Friday, March 14, 2014

Rebyu

     Mula sa programang Amaya. Kung susuriing mabuti, nakapaloob dito ang kultura at nais ipahiwatig nito kung ano ba ang ating paniniwala noon kasama ang mga kababaihan at iba pang mga makasaysayang bahay at gawain. Ito ay ini-akto ng mga aktor at aktres mula sa mga Kapusong artista.
     Ito ay isinulat ni Carlo J. Caparas, kilala bilang tagasulat ng ilang mga akda. Ito ay pinamunuan ng direktor mula sa mga Kapuso. Sa umpisa ng programang ito, makikita ang isang babaeng na may kambal ahas at dahil sa ahas na iyon marami ang mga dumarayo upang makuha sa kanya iyo pero siya lamang ang itinakda nito, ang pagiging Amaya ay ini-akto ni Marian Rivera.
     Bago matapos ang akda, marami pang pangyayari ang ipakita kahit sa pagkatamay ng kanyang ama ipinapakita din ang ilang lugar na makikita dito sa Pilipinas kagaya na lamang ng Cebu, ipinakita doon ang magandang tabing dagat at ilan pang mga kagubatan.
     Sa hulihan ng akda, maririnig ang ilang tugtugin na siyang nagbibigay buhay sa akda. Sana'y marami pang manood at intindihing mabuti dahil nakapaloob dito ang ating kultura.

Thursday, March 13, 2014

Rebyu

     Mula sa programang True Horror Stories. Maraming mga manonood ang sumusubaybay dito marahil sa totoong nangyari ang katatakutan sa loob ng programa. Ipinapakita dito ang pagganap ng ilan nating kapusong mga artista na siyang gumagawa ng mga dayalogo ng bawat tauhan. Sa umpisa nito, dama niyo agad ang takot na dala nito.
     Ang programang ito ay inihandog mula sa Korean Publications at inaayos ng Channel 7. Nakapaloob din dito ang mga kuwentong pawang katotohanan. Sa loob ng kuwento marami ang sinasabi na nakatuon sa katatakutan na parang mayroong multo o mga aswang o mga taong pumapatay.
     Bago matapos ang programa, ipinapakita din ang mga taong bumuo at sumubaybay rito, kasama ang mga direkto na siyang gumawa nito.
     Mula sa pagsasalita ng mga artista, maaantig talaga ang sarili mong damdamin at maiisipan mo din manood nito kahit sa loob ng programa ay may katatakutan ngunit may aral na makukuha rito.

Talaarawan Blg. 134 Marso 14, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay ginising ko na rin ang aking kapatid na nakatatanda sa akin dahil sinabi niya sa akin kagabi na siya raw ay sasabay sa akin pagpasok sa aming paaralan. Ngayon din ang araw ng aming ikalawang yugto para sa aming 4th Periodical Test. Nang makarating na kami sa aming paaralan at pumasok na ako sa aking silid-aralan, ako ay nagbalik-aral ulit mula sa kuwaderno ng aking mga kamag-aral.
     Matapos kong magbalik-aral at naghintay na lang ako, naging mahirap ang ilan naming pagsusulit pero maayos naman ang nangyari kahit ako't bagsak sa iba. Nang matapos na ang aming pagsusulit, ako ay hindi muna pinauwi dahil nalista kami sa maiingay at kami'y pinaglinis ng aming guro.
     Nang makalinis na kami, hindi muna kami umuwi agad dahil pupunta pa kami sa aming guro para magusao lang habang naghihintay umuwi. Nang makarating na kami sa aming guro na si Gng. Mary Ann, kami ay pinag-ayos niya ng mga libro at matapos gawin ito at naglakad-lakad muna kami.
     Malapit nang magtanghali at sinabi ko sa mga kaibigan ko na uuwi na ako kaya't sila na lamang ang naiwan sa loob ng aming paaralan marahil marami pa silang gagawin. Nang makarating na ako sa aming bahay, ako ang nagluto ng aking tanghalian at nang makaluto ako, kumain agad ako at lumabas ng bahay para gawin ang aking blog.
     Matapos kong gawin ito at ako'y pauwi na, pagdating ko sa aming bahay maraming pasalubong ang aking ina kaya't medyo nabusog ako sa aking kinain. Matapos kumain ay nagpahinga muna dahil maya-maya ay hapunan na. Nang maghapunan na, sabay-sabay kaming kumain nito at maagang natulog.

Wednesday, March 12, 2014

Talaarawan Blg. 133 Marso 13, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, ngayon ang araw kung saan mayroon kaming ika-apat na pagsusulit dahil ang lahat na estudyante mula sa unang pangkat, ako nga rin ay nagtataka dahil bakit kami pa ang naunang magkakaroon ng aming ika-apat na pagsusulit. Ako ay maagang pumasok sa aming paaralan para magbalik-aral pa upang hindi ko kaagad makalimutan ang aking inaral.
     Nang magsimula na ang aming pagsusulit, naging matahimik naman ang simula pero nang magtagal na naging maingay na din marahil sinabi ng aming guro na mayroon daw kumokopya kaya't nagiging maingay. Bago matapos ang aming klase, ako ay nailista sa mga maiingay kaya't hindi pa kami pinauwi at kami'y pinaglinis ng ilang silid-aralan para mas mabilis.
     Matapos ang aming paglilinis, hindi muna kami umuwi ng mga kaibigan ko dahil may gagawin pa sila pero kami ni Clemente ay uuwi na dahil gagawa pa kami ng aming blog para sa nakalipas na mga araw. Nang makarating na kami sa bahay nila Clemente, kami ay pinakain ng kanyang ina kaya't hindi na ako nahiya. Matapos kumain ay nagpahinga kami ay lumabas na ng bahay para gumawa ng blog sa kompyuteran.
     Nang makatapos na kaming gumawa at pabalik na kami kila Clemente, napagisip-isip niya na bumalik pa kami sa aming paaralan para maghintay lang ng oras. Nang umuwi na siya sa kanyang bahay, ako ay umuwi na rin at pagdating ko sa aming bahay, ako ay nagbalik-aral muli para bukas. Matapos magbalik-aral ay nagpahinga na ako at maya-maya pa'y sabay-sabay na kaming kumain ng aming hapunan at maagang natulog para hindi mahuli para bukas.

Talaarawan Blg. 132 Marso 12, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, ang aking kapatid na nakatatanda sa akin ay alas siyete pa ang pasok kaya ako lamang ang papasok dahil sila ay may praktis para sa Graduation. Nang makarating na ako sa aming paaralan, ang aming silid-aralan ay nasa 4th year na building dahil wala naman daw tao doon at nais nilang maging tahimik ang kanilang pagpapraktis para sa gaganaping Graduation.
     Nang magsimula na ang aming klase, nakakapanibago lamang dahil isang beses pa lamang ako doon napunta. Naging maganda naman ang aming pagtuturo at medyo malamig sa loob kumpara noong dati. Si Gng. Mixto ay may ginawang importante subalit binigyan niya kami ng isang gawain at ito ay ang paggawa ng isang liham para sa sariling kaibigan.
     Matapos ang klase, napagisip-isip ko na marami pa akong gagawin kaya't hinintay ko muna ang aking mga kaibigan pero may gagawin pa din sila kaya't kami na lang nila Clemente ang umuwi na. Pagdating ko sa aming bahay, kumain muna ako ng aking tanghalian, matapos kumain ay naglaba ng aking uniporme para bukas at naghanda ng sarili para lumabas dahil kailangan kong gawin ang aking blog.
     Nang matapos kong gawin ang aking blog, ako ay naglaro na ng mga laro sa kompyuter at hinintay na magtime. Nang makauwi na ako sa bahay, inihanda ko muna ang aking gamit para bukas at kinuha ko na ang aking uniporme at pinalantsa ko na ito. Matapos kong gawin ito, ako ay kumain na ng aking hapunan at nagbalik aral dahil bukas na ang aming Periodical Test, ako rin ay natulog nang maaga.

Tuesday, March 11, 2014

Talaarawan Blg. 131 Marso 11, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay ibinasta ko muna ang aking gamit para sa aking pag-aaral dahil kahapon, pag-uwi ko ay gulo-gulo na ang gamit ko at tingin ko ay pinakaelamanan ito ng aking pinsan na nakababata sa akin. Kami/y patungo na sa aming paaralan at medyo umaambon pa kaya't binilisan namin ang paglalakad pero pagdating sa sakayan kami ay natagalan.
     Nang makarating naman kami sa aming paaralan, inilabas ko muna ang payong ko dahil medyo basa pa ito at kailangang patuyuin para hindi mabasa ang gamit ko sa loob ng aking bag. Nang magsimula na ang aming klase, naging maganda naman ang aming pagtatalakay dahil medyo mabait ngayon ang aking mga kaklase at nasabi ko ito dahil ang tatahimik nila ngunit wala ang iba naming guro at palagay namin ay nagbantay sa mga 4th yr. dahil Periodical Test nila ngayon.
     Nang matapos na ang aming klase, kaming mga magkakaibigan ulit ay hindi muna umuwi dahil marami pang mag-aaral. Kami ay naglakad-lakad hanggang sa kumounti na ang mga mag-aaral ngunit ang iba ko pang kaibigan ay abala kaya't hinintay muna namin sila pero matatagalan pa sila kaya't nauna na kami ni Clemente.
     Pagdating ko sa aming bahay, ako lamang ang tao kaya nagluto ako ng sarili kong pagkain at kumain agad ako, gumawa ng ilang gawain at matapos kong gawin ito ako ay lumabas na para gawin ang aking blog. Pagkauwi ko sa aming bahay, namlantsa muna ako at kumain at maagang natulog.

Monday, March 10, 2014

Talaarawan Blg. 130 Marso 10, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, ako at ang aking kapatid na nakatatanda sa akin ay himala na hindi nahuli sa unang asignatura marahil ay nakahanda ang cellphone ng aking kuya at inihanda din namin ang alarm para hinding-hindi talaga mahuli sa aming klase. Pagkarating namin sa aming paaralan, saktong papasimula na ang aming Flag Ceremony kaya't ako ay nakisama na din sa kanila.
     Naging maganda naman at maayos ang aming Flag Ceremony dahil wala naman gaanong nagpapasaway at nagpapapansin sa amin. Sa loob naman ng aming klase, marami akong natutunan subalit hindi man lang ako nakapagrecite dahil siguro sa hindi ko maintindihan ang iba naming aralin pero nakahabol padin kahit papaano.
     Matapos ang aming klase, ako at ang aking mga kaibigan ay lumabas muna ng aming paaralan dahil kami ay kakain muna para hindi magutom. Matapos naming bumili ng pagkain, nagpahinga muna kami saglit sa labas ng aming paaralan at maya-maya pa'y pumasok ulit sa loobb ng aming paaralan.
     Sa loob ng aming paaralan, ako ay nakita ni Sir Ferrer at ako'y tinawag niya, ako ay kailangan niya dahil kami ay mage-edit para sa aming dokyumentaryo para sa Stentor. Ako ang tagasuri at siya naman ang taga gawa kung paano i-edit. Nang tinawag na ako nila Brite at Lao-ay, ako ay umalis muna dahil kailangan naming mangolekta para sa abuloy.
     Pagkatapos namin gawin ito, ako at ang iba pa naming kasama at umuwi na dahil wala na ring gagawa sa loob ng aming paaralan. Nang makauwi naman ako sa aming bahay, kumain muna ako ng sopas at lumabas din para maglibang, maglaro at gumawa ng aking blog. Nang makauwi na ako sa aming bahay, ako ay kumain na ng aking hapunan, nagpahinga at maagang natulog dahil maaga pa bukas.

