Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng talakayan na inobserbahan ng aming butihin punong Guro na si Rommel Beltran, habang kami ay ino-obserbahan ang aming akdang tinalakay ay patungkol sa akdang "Tata Selo" ni Rogelio Sikat. Ang akdang ito ay isinadula ng Pangkat 4, naging maayos naman ang kanilang dula subalit pina-iksi ni Gng. Mixto marahil na rin sa sobrang haba nito at sa kawalan ng oras.
Pagkatapos ay tinanong kami ng aming guro kung ano ang pinagtuunan ng pansin sa akda at ito ay ang magsasakang si Tata Selo na binabawi ng kabesa ang kanyang saka at natapos ang aming oras.
No comments:
Post a Comment