ay tinanong kami ng aming guro kung ano pang mga karapatan ang aming hindi pa natatamasa sa ngayon maging si Adong sa akdang aming tinalakay.
Binigyan din kami ng isang sulatin na patungkol sa mga karapatang hindi pa namin natamasa.
Binigyan din kami ng isang sulatin na patungkol sa mga karapatang hindi pa namin natamasa.
Monday, November 18, 2013
Talaarawan Blg. 20 Nobyembre 15, 2013 (Biyernes)
Ngayong araw na ito kami ay nagbalik aral na patungkol sa akdang Mabangis na Lungsod at ang teoryang aming nabanggit, ang teoryang Naturalismo. Lubos pang ipinaliwanag ng aming guro ang teoryang ito.
Pagkatapos ay tinanong niya kami kung namatay ba o nahimatay si Adong sa akda, kami ay sigurado na nahimatay lamang si Adong sa akda, yun pala siya ay namatay buhat sa kamay ni Bruno. Nagkaroon ulit kami ng isang pang pangkatang gawain, at aming ipineresenta, pagkatapos ay nagkaroon kami ng isang takdang aralin na patungkol sa mga Karapatang Pambata.

Talaarawan Blg. 19 Nobyembre 14, 2013 (Huwebes)
Ngayong araw na ito pinag-aralan namin ang teoryang nakapaloob sa akdang aming tinalakay. Ang teoryang ito ay ang teoryang Naturalismo, pagkatapos ay nagkaroon kami ng isang pangkatang gawain, ang aming pangkat ay nagkamali dahil hindi namin nasunod ang panuto ngunit ipinaglaban pa rin ng aming mga kagrupo. Pagkatapos ay binigyan kami ng isang takdang aralin na patungkol sa kung namatay ba o nahimatay si Adong sa akdang aming tinalakay, ang tauhan sa akda.
Talaarawan Blg. 18 Nobyembre 13, 2013 (Miyerkules)
Ngayong araw na ito nahuli ng kaunting minuto ang aming guro kaya't kaunti ring minuto ang aming nagamit sa pagtatalakay. Pagdating niya binigyan niya kami ng isang pagsusulit na patungkol sa isang parirala, ibinigay niya ito sa amin upang lubos naming maunawaan ang akdang Mabangis na Lungsod.
Sa pamamagitan ng pariralang ibinigay ng aming guro isa-isa namin itong tinalakay ang mga pangyayari sa akda. Pinaliwanag di ng aming guro ang kahalagahan ng pera noon at binigyan niya kami ng isang takdang aralin na tungkol sa teoryang nakapaloob dito.

Talaarawan Blg. 17 Nobyembre 12, 2013 (Martes)
Ngayong araw na ito ay una naming tinalakay at ipinaliwanag ang mga lugar na makikita sa Maynila. Pagkatapos ay tinanong kami ni Gng. Mixto kung ang mga lugar na makikita ay konektado sa akdang aming tatalakayin, nang nakabalik na ang aming guro.
Kaming pangkat 3 ay ipinaliwanag ang akdang tatalakayin namin. Ini-akto ito ng aming dalawang kagrupo bilang sina Adong at Bruno.
Kaming pangkat 3 ay ipinaliwanag ang akdang tatalakayin namin. Ini-akto ito ng aming dalawang kagrupo bilang sina Adong at Bruno.
Talaarawan Blg. 16 Nobyembre 11, 2013 (Lunes)
Ngayong araw na ito ay nagkaroon ulit kami ng isang pagsusulit na patungkol sa akdang "Sa Pula, sa Puti", pagakatapos ay iniwasto namin ang isinulat namin na patungkol sa pag-iwas sa sugal.
Binigyan din kami ng isang takdang aralin na basahin ang akdang sa Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg, at kami ay naatasan na i-ulat ito.
Binigyan din kami ng isang takdang aralin na basahin ang akdang sa Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg, at kami ay naatasan na i-ulat ito.
Talaarawan Blg. 15 Nobyembre 8, 2013 (Biyernes)
Ngayong araw na ito ay walang pasok dahil sa bagyong Yolanda.
Tuesday, November 12, 2013
Talaarawan Blg. 14 Nobyembre 7, 2013 (Huwebes)
Ngayong araw na ito tinalakay pa din namin ang akdang Sa Pula, sa Puti. Tinalakay din namin ang problemang kinakaharap nina Kulas at Celing, at tinanong namin ang aming guro lalo na ang aming mga kamag-aral na babae at tinanong nila kung paano nila malalaman kung sila ay nasa katayuan ni Celing.
Pagkatapos tinanong namin kung paano malalaman ng isang sugalero kung kailan nila kailangan ang magbago. Nagkaroon din kami ng isang awtput kung saan kami ay gagawa ng isang sulatin na patungkol sa pag-iwas sa sugal.