Saturday, March 8, 2014

Talaarawan Blg. 129 Marso 9, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay hinintay ko munang umalis ang aking ama dahil baka pagalitan niya ako na dahil umagang-umaga pa lang ay laptop agad ang hanap ko. Nang maka-alis na siya at papasada na siya agad kong binuksan ang aming laptop at dinownload ko ang mga paborito kong laro marahil umaga pa lang ay ginamit ko na ito dahil sa maeexpired na ang load nito.
     Nang madownload ko na ang lahat, pinatay ko na ito at pinalamig muna at niligpit din nang maging malamig na ang makina nito. Nang maligpit ko na ito, ako ay nagpahinga muna dahil maya-maya liligpitin ko na ang aming hinigaan. Nang makapahinga na ako, tinapos ko muna ang gawain na naatas sa akin at matapos kong gawin ito, ako ay humiga muna sa aming kama.
     Binuksan ko na ang aming telebisyon para manood dahil wala na akong gagawin at hihintayin ko na lamang ang oras na lumipas. Nang hindi ko na nagustuhan ang mga palabas sa telebisyon, binunot ko na ito sa saksakan.
     Nang nagpahinga ulit ako, hinintay ko ulit yung oras dahil aalis ako ng bahay at lalabas para gawin ang aking blog. Ako ay naka-uwi nang bandang mga ala sais ng gabi at pagkarating ko sa bahay, ako ay kumain na agad ng aking hapunan at maagang natulog dahil kailangan ay hindi mahuli bukas dahil may Flag Ceremony.

Talaarawan Blg. 128 Marso 8, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, ako lamang ang maiiwan sa bahay mula umaga hanggang tanghali dahil ang aking mga kapatid na nakatatanda sa akin ay may gagawing gawain, ang kapatid kong panganay ay may pasok sa kanilang paaralan at yaong isa naman ay may Recollection na gaganapin sa aming paaralan.
     Nang papaalis na sila, ang aking ina ay nag-iwan ng pera para gamitin at bumili ng aming ulam mamayang tanghalian. Nang ako na lang ang tao dito, ako ay lumabas ng bahay at niloadan ko ang aming laptop para gawin ang aking blog dahil napagisip-isip ko na matagal na rin ako hindi nakakagawa ng aking blog.
     Nagkaroon na ng load at sinimulan ko nang gumawa nito, nang matapos kong gawin ito, pinatay ko muna ang laptop dahil medyo mainit-init na ang makina at habang nakapatay ito, ginamit ko naman ang cellphone ng aking kuya at pinaglaruan ko ito.
     Ako ay naging masaya dahil pakiramdam ko na gumaganda-ganda ang mga nangyayari sa araw na ito. Nang matapos akong maglaro, nagluto ako ng kanin at aking ulam dahil walang tao at kailangan kong kumilos nang mag-isa lamang. Nang makaluto na ako, pinalamig ko muna ang kanin dahil mainit pa ito at kaluluto lang nito.
     Nang makakain na ako ng aking tanghalian, ako ay nagpahinga muna dahil kailangan kong lumabas ng bahay upang maglibang kahit papaano marahil matagal-tagal na rin na hindi ako nakakapaglibang. Ako ay lumabas na at naglaro. Pagkatapos ko namang maglaro at dumiretso na ako sa aming bahay,  wala na akong dinaanan pang iba. Pagkarating ko sa bahay, kumain na akong ng aking hapunan at naglaptop at medyo nagpuyat dahil sa katext ko ang isang tao na nakilala ko.

Friday, March 7, 2014

Talaarawan Blg. 127 Marso 7, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, ako ay nahuli na naman sa unang asignatura, dahil kagabi paputol-pitol ang aking tulog, iyan ang dahilan kaya't huli ang gising ko sa umaga. Nang makita pa kami ng aming ama sa aming bahay, kami ay inasar pa niya. Nang magtungo na kami sa aming paaralan kasabay ko ang aking kapatid na nakatatanda sa akin.
     Nang makarating na ako sa aming paaralan, ako lamang ang tanging mag-aaral na nahuli sa aming klase kaya't hindi na lang muna ako naglakad-lakad dahil baka mapansin pa ako ng aming guro subalit kahit dahan-dahan lang ang aking paglalakad at nakita niya at sinabi niya na mamaya na daw niya aasikasuhin ang mga nahuli sa kanyang asignatura.
     Matapos ang aming klase, ako at ang aking mga kaibigan ay lumabas ulit habang nagkukwentuhan at pinag-uusapan namin kung kailan ba namin matatapos ang aming Documentary para sa Stentor at Umalohokan. Nang sinabi na nila na sila'y uuwi na, ako at si Brite at hindi muna umuwi dahil mayroon kaming Movie Marathon ngayon at gaganapin sa bahay ni Janalou.
     Nang makarating na kami sa bahay nila, agad binuksan ni Janalou ang kompyuter nila at sinimulan na ang aming panonood subalit dahil sa nagagaw-agawan kami, medyo nakakainip ang panonood kaya't hindi na lang ako nanood at nanahimik na lang ako sa sulok.
     Matapos ito, kami ay bumalik ulit sa aming paaralan dahil mayroon kaming Flag Retreat ngayong araw, ito ay ginagawa tuwing biyernes. Matapos ito, ako ay nagpraktis ng sayaw at umuwi agad, naging saglit lang ang aming praktis dahil sa marami ang kulang. Nang makarating na ako sa aming bahay, kumain na agad ako ng aking hapunan at natulog agad dahil sa sobrang pagod.

Talaarawan Blg. 126 Marso 6, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, pagtingin ko sa aming orasan ay ang lakas ng aking kutob na mahuhuli ulit kami sa aming unang asignatura dahil nakalimutan ng aming ina na kami'y gisining at dahil puyat ang aking ina kagabi, kakanood ng basketball hindi niya kami ginising. Kami ay kumilos nang mabilis para maka-abot pero pagkarating namin ay huli na naman.
     Hindi na lang ako sinita ng aming guro pero alam ko na nakita niya ako na huli na naman pumasok, medyo nainis ako dahil ayaw kong mahuli pero ganun pa rin ang nangyari. Dahil doon hindi ko na lang inisip yaong bagay na iyon at nakinig na lamang ako para makabawi sa aking guro.
     Matapos ang aming klase, ganun ulit katulad kahapon kami magkakaibigan ay lumabas muna ng aming paaralan ay naglakad-lakad dahil babalik ulit kami sa loob ng aming paaralan. Nang magala-una na, bumalik na kami sa loob ng aming paaralan at kanya-kanyang inayos ang aming Documentary at mga Certificate dahil ngayon at hanggang bukas lamang ang pasahan ng mga Extra Curricular.
     Matapos namin ito, kami ay walang praktis muna ng sayaw dahil ang aming tagaturo ay abala sa kanyang pag-aaral ngayong araw na ito dahil doon kami ay nagsi-uwi na. Pagkarating ko sa aming bahay, nagpahinga muna ako at natulog para makabawi ng antok.
     Pagkagising ko ay hapunan na, kumain na agad ako ng aking pagkain at natulog na ulit subalit ako'y hindi makatulog kaya't hinintay ko na lamang na antukin ako at matulog na lamang.

Talaarawan Blg. 125 Marso 5, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, kami ay walang pasok dahil lahat ng 4th year na estudyante ay may NAT o National Achievement Test. Dahil doon ang 4th year at Grade 7 lamang ay may pasok marahil sa gagamitin ang mga silid-aralan dahil na rin doon, kami ay kailangang bumalik sa aming paaralan dahil mayroon din kaming Documentary para sa Stentor.
     Nang makapagbasta na ako ng aking mga gamit, ako ay tumungo agad sa aming paaralan at pagkarating ko doon, hindi ko nakita ang aking mga ka-grupo kaya't nais ko sanang umuwi na kaya't lamang maya-maya pa'y dumating na si Sir Ferrer dahil doon hinintay namin ang iba pa naming ka-miyembro.
     Pumasok ako sa loob ng aming paaralan at sinabi ng guard na si Kuya Glezer ay huwag maingay dahil marami ang may Test, sinunod naman namin iyon para hindi kami masita at mapagalitan. Nang makumpleto na kaming limang magkakagrupo, kami ay nagsimula na. Ako ay nahirapan para sa gagawin kong pagsasalita dahil doon medyo kinakabahan ako at naiilang ngunit naging maganda rin bandang huli.
     Nang matapos namin ang pagrerecord ng video, kami ay nagsimula nang mag-edit nito ngunit nang magtanghali na, ako ay sumama kay Tatac para pumunta sa kanilang bahay at kumain ng aming tanghalian. Sa bahay nila, kami ay nagpahinga at nagbasta ulit dahil kami ay babalik pa sa aming paaralan para ipagpatuloy ang aming Documentary at dahil na rin sa magkakaroon kami ng aming praktis ng sayaw.
     Matapos ang aming praktis ng sayaw, ako ay napagod at mag-isa ulit na umuwi, pagkarating ko sa aming bahay, ako ay namlantsa ulit ng aking damit para bukas at nanood sa telebisyon at natulog.

Talaarawan Blg. 124 Marso 4, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga napansin ko na mukhang mahuhulig na kami sa aming mga klase dahil pagtingin ko sa oras ay alas singko imedya na kaya't binilisan ko na agad ang aking kilos ngunit nang makarating na ako sa aming paaralan, ako ay huli na kaya't nahiya ako sa aming guro at dire-diretso ang lakad ko patungo sa aking upuan.
     Nang makaupo na ako sa aking upuan, ako ay inasar ng aking mga kamag-aral ngunit inasar ko din sila kaya't nagsitigil na sila. Nang sinabi ng aming guro na mamaya na daw niya aasikasihun ang mga estudyanteng nahuli sa kanyang klase, ako ay medyo kinabahan. 
     Matapos ang aming klase, hindi naman nangyari ang sinabi ng aming guro kaya't napanatag na ang aking loob. Katulad kahapon, kaming magkakaibigan ay nagtipon-tipon ulit para maglakad-lakad at maghintay ng oras. Nang umuwi na sila, ako ay umuwi na din at bumalik na lang ulit sa Siruna para magpraktis ng aming sayaw.
     Naging maganda naman ang aming pagpapraktis. Sinabi ng aming tagaturo ng sayaw na may dadaanan pa siya kaya't pinauwi na niya kami, naging mabilis ang aming praktis subalit marami kaming natutunan na galaw. Umuwi ako mag-isa at pagkarating ko sa aming bahay, ako ay nagpahinga muna dahil maya-maya may gagawin ulit akong isang gawain.
     Matapos kong kumain ng aking hapunan, nilinis ko na muna ang lamesa at ako ay nagsimulang nang magplantsa ng aking uniporme. Matapos gawin ito, ako ay natulog na para bukas hindi na kami mahuli sa unang asignatura.

