Saturday, November 30, 2013

Talaarawan Blg. 26 Nobyembre 25, 2013 (Lunes)

     Ngayong araw na ito tinanong kami ng aming guro kung ano ang aming maiisip mula sa salitang Bilanggo, marami akong ibang kamag-aral na sumagot. Pagkatapos ay itinama ito ng aming guro. Inilarawan din ng aming guro ang iba't ibang uri ng pagkabilanggo, tinanong din kami kung ano ang nais iparating ng pamagat na Sinag sa Karimlan.
     Pinakahulugan ito ng aking kamag-aral. Pagkatapos ay ini-ulat ng aking kamag-aral ang akdang "Sinag sa Karimlan" ni Dionisio Salazar, nang matapos na ang kanilang pag-uulat itinama ng aming guro ang ilang pagkakamali sa kanilang ginawa. Binigyan din ang mga pangkat ng iba't ibang gawain at ito ay isang takdang aralin.

No comments:

Post a Comment