Saturday, November 9, 2013
Talaarawan Blg. 13 Nobyembre 6, 2013 (Miyerkules)
Ngayong araw na ito ay binalikan naming muli ang akdang "Sa Pula. sa Puti". Ang aming guro ay nagbigay ng ilang katanungan batay sa akdang ito, pagkatapos ay nagkarooon kami ng pangkatang gawain na patungkol sa pagsusugal.
Nang matapos gawin ng mga grupo ang kani-kanilang ulat ay isa-isa rin nilang ipiniresenta ito at ang ibang grupo naman ang nagbigauy ng mga komento batay sa pag-uulat na mula sa Pangkat 1 hanggang Pangkat 4.

Thursday, November 7, 2013
Talaarawan Blg. 12 Nobyembre 5, 2013 (Martes)
Ngayong araw na ito ay binalikan namin ang akdang inulat ng Pangkat 2 ang akdang Sa Pula, sa Puti. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng isang pagsusulit na nauukol sa mga matatalinhagang salita na matatagpuan sa akdang tinalakay.
Nang matapos na ay nagkaroon kami ng isang pangkatang gawain kung saan ang bawat pangkat ay naatasan na gawin ang mga nakapaskil sa harapan, ito'y nauukol sa dulang Sa Pula, sa Puti, ang aming naatas ay patungkol kay Teban.at maayos namin itong naipaliwanag.

Talaarawan Blg. 11 Nobyembre 4, 2013 (Lunes)
Ngayong araw na ito muli naming binalikan ang akdang Banaag at Sikat at kami'y binigyan ng isang pagsusulit na nauukol sa aralin, ang akdang "Sa Pula, sa Puti" ni Francisco Soc Rodrigo.
Ang aming guro na si Gng. Mixto ay nagbigay mga larawan na patungkol sa Kasino upang lubos naming maunawaan ang akdang nabanggit, at binalikan naming ang tatlong kumbensyon ang monolog, soliloquy at aside. Makalipas naman noon ay ipinaskil ng Pangkat 2 ang kanilang ulat na ang paksa ay patungkol sa akdang Sa Pula, sa Puti.

Talaarawan Blg. 10 Oktubre 25, 2013 (Biyernes)
Ngayong araw na ito sinagutan naming ang gawaing hindi natapos kahapon, ang paghahambing ng mga tauhan sa Banaag at Sikat at Noli Me Tangere na sina Felipe at Delfin, at Crisostomo Ibarra at Elias.
Nang kami ay nagsasagot na biglang marami ang may hinaing na kung sino ba ang namatay si Crisostomo ba o si Elias? Ang isa naming kaklase ay nagsagot na si Crisostomo daw ang tunay na namatay, huling-huli na hindi talaga binasa ang akda. Ang tunay na nagpakamatay ay si Elias. Marami ang sumang-ayon sa sagot na iyon.

Wednesday, November 6, 2013
Talaarawan Blg. 9 Oktubre 24, 2013 (Huwebes)
Ngayong araw na ito kami ay nagbalik aral pagkatapos ay tinanong ni Gng. Mixto ang isa naming kamag-aral kung sino sina Crisostomo Ibarra at Elias at kung ano ang kanilang papel na ginampanan sa akdang Noli Me Tangere.
Matapos sumagot ng isa naming kamag-aral ay itinanong naman ni Gng. Mixto kung ano ang ibig sabihin ng paghahambing? at kung masama ba ito o hindi? Isa naming mag-aaral ang sumagot at ito'y itinama ni Gng. Mixto. Inihambing namin ang mga tauhang sina Delfin at Felipe kina Crisostomo at Elias. Pagkatapos ay ibinigay na gawain ito para sa amin ngunit hindi kumasya ang oras ng Filipino kaya't ito'y nagsilbing aming takdang aralin.