Talaarawan Blg. 123 Marso 3, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, ako ay maagang nagising dahil natatak na sa aking isipan na kailangan lagi tuwing lunes dahil sa Flag Ceremony, umalis at nang maaga sa aming bahay kasabay ang aking kapatid na nakatatanda sa aking.
     Pagkarating namin doon, lahat ng miyembro sa SSG ay naghiwa-hiwalay para isa-ayos ang mga pila ng mga estudyanteng magpaFlag Ceremony, nang magsimula yaon, narinig ko sa isang guro na naging maayos naman ang araw na ito kung pagbabasehan ang aming Flag Ceremony dahil noong nakaraang mga araw na nagkaroon ng Flag Ceremony, hindi naging maganda sapagkat maraming estudyante ang hindi nakikibagay at nakikisama sa amin.
     Matapos ang aming klase, nagkita-kita ulit kaming mga magkakaibigan simula pa lang sa loob ng aming klase laging kaming magkakasama, masaya at nagkukwentuhan subalit hindi naman sa lahat ng oras. Nang lumabas na kami ng paaralan, hindi muna kami nagsi-uwi dahil mayroon pa kaming gagawin.
     Nang wala na kaming gawain sa loob ng aming paaralan, kailangan ko ulit na umuwi muna ng bahay dahil babalik ulit sa Siruna para magpraktis ulit ng sayaw. Nang maka-uwi na ako dating gawin kumain ng tanghalian, nagpahinga, naligo at nagtungo na sa Siruna para magsimula na.
     Unti-unti na naming nakakbisado ang bawat galaw mula sa aming sayaw, nang matapos na ito at pinauwi na kami, pagkarating ko pa lang sa bahay ako ay inutusan agad ng aking ama na hugasan ang mga plato at dahil wala akong magagawa sinunod ko na lamang ang kanyang utos.
     Matapos gawin ito, kumain ng ako ng aking hapunan at natulog agad dahil sa sobrang pagod.

Talaarawan Blg. 122 Marso 2, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga, ako ay nanatili muna sa aking higaan dahil medyo tinatamad pa ako dahil sa naninibago sapagkat mula Lunes hanggang Biyernes ay kailangan ng maagang paggising subalit ngayon ay walang pasok at nakakapanibago lamang. Nang bumangon na ako, binuksan ko muna ang aming telebisyon at kumuha na rin ako ng kanin at ulam para gawing almusal.
     Habang ako ay nanonood ng mga palabas sa telebisyon, hindi ko napansin na may tumawag pala sa aking cellphone, hindi ko nalaman dahil sa naka-vibrate ang aking cellphone at marahil narin hindi ko kilala ang tumawag sa akin.
     Matapos kong manood ng mga palabas sa telebisyon, binunot ko muna ang saksakan dahil wala pang manonood sa amin at marahil kapapatay lang noon. Nang malapit ng magtanghalian, ako ay inutusan ng aking ina na bumili ng sahog sa tindaan para gawing pampalasa sa gagawin niyang ulam para sa aming tanghalian.
     Nang makaluto na ang aking ina ng aming pagkain, ako ay nauna nang kumain ng aking tanghalain dahil mamayang ala-una kailangan kong pumunta sa Siruna dahil mayroon kaming praktis ng sayaw para sa darating na mga araw.
     Matapos kong ibasta ang aking mga dalahin at ako ay papunta na, nasabay ako sa kaibigan ng aking ama at dahil doon naihatid niya ako sa Siruna nang libre at walang anumang kapalit. Pagkarating ko doon, nagsimula agad kami upang hindi masayang ang bawat oras.
     Nang maging maayos na ang aming praktis at napagpasyahang umuwi na, pagkarating ko sa aming bahay, ako ay kumain muna ng aking hapunan at namlantsa ng aking susuotin para bukas at maagang natulog.

Saturday, March 1, 2014

Talaarawan Blg. 121 Marso 1, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay nagligpit muna ako ng aming hinigaan, matapos kong ligpitin ay kumain na ako ng aking almusal at nang makakain na ako saka ako gumawa ng aking mga takdang aralin subalit ang aking portfolio sa asignaturang T.L.E. ay hawak ng aking guro kaya't hindi ko muna ginawa dahil mababalewala din.
     Nang matapos kong gawin ang aking takdang aralin, ako ay nanood muna ng mga palabas sa aming telebisyon para pampalipas oras. Nang matapos na ang mga palabas, ang aking ina ay nagluto na ng aming pagkain para sa aming tanghalian. Nang makaluto na siya, hindi muna kami kumain dahil hindi pa kami nagugutom.
     Nang magutom na kami, kami ay sabay-sabay kumain ng aming tanghalian. Matapos naming kumain ng aming tanghalian, ako ang inutusan ng aking ina na hugasan ang mga plato na aming ginamit sa pagkain. Matapos kong gawin ito, ako ay naligo na at nagbihis dahil kailangan kong lumabas ng bahay at pumunta sa kompyuteran para tignan ang aking Facebook.
     Pagkarating ko sa kompyuteran, ako ay umupo at nagsimula nang maglaro para malibang naman kahit papaano. Nang matapos akong maglaro, hindi muna ako umuwi dahil nandoon pa sa bahay ang makulit kong pinsan. Nang medyo maggagabi na, pagkarating ko sa bahay ay saktong aalis na ang aking ama't ina at sa kabilang bahay sila matutulog.
     Pag-alis ng aking magulang, ako ay kumain ng aking hapunan at naglaro sa cellphone ng aking kuya. Matapos kong maglaro ay lumabas ulit kami ng aking kuya para samahan siya at nang maka-uwi na kami ay wala ng tao sa aming dinaraanan at tahimik na na sumisimbolong lahat sila ay tulog na. Ako ay kumain kahit na alas dose na ng gabi at medyo napuyat ngayong araw na ito.

Friday, February 28, 2014

Talaarawan Blg. 120 Pebrero 28, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ako ay kumain na agad ng aking almusal, matapos kong kumain ako ay nagpahinga muna dahil maya-maya marami akong gagawin dahil ako at ang aking kuya lamang ang tao sa bahay. Nang makapahinga na ako, ako ay nagsimula nang magsulat sa aking kuwaderno sa English. Matapos magsulat, naghugas na ako ng aming plaro.
     Matapos kong gawin ang aking mga gawin, nagluto na ang aking kuya para sa aming tanghalian, nang makaluto na siya sabay na kaming kumain ng aming tanghalian at matapos kong kumain ng aking tanghalian ako ay nagpahinga ulit dahil maglilinis ba ako ng aming banyo. Matapos kong linisin ito, dumiretso na ako sa aking pagligo dahil kailangan kong lumabas ng bahay para maglibang naman kahit paminsan-minsan lang.
     Sa labas ng bahay, nakita ko ang aking kaibigan at sinabi niya sa akin na pumunta daw kami sa Lourdes para tumambay at magpahinga, sakto naman na hindi ako abala at gusto ko ng malamig na simoy ng hangin kaya't sumama ako sa kanya. Pagkarating namin doon, napaupo muna kami at ako ay bumili ng pagkain para may makain kami. Nang magbukas na ang kompyuteran doon naglaro muna ako para sumaya ng kaunti.
     Matapos kong maglaro sa kompyuteran, hinintay ko muna na umuwi ang aking ama na umuwi at nang makauwi na siya, ako ay umuwi na rin kasama ang aking kaibigan. Pagkarating ko sa aming bahay, ako ay kumain na agad ng aking hapunan at maagang natulog.

Thursday, February 27, 2014

Talaarawan Blg. 119 Pebrero 27, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay tinignan ko muna ang mga messages sa aking cellphone, nang mabasa ko yung text ng aking pinsan, sinabi ko sa kanya na sabay na kami papuntang River Park dahil kailangan ko pang pumunta sa aming Documentation para sa Stentor, sinabi naman niya na ayos lang.
     Nang maalala ko na malapit na pala mag alas siyete ng umaga, ako ay naligo agad at nagbihis dahil kailangan daw na hindi mahuli sa aming documentation subalit nang makarating ako sa aming paaralan wala pa si Tatac kaya nanghinayang ang aking mga kasama subalit maya-maya pa'y dumating na.
     Pagkarating ni Tatac nagsimula na agad kami at nang matapos iyon, wala rin pala akong ginawa doon dahil kulang sa oras kaya't sa susunod na araw na lang iyon gagawin. Nang mag alas dose na ng tanghali, agad akong umuwi sa bahay dahil malapit ng mag ala-una at kami ay magkikita-kita sa Sports Center para pumunta sa River Park.
     Nang kami ay papunta doon, nakita namin sila Abegail Juanillas at nandoon sila para sa kanilang Youth Camp. Naging maganda ang pagpunta namin doon kaya lamang nakakapagod ang ginawa naming exercise at training para sa aming sayaw kailangan daw ang training para magbago ang aming galaw. Habang kami ay nagtetraining, ang iba kong kasama ay tila bang tinatamad na dahil sa hirap subalit maya-maya pa'y nagsikain na kami.
     Matapos kumain, kami ay nagpahinga ulit at nang makapahinga na balik ulit sa dati, nagtraining ulit hanggang sa makuha namin iyon at patuloy na ang aming praktis ng sayaw. Matapos ang praktis, kami ay naghiwalay sa pag-uwi at nang makarating ako sa bahay, diretso hilata at kumain na ng aking hapunan at natulog nang maaga dahil sa pagod.

Talaarawan Blg. 118 Pebrero 26, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, kami ay balik sa klase dahil marami-raming araw kaming magbabakasyon simula bukas kaya't sinipagan ko na.ang pagpasok ngayon. Ako ay kumain agad ng aking almusal at kumilos nang mabilis para hindi mahuli sa aming klase.
     Pagkarating ko sa aming paaralan, nakita ko ang aking mga kaklase kung ano ba yung mga ginagawa nila at nalaman ko na marami ka pala kaming ipapasa na mga portfolio sa susunod na linggo. Kaya't napagisip-isip ko na gagawin ko kaagad iyon sa madaling panahon.
     Matapos ang aming klase, gusto ko sanang pumunta sa bahay ng aking kamag-aral kaya lamang ay may praktis pa kami kaya kami ay tumambay na lang at naghintay sa tapat ng aming paaralan. Nang malapit ng mag ala-una, ako at ang aking isang kamag-aral ay kumain ng kanin. Matapos naming kumain ng kanin, kami ay pumasok ulit sa loob ng aming paaralan para simulan na ulit ang pagpupulong tungkol sa gagawin naming Documentation para sa Stentor.
     Matapos ito, ako ay umuwi agad at kumain ng aking tanghalian, kailangan kong magmadali dahil ako ay babalik ulit sa Siruna para magpraktis na ng aming sayaw. Nang matapos ko na ito, ako ay naligo sa pangalawanf beses at nang makabihis na ako, dumiretso na ako sa Siruna at nilakad ko pataas.
     Nang maging maayos na aming sayaw, napagpasyahan na naming umuwi at sa susunod na araw naman. Nang ako ay pauwi na sa aming bahay, nakita ko ang aking kaibigan at niyaya ko na sabay na kami pag-uwi at pagkarating sa bahay, ako ay kumain na agad ng aking hapunan at maagang natulog.

