Ngayong araw na ito, ako lamang ang maiiwan sa bahay mula umaga hanggang tanghali dahil ang aking mga kapatid na nakatatanda sa akin ay may gagawing gawain, ang kapatid kong panganay ay may pasok sa kanilang paaralan at yaong isa naman ay may Recollection na gaganapin sa aming paaralan.
Nang papaalis na sila, ang aking ina ay nag-iwan ng pera para gamitin at bumili ng aming ulam mamayang tanghalian. Nang ako na lang ang tao dito, ako ay lumabas ng bahay at niloadan ko ang aming laptop para gawin ang aking blog dahil napagisip-isip ko na matagal na rin ako hindi nakakagawa ng aking blog.
Nagkaroon na ng load at sinimulan ko nang gumawa nito, nang matapos kong gawin ito, pinatay ko muna ang laptop dahil medyo mainit-init na ang makina at habang nakapatay ito, ginamit ko naman ang cellphone ng aking kuya at pinaglaruan ko ito.
Ako ay naging masaya dahil pakiramdam ko na gumaganda-ganda ang mga nangyayari sa araw na ito. Nang matapos akong maglaro, nagluto ako ng kanin at aking ulam dahil walang tao at kailangan kong kumilos nang mag-isa lamang. Nang makaluto na ako, pinalamig ko muna ang kanin dahil mainit pa ito at kaluluto lang nito.
Nang makakain na ako ng aking tanghalian, ako ay nagpahinga muna dahil kailangan kong lumabas ng bahay upang maglibang kahit papaano marahil matagal-tagal na rin na hindi ako nakakapaglibang. Ako ay lumabas na at naglaro. Pagkatapos ko namang maglaro at dumiretso na ako sa aming bahay, wala na akong dinaanan pang iba. Pagkarating ko sa bahay, kumain na akong ng aking hapunan at naglaptop at medyo nagpuyat dahil sa katext ko ang isang tao na nakilala ko.
No comments:
Post a Comment