Talaarawan Blg. 8 Oktubre 23, 2013 (Miyerkules)
Ngayong araw na ito ay nagkaroon ulit ng pag-uulat. Iniulat ng aming mga kagrupo ang aming natapos na gawain ang pag-uulat namin ay nauukol sa paninindigan at paniniwala nina Felipe at Delfin at nagbigay din ng kanyan-kanyang reaksyon. Inihambing din ito kila Elias at Crisostomo, naging masaya ang talakayan namin ngayon pagkat minsan si Gng. Mixto ay nagbibigay ng katuwaan para sa amin.
Talaarawan Blg. 7 Oktubre 22, 2013 (Martes)
Ngayong araw na ito ay iniulat na ng mga pangkat ang kanilang mga natapos na gawain. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pagpupuna batay sa mga ginawa ng bawat grupo.
Itinama rin ng aming guro ang mga gawaing natapos ng bawat pangkat. Pagkatapos ay tinalakay na namin ang akdang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos ang teoryang eksistensiyalismo, at binigyan na naman kami ng isang pangkatang gawain subalit ang oras ng Filipino ay tapos na kaya't ipagpapatuloy na lamang ito bukas.

Talaarawan Blg. 6 Oktubre 21, 2013 (Lunes)
Ngayong araw na ito ay nagkaroon agad kami ng isang pagsusulit patungkol sa akdang Luha. Naging mahirap ang pagsusulit subalit naging masaya din dahil sa mabilis magbasa ang aming Guro.
Pagkatapos ay naglahad ang Pangkat 1 ng mga detalye batay sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain subalit hindi kumasya ang oras ng Filipino kaya't ito ay naging isang takdang aralin para bukas.

Talaarawan Blg. 5 Oktubre 18, 2013 (Biyernes)
Ngayong araw na ito ay pumasok na si Gng. Mixto. Pinag-aralan namin ang akdang Luha ni Rufino Alejandro upang lubos na itong maunawaan, pagkatapos ay sinabi ni Gng. Mixto na magbigay kami ng aming sariling bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin tungkol sa akdang na pinamagatang Luha.
Pagkatapos ay nagbigay si Gng. Mixto ng isang takdang aralin na sumulat ng isang liham tungkol sa pagamin ng aming mga kasalanan na nagawa naming sa aming mga magulang at ngayon din ay naging masaya kahit papaano.

Talaarawan Blg. 4 Oktubre 17, 2013 (Huwebes)
Ngayong araw na ito ay hindi dumating ang aming guro na si Gng. Mixto hindi namin alam kung bakit, pero sabi ng aking mga kamag-aral ay sumama siya sa mga manlalahok para sa DSPC sa Filipino.
Talaarawan Blg. 3 Oktubre 16, 2013 (Miyerkules)
Ngayong araw na ito tinalakay namin ang akdang Luha ni Rufino Alejandro sa pamamagitan ng pagpapakahulugan ng mga linya batay sa akda.Naging katuwaan din sapagkat nakakatuwa ang isa naming kamag-aral na nagbigay pagpapakahulugan, pagkatapos ay ipinaskil ni Gng. Mixto ang mga akdang tatalakayin namin sa loob ng ikatlong markahan.
Monday, November 4, 2013
Talaarawan Blg. 2 Oktubre 15, 2013 (Martes)
Ngayong araw na ito ay Walang pasok dahil araw ng Ramadan.
Talaarawan Blg. 1 Oktubre 14, 2013 (Lunes)
Ngayong araw na ito ang unang araw ng aming Ikatlong Markahan. Ngayon din ang araw kung saan si Gng, Mixto ay nagalit dahil sa pagkasira ng aming Proyekto sanhi ng Pagkabasa sa ulan. Dahil sa nawalan kami ng aming proyekto naatasan kami ni Gng. Mixto na magkaroon na lamang ng sari-sariling blog na aming magiging Proyekto para sa mga susunod na Markahan.
Pagkatapos noon tinalakay na namin ang akdang "Luha" sa panulat ni Rufino Alejandro.
Pagkatapos noon tinalakay na namin ang akdang "Luha" sa panulat ni Rufino Alejandro.
Subscribe to:
Posts (Atom)