Monday, February 24, 2014

Talaarawan Blg. 117 Pebrero 25, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, kami ay walang pasok dahil ngayong araw ay ipinagdiriwang ang People's Power Revolution. Pagkabangon ko sa aking higaan, wala agad ang aking ama hindi ko alam kung saan siya pupunta at ang alam ko lang ngayon din ang kanyang kaarawan. Nang sinabi ng aking ina na aalis daw muna siya, hindi niya din alam kung saan pupunta kaya't pinabayaan na lang namin.
     Kami ay sabay-sabay kumain ng aming almusal, mas maaga pa nga lang ang aking ina na kumain dahil kailangan niya pang pumasok sa kanyang trabaho. Nang maka-alis na siya, ako at ang aking kapatid na nakatatanda sa amin ang naiwan dahil ang isa ko pang kapatid ay pumunta sa aming paaralan. Kami lang ang naiwan sa bahay kaya't kami ay nagbukod ng aming mga gawain sa bahay, ako ang naglinis ng mga hagdan, nagwalis ng sahig at naghugas ng mga plato samantalang ang aking kuya ay binanlawan at nagsampay lang ng aming mga damit na nilabhan ng aming ina.
     Matapos ang aming mga gawain, ako ay bumili ng aking ulam at niluto ko ito at ako ang unang kumain sa aming dalawa. Pagkaluto ng aking kakainin, ako ay nagpahinga at naligo na para mamaya ay aalis na lang upang gawin ang aking blog sa labas.
    Nang makatapos na akong gawin ang aking blog, ako ay umuwi agad at nagpahinga dahil maya-maya pagdating ng aking ina. Nang dumating na ang aking ina, ako ay nakabihis na ay kami'y umalis. Pagdating namin sa aming bahay saktong hapunan na at sabay-sabay kaming kumain ng aming mga pagkain at lahat kami ay nabusog dahil maraming pagkain ang inihanda nila dahil sa kaarawan ng aking ama.

Talaarawan Blg. 116 Pebrero 24, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, ako ay gumising mag-isa. Ako ay nagising dahil sa pagluluto ng aking ina ng aming pagkain dahil kailangang maaga ulit kami ngayon dahil may Flag Ceremony. Pagkaluto niya ng aming almusal, ginising ko na din ang aking kuya para hindi kami mahuli sa school dahil kasabay ko siya pagpasok.
     Pagkarating ko sa aming paaralan, ako ay sumama sa aking mga ka-miyembro para sa SSG dahil tuwing lunes kami ay nagbabantay para maging maayos ang aming Flag Ceremony. Matapos ito, kami ay nagsipasok na sa aming mga silid-aralan. Sa loob ng aming silid-aralan, itinama naming ang naging takdang aralin namin para sa asignaturang Chemistry.
     Matapos ang aming klase, ako at ang aking mga matatalik na kaibigan ay nagtipon-tipon para maghintay na lumipas ang oras sa tapat ng aming paaralan dahil kami ay mayroon pagpupulong ngayong para sa Documentation namin sa Stentor. Nang magsimula na ang pagpupulong, biglang sumakit ang aking tiyan at ako'y nagpaalam sa aming guro para kumain.
     Ako at ang aking kaibigan na si Brite ay lumabas muna sa aming paaralan para bumili at kumain ng kanin sa tapat nito. Matapos naming kumain, agad akong pumasok sa aming paaralan para ipagpatuloy ang hindi ko pa napakinggang pagpupulong. Nang kami'y magpulong na, patapos na rin pala sila noon kaya't umalis na din ako at umuwi na.
     Kami ay naglakad pababa ng Siruna at ako'y sumakay ng jyip. Pagkarating ko sa aming bahay, ako ay nagluto ng aking pagkain at agad na kumain at lumabas ng bahay para maglaro ng kompyuter at upang gawin din ang aking blog. Matapos kong gawin ito, umuwi na ako sa aming bahay, at pagkarating ko kami ay nagsikain na naman at medyo gabi na ako nakatulog dahil bukas ay walang pasok kaya't pwede magpuyat.

Sunday, February 23, 2014

Talaarawan Blg. 115 Pebrero 23, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagbangon ko sa aking higaan, ako ay inutusan ng aking kuya na isaksak ang charger at ang kanyang cellphone dahil kagabi pa lang ay wala ng laman ang baterya niya. Pagkasaksak ko sa saksakan ay bumalik ako sa higaan dahil hindi pa kumpleto masyado ang aking tulog.
     Nang magising ulit ako sa ikalawang beses, ako ay kumain na muna ng aking almusal at humingi ng pera sa aking ina para loadan ang aming laptop upang gawin ang aking blog. Nang makarating ako sa tindahan agad kong inabot ang pera pampaload at tinakbo pauwi dahil marami-rami akong gawain ngayong araw na ito. Pagkarating ko sa bahay agad kong binuksan ang aming laptop at ginamit ko kaagad.
     Sa aking paggawa ng blog, yung ibang araw na nakalipas ay natagalan ako dahil hindi ko alam masyado ang pinaggagawa ko kaya't tiningnan ko na lang sa aking kuwaderno ang mga pinaggagawa namin.  Habang ako ay gumagawa ng aking sariling blog, ako ay kumakain ng tinapay kaya't sobrang busog ako kahit umaga pa lang.
     Nang magtanghalian na at ang aking ina ay nagluluto na, ang aking mga kapatid naman ay gumamit ng laptop at ako'y naglaro sa cellphone ng aking kuya. Matapos kong maglaro ng sa cellphone ng aking kuya, ako ay kumain na ng aking tanghalian at gumawa ng takdang aralin sa asignatura Chemistry. Matapos ko itong gawin, ako ay naligo na at lumabas ng bahay.
     Pagkalabas ko sa aming bahay, ako ay dumiretso sa tindahan para magpaload ng aking cellphone at pag-uwi ko sa bahay, ako ay nagpahinga na hanggang sa makaluto ang aking ina ng aming hapunan. Nang makaluto na siya, kami ay sabay-sabay na kumain ng aming hapunan at gumawa ng aking blog at maagang natulog.

Talaarawan Blg. 114 Pebrero 22, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga, ako ay nagligpit ng aking hinigaan. Matapos kong ligpitin ako ay nagpahinga muna ay hinihintay na mawala na ang antok ko. Dahil sa wala pa ang aking ina, ang aking kapatid na nakatatanda sa akin ay nagluto ng aming pagkain para sa aming almusal at maya-maya pa'y dumating na ang aming ina galing sa kabilang bahay.
     Matapos din namin kumain ng aming almusal, ang aking kapatid ay naghugas na ng plato na aming ginamit sa aming pagkain. Ako ay hindi nakanood ng mga palabas sa telebisyon dahil ang aming telebisyon ay nasira pagkagising namin kaya't tineksan ko ang aking ama para umuwi at ipagawa ang aming telebisyon.
     Pagka-alis nila ng bahay, ako lamang ang naiwan dahil ang aking kuya na nakatatanda sa amin ay may pasok para sa kanyang paaralan at ang isa ko pang kuya ay nagtest para mag-apply ng scholarship ni Gob., nang magtanghali na ako pa din ang tao sa bahay kaya't nagluto ako mag-isa ng aking tanghalian.
     Matapos kong kumain ng aking tanghalian, ako ay nagpahinga na para maligo at maglaro ng kompyuter sa labas at kailangan ko palang magpraktis ng aming sayaw mamayang alas kuwatro ng hapon. Matapos kong maglaro ay umuwi muna ako para uminom at kumain ng aking meryenda. Nang makakain na ako ng aking meryenda, ako ay umalis na ay pumunta na sa taas ng Siruna para magpraktis hanggang sa mag alas siyete ng gabi.
     Nang matapos ang aming praktis, ako lang mag-isa ang umuwi kahit medyo madilim na at pagdating ko sa aming bahay, sinermunan ako ng aking ama at nagtanong kung bakit ginabi ako at sinabi ko na kami ay nag praktis ng aming sayaw. Kumain na din ako ng aking hapunan, nagpahinga at maagang natulog.

Saturday, February 22, 2014

Talaarawan Blg. 113 Pebrero 21, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, parang kahapon lang pumasok sa paaralan, nagtalakayan at nag-aral hanggang sa matapos ang oras ng aming klase. Nang matapos na ang aming klase ako ay naghintay ulit sa tapat ng aming paaralan para pagusapan kung kami ba ay may praktis ulit ng sayaw. Sinabi nila na kami daw ay may praktis ngayong kaya't nang malaman ko na meron, ako ay dumiretso na sa aming bahay.
     Pagkarating ko sa aming bahay, ako ay nagpahinga. Kumain ako ng aking tanghalian habang nanonood ng mga palabas sa telebisyon. Habang naghihintay ako ng oras bago mag alas kuwatro, ako ay nagpahinga at patuloy ang pagtetext mula sa aking cellphone.
     Tinext ko ang aking pinsan kung siya ba ay sasabay sa akin papunta sa taas ng Siruna at sinabi niya na magpapraktis daw siya subalit nang ako ay naglalakad na biglang nagtext ang tagaturo ng sayaw namin at sinabi niya na may importante daw siyang gagawin kaya't hindi matutuloy ang aming praktis namin ngayon kaya't ako ay dumiretso na sa kompyuteran para maglaro kahit kaunti.
     Nang matapos akong maglaro, ako ay nanood muna at maya-maya pa'y umuwi na, pagkarating ko sa bahay, ako ay gumawa ng ilang gawaing bahay hanggang sa kami ay kumain na ng aming hapunan, matapos kong kumain, ako ay nagpahinga at natulog.

Talaarawan Blg. 112 Pebrero 20, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay medyo nanghihina pa ako dahil siguro sa pagkakahimlay kong matulog, nang ako ay ginanahan na, ako ay agad na kumain ng aking almusal at dahil tulog pa ang kuya ko, siya ay pilit kong ginigising upang ako ay hindi mahuli sa klase. Nang matapos ang kumain ng aking almusal ako ay naligo na at nagbihis at umalis ng bahay papunta sa aming paaralan.
     Pagkarating ko sa aming paaralan, ako ay nanatiling nakaupo na lamang dahil hinihintay ko ang oras para sa aming unang talakayan. Nang dumating na ang aming guro, kami ay nagsimula ng aming talakayan mula sa pagdarasal. Nang kami ay sa ika-apat na asignatura na biglang sinabi ng isang guro na kami ay mayroon ulit na Demonstration para sa mga bagong guro na magsisipag apply.
     Bago matapos ang aming klase patuloy pa rin ang pagdedemo, nang mag-uwian na ako ay hindi muna umuwi ng bahay dahil kami ay may praktis ng sayaw. Ako ay pumunta sa bahay ng aking kamag-aral para maghintay ng oras, kami ay naglaro doon at kumain. Nang magalas kuwatro na, ako ay hinatid niya hanggang sa taas at siya'y umuwi na.
     Pagkarating ko sa taas ng Siruna, hindi ko pa nakita ang aking mga kasama sa praktis sa sayaw kaya't ako muna'y pumasok sa loob ng aming paaralan para umupo at magpahinga. Nang lumabas na ako doon ko na sila nakita kaya sumama na rin ako at nagsimula na kaming magpraktis.
     Nang matapos ang aming praktis ako ay dumiretso na sa aming bahay dahil medyo gabi na ng ako ay makauwi. Pagkarating ko sa aming bahay, ako ay kumain na agad ng aking hapunan at namlantsa ng aking uniporme para bukas at natulog nang maaga.

Friday, February 21, 2014

Talaarawan Blg. 111 Pebrero 19, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, dating gawi lang kagaya ng kahapon, pumasok sa klase, nagtalakay at nag-aral. Sa aming klase, kami ay nagkaroon ulit ng Demonstration kaya yung ibang asignatura na hindi na namin natatalakay ay naaalala na namin at namimiss. Naging maganda ang pagdedemo ngayon dahil ang mga guro ngayon ay mas magaling magturo kaysa kahapon.
     Matapos ang aming klase, ako ay tumambay muna sa labas para hintayin ang oras na lumipas dahil wala ring gagawin sa bahay kung ako ay uuwi lang din. Sa aking paghihintay, ako ay tinawag ng aking
ka-miyembro sa Stentor para pag-usapan ang aming Documentary na gagawin ngunit ako ay pinilit ng aking kasama na lumabas muna kaya hindi ako nakasali sa usapan nila.
     Sa labas ng aming paaralan, hinintay ko na dumating ang aking kamag-aral dahil ako ay pupunta sa kanilang bahay para kumain at maglaro ng kompyuter kasama siya. Hindi naman daw magagalit ang kanyang ina dahil madalas na kami na pumupunta doon. Nang makarating na kami doon, kami ay kumain muna at nagpahinga at maya-maya pa'y lumabas na para maglaro ng kompyuter.
   

Talaarawan Blg. 110 Pebrero 18, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay kumain na ako ng aking almusal, matapos kong kumain ay tinignan ko muna ang mga messages na aking natatanggap kada araw. Matapos kong mabasa isa-isa, ako ay naligo na para pumasok sa aming paaralan. Nang makabihis na ako at ako ay nakaalis na sa bahay at malapit na sa aming paaralan, nasalubong ko ang isa kong kamag-aral noong kami ay nasa elementarya pa lamang ngunit hindi ko na tinawag, hindi ko lang sinasadyang makita siya.
     Nang makarating na ako sa aming paaralan, kami ay nagsimula agad ng aming talakayan para sa unang asignatura. Nang maka-apat na asignatura na, kami ay nagkaroon ng demonstration para sa mga gurong magsisipag-apply para makapagturo sa aming paaralan. Maraming asignatura ang aming tinalakay at ang ilang asignatura namin ay hindi na nakapagtalakay dahil sa demonstration.
     Matapos ang oras, ako ay hindi muna umuwi dahil kami ay maguusap-usap para pagplanuhan kung anong oras ba ang aming praktis ng sayaw mamaya. Nang matapos naming pag-usapan ito, ako ay umuwi dahil babalik na lang ako para magpraktis dahil wala akong kain ng aking tanghalian kung ako'y hindi uuwi ng bahay. Matapos kong kumain ay nagpahinga muna ako at naghintay ng oras dahil maya-maya pupunta na sa taas ng Siruna dahil kami ay may praktis ng sayaw.
     Habang kami ay nagpapraktis ng aming sayaw medyo napagod kami at yung iba pa naming kasama ay nahuli kaya kailangan nilang maghabol ng sayaw, matapos ang praktis ay diretso ako pag-uwi. Pagkarating ko sa bahay, ako ay hilata agad at nagpahinga at natulog.

Thursday, February 20, 2014

Talaarawan Blg. 109 Pebrero 17, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, ako ay ginising ng aking ina nang maaga dahil kabisado na niya na tuwing lunes ay mayroon kaming Flag Ceremony. Nang makabangon na ako galing sa aking higaan, ako ay kumain agad ng aking almusal at kumilos nang mabilis. Inaasahan ko na ako ay hindi mahuhuli sa aming Flag Ceremony, kaya lamang ako ay natagalan sa paghanap ng aming masasakyan.
     Pagkarating ko sa aming paaralan, ako ay nasama sa mga estudyanteng nahuhuli sa Flag Ceremony kaya't kami ay nasermunan nila Ate Cagas, kaya naisip ko na aagahan ko pa lalo sa susunod na mayroon kaming Flag Ceremony.
     Naging mas ganado ako ngayon pero naisip ko pa rin na huli pa rin ako sa aking pagpasok, nang hindi ko na iyon masyadong inaalala. Kami ay nagkaroon ng magandang talakayan. Nang matapos ang aming klase ako ay hindi muna umuwi dahil sinabi ng aking mga kasama sa sayaw, kami ay magkakaroon ng aming praktis mamayang alas tres ng hapon.
     Nang makapagpraktis kami marami kaming natutunan na sayaw at lalo pa kaming ginanahan. Nang makauwi na ako sa aming bahay, ako ay kumain na agad ng aking hapunan at nagpahinga dahil alam ko na maya-maya ay marami-rami pang kakainin.
     Matapos magpahinga at kumain ng ilang tinapay, ako ay namlantsa na ng aking damit para bukas at maagang natulog.

Monday, February 17, 2014

Talaarawan Blg. 108 Pebrero 16, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lang ay tulog pa din ako dahil kagabi ay hindi ako makatulog kaya't medyo nagpuyat nang kaunti. Ako ay gumising bandang mga alas nuwebe na ng umaga kaya't kumain agad ako ng aking almusal baka kasi biglang malipasan ako ng gutom mamaya. Matapos kong kumain ay nagpahinga muna ako dahil maya-maya magpa plantsa na ako ng aking uniporme para bukas.
     Nang matapos ko itong gawin, ako ay nanood na ng mga paborito kong palabas sa aming telebisyon, habang ako ay nanonood biglang dumating ang aking pinsan na nakababata sa akin. Siya ay nagpagawa ng kanyang mga takdang aralin ngunit hindi ko tinulungan bagkus tinuruan ko lamang siya dahil kailangan niyang matuto.
     Matapos ko siyang turuan ako ay kumain na ng aking tanghalian at agad-agad na naligo dahil ako ay pupunta sa Masinag para bumili ng RP o Riot Points, nang makabili na ako, dumiretso agad ako sa kompyuteran ngunit hindi pa bukas kaya't hinintay ko na lamang. Maya-maya ay nagbukas na, agad ko itong pinasok at bumili ako ng ilang mga karakter sa aming nilalaro.
     Masaya akong naglaro hanggang a matapos. Nang papauwi na ako, nakita ko ang aking kaibigan kaya't nilapitan ko para kuwentuhan tungkol sa nangyari. Nang maka-uwi na ako sa bahay, ako ay inutusan agad ng aking ina para gumawa ng ilang gawain at pagkatapos ko iyong gawin, ako ay nagpahinga na at sabay-sabay kaming kumain ng aming hapunan. Pagkatapos ko kumain, ako ay natulog nang maaga para hindi mahuli bukas.

Sunday, February 16, 2014

Talaarawan Blg. 107 Pebrero 15, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay kumain na ako agad ng aking almusal para hindi magutom maya-maya. Matapos kong kumain ay nagpahinga muna ako habang nanonood ng mga palabas sa telebisyon, matapos kong manood ay naglaro naman ako sa cellphone ng aking kuya dahil siya ay nagluluto ng aming tanghalian.
     Nang matapos na siyang magluto ng aming pagkain, ay nagpahinga ulit ako para maligo maya-maya upang lumabas ng bahay para maglaro kasama ang aking mga kaibigan subalit hindi ba bukas ang kompyuteran kaya naghintay na lang kami habang nagbibiruan.
     Lumabas ang may-ari ay binuksan na niya ang kanyang kompyuteran para makalaro na kami. Nang matapos na kami makalaro, kami ay sabay-sabay pa rin umuwi habang nagkukwentuhan. Nang malaman ko na ang aking ina at ama ay matutulog, ako at ang akin kuya ay maglalaro sana pero siya ay tinatamad kaya't hindi na kami lumabas ng bahay.
     Kami ay sabay-sabay kumain ng aming hapunan para hindi malipasan, ako ay nakatuloog ng madaling araw dahil hindi pa ako inaantok ng gabing yun.

Saturday, February 15, 2014

Talaarawan Blg. 106 Pebrero 14, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, kami ay walang pasok dahil ngayon ang araw kung saan ipinagdiriwang ang araw ng mga puso. Dahil siguro sa walang pasok ngayon marahil nag-aayos ang mga mag-aaral sa aming paaralan ng mga gamit para paghandaan ang gaganaping JS Prom mamayang alas singko ng hapon.
     Nang ako ay tinatamad sa loob ng bahay dahil sa walang ginagawa, binuksan ko na lamang ang aming telebisyon para manood ng mga palabas. Matapos kong manood ay hinintay ko ang oras na magtanghalian para maaga akong kumain ng aking tanghalian upang lumabas agad ng bahay para maglaro sa kompyuteran.
     Ako'y nalungkot dahil sa walang pasok hindi ko tuloy makikita ang isang taong mahalaga sa akin at ang masama pa noon ay ngayon ang araw na mga puso pero ako'y walang ka-date, dahil doon parang nawalan ako ng gana na lumabas ng bahay pero kailangan ko dahil kasama ko ang aking mga kaibigan, doon ko na lang ipinadama ang araw ng mga puso upang maibsan ang lungkot na aking nadarama.
    Naging masaya ang aming paglalaro kahit na maraming talo at wala nang sasaya pa na kami ay nakukwentuhan habang ang iba ko pang kaibigan ay nanlilibre ng mga pagkain na binibili niya sa tabi-tabi. Ako'y umuwi ng may ngiti dahil kahit papaano naging masaya ang araw na ito.

Thursday, February 13, 2014

Talaarawan Blg. 105 Pebrero 13, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lang sa umaga ay inihanda ko muna ang aking mga gamit papunta sa aming paaralan. Nang makarating na ako doon ay parang kahapon lang, ang aming pinag-uusapan ay patungkol pa rin sa aming gagawin para sa asignaturang E.P. o Values. Sa aming pag-uusap naging maganda naman ang usapan hanggan sa makuha na namin kung ano ang aning gagawin.
     Matapos ang aming klase ay naghihintayan kami sa labas ng aming silid-aralan upang magpraktis na ulit upang makuha na namin ang aming gagawin. Matapos ang aming praktis, kami ay nagpahinga muna para hindi mapagod mamayang pag-uwi.
     Nang maka-uwi na ako sa aming bahay, ako muna'y natulog para makabawi ng tulog dahil minsan ako ay napupuyat tuwing gabi. Pagkagising ko ay lumabas muna ako ng bahay para maglibang at tumingin ng ilang litrato sa Facebook. Ako ay natagalan sa aking paglalaro dahil hindi ko namalayan ang oras kaya't gabi na ako nakauwi.
     Sa aking paglalakad pag-uwi, naalala ko na kailangan ko palang magresearch tungkol sa takdang aralin ng aking pinsan na nakababata sa akin kaya't pag-uwi ko nagdahilan na lang ako sa aking tita. At maya-maya pa'y sabay-sabay kaming kumain ng aming hapunan. Matapos kumain ay naglaro na ako sa cellphone ng kuya ko hanggang sa maubos ang baterya nito. Nang maubos ang baterya ay nagpuyat ako dahil wala namang pasok kinabukasan. Naging madamdamin para sa akin ang araw na ito dahil sa ka-chat ko ang isang taong mahalaga sa buhay ko.

Talaarawan Blg. 104 Pebrero 12, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lang ay kinakailangan kong pumasok nang maaga dahil sinabi ng aking mga kagrupo na kami ay may praktis para sa asignaturang E.P. kaya't maaga akong nakarating at pumasok sa aming paaralan. Pagkarating ko doon ay wala pa sila kaya't hinintay ko sila hanggang sa dumating sila, nang makarating na sila ay tinanong ko ka agad sila kung ano ba ang aming gagawin sa aming pangkat.
     Habang kami ay nagkaklase, ang isa kong kamag-aral ay tanong nang tanong sa akin kung ano ba daw ang gagawin namin, sinabe ko sa kanya na mamaya na pag-usapan subalit panay pa rin ang kanyang tanong dahil doon hindi ko na lang siya pinansin dahil nais kong makinig upang may matutunan.
     Matapos ang aming klase, nakita ko sila at sinabe ko na kung ayaw nilang seryosohin ang kanilang ginagawa ako ay lilipat na lang ng grupo kaya't nang hindi maganda ang kinalabasan noon, ako at ang aking ibang kamag-aral ay lumipat na ng grupo para may maipakitang kaaya-aya kaysa sa wala. Sa aming paguusap naging maganda naman iyon.
     Sa aming pag-uwi, kami ay sabay-sabay na naglakad pababa habang naguusap kung ano ba ang gagawin namin, nang makarating na ako sa aming bahay, ako ay gumawa muna ng aking ibang takdang aralin. Matapos kong gawin ay nagpahinga na ako at sabay-sabay kaming kumain ng aming hapunan at natulog nang maaga para hindi mahuli sa pagpasok bukas.

Wednesday, February 12, 2014

Talaarawan Blg. 103 Pebrero 11, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa bahay ay hindi ko na iniisip na bilisan ang aking pagkilos dahil hindi naman mahalagang maunang pumasok sa aming klase dahil tapos na ang aming Flag Ceremony. Nang makarating na ako sa aming paaralan, kasabay ko ang aking kapatid na nakatatanda sa akin.
     Sa aming talakayan sa loob ng aming klase ay naging mas kaaliw-aliw naman dahil sa nga birong ibinibigay ng aming guro pati narin ang iba kong kamag-aral na bigla-bigla na lang tumatawa kaya't natatawa din ako. Matapos ang aming klase ay hindi muna ako umuwi dahil ang mga nanalong nangandidato noong nagkaroon ng pangangampanya ay kailangang magpakain ng kahit anong handa na pwede naming kainin.
     Sa aming paghihintay, sila ay bumalik kasama ang kanilang pagkain, ang aking mga kasama ay natuwa dahil sa kanilang gutom ay biglang may sumulpot na lang na parang pang lamang sikmura na. Sabay-sabay kaming kumain hanggang sa maubos ang pansit.
     Matapos ang kainan, kami ay nagpahinga saglit at maya-maya pa'y umuwi na, pagkarating ko sa aming bahay ay gumawa agad ako ng aking gawain dahil sa akin naatas ang gawaing iyon. Matapos ito ay kumain na ako ng aking hapunan, nagpahinga ay maagang natulog.

Tuesday, February 11, 2014

Talaarawan Blg. 102 Pebrero 10, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, kailangan kong maagang magising kaya kagabi pa lang ay sinabihan ko na ang aking ina na gisingin ako pag mga alas kwatro imedya na. Nang magising na siya, agad niya akong ginising para hindi ako mahuli sa aming klase dahil kami ay mayroong Flag Ceremony. Nang makatayo na ako sa aking higaan kumain na ako ng aking almusal at nagmabilis ng kilos hanggang sa makarating sa aming paaralan.
     Pagkarating ko sa aming paaralan, nakita ko ang aking ka-miyembro sa SSG kaya't sumama na lang ako sa kanila dahil tuwing lunes laging kami ang mga nagbabantay ng mga estudyante para maisaayos ang aming Flag Ceremony.
     Matapos ang aming klase ay hindi pa ako umuwi dahil kailangan pa naming magbilang ng aming boto dahil hindi kami natapos sa pagbibilang noong nakaraang biyernes marahil hindi agad kami nakapagumpisa ng aming gawain kaya siguro natagalan kami.
     Matapos ang aming gawain, sabay-sabay na kaming umuwi kasabay ang mga miyembro ng mga SSG dahil gabi na rin. Pagkarating ko sa bahay ay kumain na agad ako ng aking hapunan at natulog nang maaga.

Sunday, February 9, 2014

Talaarawan Blg. 101 Pebrero 9, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay kumain muna ako ng aking almusal, matapos kong kumain ay nagpahinga muna ako para makapagligpit ng aming hinigaan. Nang makapagligpit na ako, biglang dumating na ang aking ina galing sa kabilang bahay kung saan ang bahay na iyon ay ipinababantay sa amin. Sa kanyang pag-uwi ay madaming pagkain ang dala niya kaya kahit kakakain ko lang ng aking almusal ay kain pa rin ng kain.
     Matapos kong kumain ay hiniram ko na ang cellphone ng aking kuya para laruin ang paborito kong laro sa kanyang cellphone, nang makapaglaro na ako kinuha niya bigla at napaisip ako kung bakit nagpaalam naman ako sa kanya subalit kinuha niya rin kaagad.
     Nang hindi na ako nakahiram ako ay nanood na lamang sa kanyang paglalaro kaya't maya-maya ay umalis ako dahil wala ring gagawin sa bahay. Nang makarating na ako sa aming bahay, nadatnan ko ang aking ina na nagluluto ng aming tanghalian kaya't nang malaman kong kakain na sila, ako ang inutusan ng aking ina para ihanda ang hapag-kainan.
     Matapos kong ihanda ito ay kumain na kami ng aming tanghalian, matapos kumain ay natulog muna ako dahil medyo kulang ang tulog ko. Nang gumising ako, ako ay naligo na para lumabas ng bahay para gawin ang aking blog. Ako ay nakauwi nang malapit nang maghapunan kaya't hinintay ko na lang ang oras ng aming hapunan.
     At masaya kaming kumain ng aming hapunan at kailangang matulog nang maaga dahil kinabukasan ay mayroon kaming Flag Ceremony.

Friday, February 7, 2014

Talaarawan Blg. 100 Pebrero 8, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, gumising ako at tumayo na sa aking hinihigaan. Sa aking pagtayo napaisip ako sa nangyari sa amin ng aking mahal. Iniisip ko kung bakit kami naghiwalay kagabi lang dahil siguro sa hindi ko inunawa ang kanyang desisyon pero bandang huli natanggap ko na rin na tama lang ang ginawa niya, medyo nalungkot ako sa nangyari.
     Sa aking pagiisip ako ay humiga ulit dahil napakaaga pa nang ako'y nagising dahil ang aking ama ay hindi pa umaalis. Matapos kong damdamin ang nangyari sa amin, ako ay gumawa muna ng ilang gawain sa bahay. Matapos kong gawin ang aking ginagawa, ako ay kumain na ng aking almusal at binuksan ko na ang laptop para tumingin sa aking facebook.
     Matapos akong maglaptop ay nagluto muna ako ng aking makakain para sa aking tanghalian, ako ang nagluto dahil ako lamang ang naiwan sa bahay. Sila mama at sila kuya ay wala sa bahay dahil may kailangan silang puntahan. Nang makapagluto na ako, kumain agad ako para hindi gutumin. Matapos kong kumain ay naligo na ako para lumabas ng bahay upang gawin ang aking blog at para rin maglibang.
     Naging masaya naman ang aking paglilibang hanggang sa makauwi na ako. Nang makarating ako sa bahay, laking gulat ko kung bakit wala paring tao kaya't hinintay ko na lang silang dumating. Nang dumating sila doon na kami kumain ng aming hapunan at naglaro ng cellphone at natulog.

Talaarawan Blg. 99 Pebrero 7, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lang ay inagahan ko na ang aking paggising at maaga ring nakapaghanda ng aking sarili, ako ay hindi ulit nagdala ng aking gamit dahil alam kong ngayong araw ulit ay magiging abala ulit kaming lahat katulad kahapon. Nang makarating na ako sa aming klase, katulad kahapon, sa makalawang asignatura ulit kami ililiban at magsisimula.
     Ngunit kami lamang mga miyembro ng SSG ang liban sa aming klase dahil hindi kailangang makita ng mga nangandidato ang botohang papel dahil baka daw dayain ang resulta at baka dagdagan. Sa aming paglilibot, naging mabilis naman dahil maikli lang ang mga sinabi ni Kuya Noriel.
     Matapos ang paglilibot namin, kami ay nagtipon-tipon para pagsamahin ang mga papel na aming kinolekta para bilangin mamaya at kung sakaling hindi matapos maaaraing bukas na lang ituloy. Nang makapahinga na kami sa MATH Corner. Pinag-usapan namin kung ano ang aming gagawin. Ngunit sa paghihintay, ako, kasama ang mga ilan kong kamiyembro ay naglaro muna ng Badminton sa Court, naging masaya naman kahit papaano.
     Matapos ang paglalaro, kami ay nagsimula nang magbilang, naging matagal ang bilangan kaya't hindi namin natapos at dumating si Gng. Daito para sabihin na bukas ng tanghali na daw namin ituloy ang pagbibilang ng mga boto.
     Sa aming pag-uwi sabay-sabay ulit kami habang nagkukwentuhan pababa. At nang makarating na ako sa aming bahay, ako ay kumain muna, nagpahinga at lumabas ng bahay para loadan ang laptop dahil kailangan kong gumawa ng aking Blog para ako'y hindi mahuli sa bawat araw na lumipas.

Talaarawan Blg. 98 Pebrero 6, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, ako ay hindi na nagdala ng aking gamit dahil sinabi ng aking kamiyembro na sa ikalawang asignatura kami ililiban sa aming klase. Nang makarating na ako sa aming silid-aralan, nagtaka ang aking ibang kamag-aral kung bakit kami ni Brite ay walang dalang gamit ngunit hindi na namin sinabi.
     Nang makalawang asignatura na, biglang dumating na sila at kami ay tinawag na, lumabas na ako kasama sila Aijie, Erin, Brite at iba pa para samahan ang mga mangangandidato. Sa kanilang paglilibot. Isa-isa silang nagpapakilala at pilit na iboto para manalo at maging SSG sa susunod na taon.
     Matapos ang pangangandidato, at uwian na ng mga pang-umaga biglang nagtext si Kuya Tims at sinabing kami ay magseseryosong magpraktis pagkatapos ng JS Prom dahil daw mukhang tinatamad pang magpraktis ang ibang sumasayaw. Kaya't natuwa ako dahil saktong marami kaming ginagawa at biglang tinigil ang aming pagpapraktis.
     Nang makalibot na kami, sa sobrang pagod dahil sa pabalik-balik sa mga silid-aralan, kami ay biglang tinamad pero dapat naming matapos ito ngayong araw dahil bukas ay botohan na at magbibilangan para malaman kung sino ang mananalo. Matapos ang aming ginagawa, kaming mga kumilos ay nagpahinga muna habang hinihintay ang ibang miyembro at nang makumpleto na kami, sabay-sabay na kaming umuwi para hindi gabihin.
     Nang makarating na ako sa bahay, nadatnan ko ang aking ina na naghahanda na ng aming pagkain para sa aming hapunan, matapos siyang magluto ay sabay-sabay na rin kaming kumain at natulog nang maaga dahil sa sobrang pagod.

Talaarawan Blg. 97 Pebrero 5, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, medyo maagang nagising dahil naalala ko ulit na mayroon pala kaming praktis mamayang 3:30 ng hapon. Nang makarating na ako sa aming paaralan, sa makalawang asignatura biglang dumating ang ibang miyembro ng SSG para magpapirma sa mga gurong kinakailangang papirmahin para kaming mga SSG mula sa III-Diamond ay kinakailangang lumiban muna sa ibang asignatura dahil sa gaganaping pangangandidato ng mga bagong magiging SSG members sa susunod na taon.
     Nang dumating na ang isang papel at ito'y ibinigay sa amin, sinimulan na naming ibigay ito sa aming mga guro para pumirma dahil kami palang miyembro ng SSG ay liliban sa loob ng tatlong araw. Nang makalibot na kami sa bawat silid-aralan at napapirmahan na namin ang sulat para sa aming mga guro, kami ay nag-ayos na para kausapin ang mga miyembro na mula sa mga Partidong kanilang ginawa.
     Matapos ang paghahanda ng lahat kaming mga SSG ay naghati-hati para bantayan ang bawat Partido dahil sila ay maglilibot-libot para mangandidato. Sa aming paglilibot, lahat kaming lumilibot ay napagod subalit naging masaya din naman kahit papaano. Nang maalala ko na mayroon pala kaming praktis para sa sayaw ako ay nagpaalam sa aming Presidente na pag nag 3:30 na, ako ay lalabas na para magpraktis.
     Nang mag 3:30 na at ako'y malabas na sa aming paaralan, nakita ko sila na naghihintay kaya't kami ay nagsimula nang magpraktis, nang gumabi na at naglabasan na ang mga kamiyembro ko sa SSG, nakita nila akong nagpapraktis ng sayaw kaya't hindi rin sila nanghinayang dahil totoo pala ang mga sinasabi ko sa kanila.
     Matapos ang aming praktis at umuwi ako ng bandang mga alas siyete na ng gabi. Kaya't pagkarating ko sa aming bahay, ako ay pinagalitan ng aking ama dahil ngayon pa lamang ako makakakain ng aking hapunan.

Talaarawan Blg. 96 Pebrero 4, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, ako ay nagising nang medyo makalipas na sa alas singko kaya't binilisan ko ang aking pagkilos para maka-abot pa sa unang asignatura nagunit nang makarating na ako sa aming paaralan, ako rin pala'y huli na sa aming klase kaya't napansin ako ng lahat kaya naisipan ko na aagahan ko na sa susunod. Kaya kami nahuli dahil sa walang gaanong masakyan papasok sa aming paaralan.
     Nang matapos na ang aming klase ako ay lumabas ulit para puntahan Si kua Tims. Nang makita ko na siya sa labas agad kong sinabi na gusto ko ulit sumayaw kahit medyo abala ako sa aking pag-aaral kaya't sinabihan niya ako na baka daw ako bumaba sa aking mga grado pero sinabi ko na kakayanin ko kaya't pinayagan na niya akong sumayaw.
     Nang patapos na ang aming pag-uusap sinabi niya na magkakaroon kami ng aming praktis bukas para sa aming sayaw na gaganapin sa Pebrero 28 sa Sumulong, Mayamot Elementary School dahil sa araw na iyon may gaganaping paligsahan at kung sino ang mananalo magkakaroon ng mga premyo.
     Napag-usapan namin ang aming sayaw nang maayos at kami-kami rin ay pinauwi na para hindi na kami hapunin ng uwi. Nang makarating na ako sa bahay, ako ay kumain na ng aking tanghalian, nagpahinga nang kaunti at gumawa ng aking mga takdang aralin. Matapos ay naghintay ako hanggang sa aming hapunan kaya't kaunti na rin ang aking nakain at natulog nang maaga.

Talaarawan Blg. 95 Pebrero 3, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay kumain agad ako at saktong maaga kaming ginising ng aking ina dahil alam niyang mayroon kaming Flag Ceremony ngayong araw na ito, siya'y nasanay na dahil tuwing lunes ay kailangan naming maaga lagi upang hindi mahuli sa aming Flag Ceremony. Nang makarating na kami sa aming paaralan, ako ay nagtanong sa aking mga kamag-aral kung ano nga ba ang mga pag-aaralan namin ngayong araw at upang makareview pa ako.
     Sa aming talakayan naging mas interesado ako dahil nang malaman ko ang mga aralin namin ngayon ako ay nasiyahan dahil para sa akin ang mga aralin na aming tinalakay ay madali lamang at medyo mahirap nang kaunti.
     Matapos ang aming klase ay lumabas muna ako ng gate ng aming paaralan para maghintay at sa aking paglalakad nakita ko ang isang mahalagang tao para sa akin at hindi ko inaasahan na babalik siya dahil napakatagal na nang umalis siya at ngayon nang makausap ko siya ay bumalik na ulit ang buhay na parang bata lamang dahil dalawang taon siyang nawala, at siya ang aming taga-turo ng sayaw, Si kuya Tims.
     Matapos ang usapan namin ay niyaya niya ako na sumayaw ba ulit ako katulad noong ako ay nasa Unang Taon at ako naman ay napaisip sa aking sasagutin at sinabi ko na pagiisipan ko pa kaya't umuwi na agad ako para tapusin ang mga gawain ko sa bahay.
     Nang makarating ako sa aming bahay, ako muna'y kumain ng aking tanghalian at natulog. Sa aking paggising ay naisip ko na ang aking isasagot sa kanya at saktong naghapunan kami, ako ay maagang natulog para bukas.

Sunday, February 2, 2014

Talaarawan Blg. 94 Pebrero 2, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay gumawa muna ako ng mga gawain bago mag-almusal tulad ng pagliligpit ng hinigaan, paghahanda ng aking gamit para bukas at paglilinis ng ilan kong gamit. Matapos ko ang aking ginagawa ay nagpahinga muna ako at kumain na din. Matapos kong kumain ay naglaro ulit ako sa cellphone ng aking kuya at nanood ng mga palabas sa telebisyon.
     Nang matapos akong manood ng mga palabas sa telebisyon ay tinulungan ko ang akin ina sa kanyang ginagawa tulad ng paghahanda ng mga pagkain para mamayang tanghalian at hapunan. Habang ang aking ina'y nagluluto na ay nagwalis muna ako. Sa aking paghihintay para sa pagluluto ng aking ina ng aming makakain, ako ay nag-iisip kung paano ko gagawin ang aking takdang aralin para sa asignaturang Filipino.
     Sa pag-iisip ko ay may sumaging ibang bagay sa aking isipan at ito'y tungkol sa aking minamahal. Nang maisip ko ito ay natawa na lang ako at bumalik sa pag-iisip nang matino. Nang makaluto na ang aking ina ng aming pagkain para sa aming tanghalian, kaming lahat sa bahay ay kumain nang sabay-sabay. Matapos naming kumain ay nagpahinga ako para mamaya kong gagawin ang paghuhugas ng plato.
     Nang matapos akong maghugas ng plato, ako ay naligo muna para lumabas ng bahay para magpagupit, nang makarating na ako sa bahay ay lumabas ulit ako para gawin ang aking blog. Umuwi ako ng gabi kaya't kumain agad ako at natulog nang maaga para bukas.

Friday, January 31, 2014

Talaarawan Blg. 93 Pebrero 1, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lang ay sinaksak ko na ang charger at cellphone ng kuya ko dahil ako ang nagdownload ng laro kaya ako dapat ang unang gumamit nito. Nang mapuno na ang battery ay tinanggal ko na sa saksakan at nilaro ko na kaya lang ay nagising na ang aking kuya kaya't inagaw niya sa akin at siya ang naglaro.
     Nang matapos siyang maglaro ay ibinigay na niya sa akin, nang matapos akong maglaro sa kanyang cellphone hindi ko namalayan na hindi pa pala ako nag-aalmusal kaya't kumain na ako, at ginawa ang mga gawain at inihanda ko ang mga gamit ko para sa Lunes.
     Matapos kong gawin ang lahat ng ito. Ako ay nagpahinga na at sinaksak ko ulit ang cellphone ng kuya ko, dahil sa wala siya sa bahay kaya't ako lang ang gumagamit, nang mapuno na ang baterya ay nilaro ko na at nagluto ako ng aking pagkain para sa aking tanghalian.
     Matapos kong kumain ay naligo na ako at lumabas ng bahay para gawin ang aking blog at mag search ng ilan kong mga takdang aralin. Nang ako'y maka-uwi ay sinulat ko na ang niresearch ko at naglaro ng games sa cellphone ni kuya at natulog.

Thursday, January 30, 2014

Talaarawan Blg. 92 Enero 31, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, kami ay walang pasok dahil sa Chinese New Year ngayon kaya't napasarap ang aking tulog kagabi at ako'y gumising ng bandang mga alas otso ng umaga. Ako rin ay nakabawi na ng tulog dahil noong nakaraang araw ay maaga nga akong nakakatulog pero ang daming bulabog lalo na kapag gabi, ang aming mga kapit-bahay ay nagsisigawan. Nang tumayo na ako sa aking higaan ako ay kumain na ng aking almusal, nagpahinga at nanood na ng mga palabas sa telebisyon.
     Matapos ang panonood ko ng mga palabas sa telebisyon ay saktong nagluto na ng aming pagkain ang nakatatanda kong kuya dahil siya pala ay aalis at pupunta sa Antipolo. Nang maluto na ang pagkain ay kumain na ako at pagkatapos kong kumain ay binuksan ko na ang aming laptop para buksan ang aking Facebook at gawin ang aking blog.
     Nang tinamad na ako, pinatay ko na ang laptop at nagpahinga at maya-maya'y naligo na ako at naghanda para lumabas ng bahay upang maglibang at maglakad-lakad. Nang makauwi na ako sa aming bahay, ako ay inutusan ng aking ina para gawin ang mga trabahong bahay tulad ng paghuhugas ng plato, pagwawalis at tinulungan siyang magligpit.
     Matapos ang mga gawain ay napagod ako kaya't kumain na ako ng aking hapunan at nagpahinga at natulog nang maaga, hindi na ako nakahawak ng aking cellphone dahil sa sobrang pagod at medyo hindi makagalaw dahil sa antok.

Wednesday, January 29, 2014

Talaarawan Blg. 91 Enero 30, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lang ay inagahan ko na ang paggising ko para hindi mahuli sa pagpasok sa aming paaralan. Nang makarating na ako sa aming paaralan, ako ay gumawa muna ng aking ulat para sa asignaturang MAPEH dahil hindi ko alam kung anong paksa ang napunta sa akin kaya't hindi ko ito nagawa sa bahay. Maya-maya'y nagsimula na ang aming klase medyo nahuli ang pagsimula marahil sa pinag-usapan pa ng aming guro kung sino ang mga kasali para sa gaganaping JS Prom.
     Matapos ang aming klase at medyo masama ang kalangitan, ako at ang aking ibang kamag-aral ay naghintay muna sa waiting shed sa labas ng aming paaralan dahil medyo umambon at baka magkasakit kami, nang medyo bumuti-buti na ang kalangitan ako muna'y naghintay ng makakasabay pag-uwi. Nang ako ay nakaramdam na ng gutom, ako na lamang mag-isa ang umuwi.
     Nang makarating na ako sa bahay ako ay kumatok at ang aking ina ang nagbukas ng pintuan, ako ay nagtaka dahil sila ay walang pasok ngayon at bukas ay meron, medyo baliktad ang patakaran nila. Kumain na din ako ng aking tanghalian at naghanda para lumabas ng bahay at gawin ang aking blog.
     Ako'y umuwi ng bandang mga alas sais na ng gabi kaya't hindi na ako nagpahalata sa aking ama at ako'y pasimpleng kumain ng aking hapunan at natulog agad.

Tuesday, January 28, 2014

Talaarawan Blg. 90 Enero 29, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, sa umaga pa lang ako at ang aking kuya ay nahuli sa unang asignatura dahil sa walang masakyan papunta sa aming paaralan kaya't nang makarating na ako sa aming paaralan, ako lamang ang nahuli sa amin. Nang magsimula na ang aming unang asignatura sinabi ng aking kamag-aral na kakasimula lang pala ng aming unang asignatura kaya't hindi na ako kinabahan masyado.
     Nang matapos na ang aming klase ako ay lumapit kay Gng. Mary Ann para kunin ang resulta ng aking NCAE at ako nama'y hindi nadismaya sa naging resulta dahil naging maganda naman ito kahit papaano. Nang makuha ko na sinamahan ko naman ang aking kamag-aral para kunin ang kuting dahil ibibigay kay Gng. Mito, nang makuha na namin at ibinigay na namin kay Gng. Mixto kaming magkakaibigan ay nagtatawanan dahil sa mga pinaggagawa namin at humanap kami ng lalagyan ng kuting.
     Nang makahanap na kami agad namin itong dinala kay Gng. Mixto at ako ay umuwi na at sa pagdating ko sa aming bahay, ako muna'y nagluto ng aking makakain para hindi malipasan. Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay upang gawin ang aking blog at sa pag-uwi ko ay namlantsa na ako ng aking uniporme para bukas at kumain ng aking hapunan at natulog nang maaga.
   
   

Monday, January 27, 2014

Talaarawan Blg. 89 Enero 28, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito nagsimula ang pangyayari nang pumunta ako sa aming paaralan para may matutunan. Nang makarating ako nang maaga sa aming paaralan ako muna'y nanghiram ng cellphone ng aking kamag-aral para maglibang at habang naghihintay sa aming unang guro. Nang makarating na ang aming guro agad kong tinigil ang paglalaro upang makinig sa kanya.
     Nang makalahati na ang aming talakayan kami ay nalilibang dahil sa mga pinagtuturo ng aming mga guro marahil may halo itong katatawanan. Nang matapos na ang aming klase kaming mga magkakaibigan ay naghintay muna sa labas dahil hinihintay namin kung kami'y may gagawin sa loob ng aming paaralan. Nang nainip na ang aking mga kasama sila na'y umuwi at ako lamang ang naiwan sa loob kaya't lumabas ako at naghintay ng makakasabay sa pag-uwi. Sa aking paguwi naging mainit na paglalakad dahil sa tirik ang araw at nang makarating naman ako sa bahay, wala pa palang tao sa loob at ang aking susi naman ay naiwan ko sa wallet ko sa loob ng aking damitan.
     Sa aking paghihintay na dumating ang aking kuya ako muna'y nagpahinga sa bahay ng aking tito at lola para hindi mainip sa kakahintay. Nang makarating na siya agad akong kumain ng aking tanghalian at gumawa ng ilang gawain sa bahay at lumabas para gawin ang aking blog.
     Ako'y nakauwi bandang mga alas siyete ng gabi kaya't ako'y sinermunan ng aking ama. Matapos king masermunan ay kumain na ako ng aking hapunan at namlantsa ng aking uniporme at natulog nang maaga.

Talaarawan Blg. 88 Enero 27, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay nag-almusal muna ako at dumiretso sa aming paaralan ng maaga dahil kinakailangang hindi mahuli sa Flag Ceremony para hindi ako mapag-iwanan ng aming mga talakayan. Nang ako ay nasa loob na ng aking paaralan kaming mga SSG ay kailangan na magbantay para maayos ang simula ng aming Flag Ceremony.
     Matapos ang aming Flag Ceremony at kami'y pumasok na sa aming mga silid-aralan kami ay nagsimula agad ng aming pagtatalakay upang nang sa gayon ay hindi maubos ang oras. Nang mag Filipino na ang aming asignatura, ako at ang aking kamag-aral na si Erin ay tinawag ng aming mga kagrupo para sa SSG dahil kami ay naatasan na maningil dahil may isa kaming kaschool mate ang namatayan.
     Matapos namin ang aming talakayan ngayong araw, tinanong ko ang aking kagrupo tungkol sa gagawin namin para sa aming Documentation para sa mga Stentors at mga miyembro ng Umalohokan. Nang makauwi na ako gumawa muna ako ng aking mga takdang aralin para bukas. Lumabas din ako ng bahay para gawin ang aking blog. Nang makauwi ako ako ay gumawa na ng ilang gawain sa bahay at natulog ng maaga.

Saturday, January 25, 2014

Talaarawan Blg. 87 Enero 26, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay wala pa ang aking ina't ama dahil sila ay nagbantay ng bahay sa Vilia Cecilia. Dahil sa hindi pa sila dumadating sa bahay, naisipan ko munang gawin ang aking trabaho dahi ang aking ina kahapon ay hindi nakapaglaba marahil sa pagiging abala niya sa kanyang trabaho kaya't ako muna ang naglaba ng aking pantalon, uniporme at bag.
     Matapos kong gawin ang paglalaba ako muna'y nagpahinga dahil alam kong maya-maya ay marami akong gagawin. Nang dumating na sila, sinabi nila sa amin na sila'y aalis at pupunta sa Quiapo dahil sila ay bibili ng mga gamit at bagong cellphone ng akin kuya.
     Simula nang umalis sila, ako at ang isa kong kuya ay naiwanan ng mga trabaho sa bahay subalit masaya din dahil sa may load ang Laptop. Pagkatapos ko namang kumain ng aking tanghalian, ako ay naligo na para lumabas ng bahay at gawin ang aking blog.
     Matapos kong gawin ang aking blog pati maglaro ng mga games sa kompyuter, ako'y dumiretso na sa bahay para hindi mas lalong gabihin. Pagdating ko sa bahay ay kumain na ako at gumawa ng ilang mga gawain tulad ng pamamlantsa ng aking isusuot para bukas at natulog ng maaga.

Friday, January 24, 2014

Talaarawan Blg. 86 Enero 25, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, sa labis kong kasabikan na bumalik sa aming paaralan, ako ay gumising nang maaga para hindi mahuli sa pagpunta. Nang mag alas sais na ng umaga kumain muna ako ng aking almusal para hindi gutumin mamayang tanghali, matapos kong kumain ay naligo agad ako at sumakay ng dyip matapos maligo at naghintay sa taas ng Purok Maligaya upang hantayin si Brite para sabay kaming pumunta sa aming paaralan.
     Sa loob ng aming paaralan kaming mga SSG ay naatasan na gawin ang aming mga trabaho tulad ng pagbabantay at pagpapabuti ng lagay ng pila para sa Registration sa darating na taon para sa mga Grade 7.
     Habang kami ay nagbabantay tinawag ang ilan kong kamag-aral upang umakyat sa stage dahil sa may nakuhang award. Matapos ang program sa umaga kaming mga Math Officers ay tinawag ng aming guro para pumunta sa loob ng Office upang kumain ng pansit at maha.
     Matapos ang pagkain namin ng pansit at maha, ako ay naghintay hanggang sa matapos ang review nila Brite at Jerome dahil sila ang mga panlaban para sa M-TAP. Nang matapos na sila ako lang pala mag-isa ang uuwi sa amin dahil silang tatlo nila Sir Raro ay sa ibang direksyon dadaan.
     Nang makarating naman ako sa aming bahay, ako ay lumabas ng bahay para gawin ang aking blog at ako'y umuwi ng gabi na kaya't kumain na lang at natulog.

Talaarawan Blg. 85 Enero 24, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay dumiretso na ako sa aming paaralan upang ako ay hindi na mahuli. Pagkarating ko sa aming paaralan pinagusapan namin ng aking kamag-aral kung ano nga ba ang gagawin mamayang tanghali dahil sa magkakaroon ng bigayan ng aming kard kinabukasan. Sinabi ng aking kamag-aral na magkakaroon pa kami ng flag retreat mamayang hapon.
     Matapos ang aming klase, ako at ang aking kamag-aral ay pumunta sa bahay ng aking isang kamag-aral upang kunin ang isang damit para sa gaganaping JS Prom sa aming paaralan. Nang makabalik ulit kami sa aming paaralan kami ay nagsimula na na gawin ang aming gawain na siyang naatas mula sa mga Math Teachers.
     Matapos ang aming ginagawa kami ay sabay-sabay nagmeryenda kasabay ng iba naming kamiyembro mula sa Math Club. Habang kami ay pauwi na sa aming mga bahay, pinagusapan namin ang gagawin para bukas sapagkat lahat ng Math Officers ay pupunta para sa aming Celebration.
     Nang makarating na ako sa aming bahay, ako ay lumabas para gawin ang aking blog at paguwi ko ay kumain na ako ng aking hapunan at maagang natulog para hindi mahuli bukas.

Wednesday, January 22, 2014

Talaarawan Blg. 84 Enero 23, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay nakahanda na ang aking almusal para pumasok sa aming paaralan. Nang makarating ako sa aming paaralan inihanda ko muna ang aking portfolio para ipasa mamaya subalit sa kasamaang palad hindi rin pala ipinasa dahil ang sabi sa ami'y ilagay sa portfolio inakala namin na ipapasa kaya't inuwi ulit namin ang aming mga portfolio.
     Ngayon din ay hindi na kami excuse dahil sa hindi na marami ang gagawin namin kaya't medyo nakakasunod na ako sa mga pinag-aralan nila subalit hindi rin sa ibang asignatura. Habang kami ay nagkaklase ang aming guro na si Bb. Hannah ay nadismaya dahil sa iba kong kamag-aral na kanyang napuna at isa na ako doon. Ipinagtataka ko kung bakit ako lagi ang napupuna niya sa tuwing oras niya.
     Nang maguwian na ako at ang aking kamag-aral ay nanatili muna sa loob ng aming paaralan para mag-usap. Matapos naming mag-usap para sa gaganaping JS Prom. Ako'y hindi sigurado kung papayagan ba ng aking ina kaya't hindi ko alam ang gagawin ko.
     Nang makarating ako sa bahay, ako'y kumain muna ng aking tanghalian at dumiretso sa labas para gawin ang aking blog at maagang umuwi para hindi mapagalitan.

Talaarawan Blg. 83 Enero 22, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, umaga pa lamang ay gumawa na ako ng aking mga gawaing naatas dahil ang aking ina ay medyo pagod sa kanilang trabaho. Pinalano ko talaga na maagang gumising para hindi mahuli sa klase at magtanung ng mga aralin na kailangan pa naming malaman at dahil sa ilang araw na din kaming hindi nagkaklase ng buo dahil sa kami ay Math Officers.
     Bago ulit matapos ang aming klase kami ay dumiretso ulit sa Computer Lab para ulit sa gaganaping paligsahan para sa Voice ng Antipolo. Matapos ito kami ay nagmeryenda muna at nagpahinga bago umuwi para, ako'y nagpahinga muna para sa aking paguwi ay hindi ako pagod.
     Nang makarating na ako sa bahay ako ay namlantsa na para mamayang gabi ay hindi ko na kailangang gawin ang ginagawa kong ito. Matapos gawin ito ako ay natulog muna saglit para hindi mapuyat at makabawi ng tulog. Pagkagising ko ay sabay kain ako ng aking hapunan at nagpahinga, nanood sa telebisyon at natulog.

Talaarawan Blg. 82 Enero 21, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga ay dumiretso agad ako sa aming paaralan subalit ako na naman at ang aking kamag-aral ay naatasan na magbantay ulit subalit hindi buong araw dahil kailangan naming bumawi kung kinakailangan. Pagkarating ko sa aming paaralan tinanong ko ang aking kamag-aral kung ano nga ba ang mga bagay na pinagaralan namin.
     Nang malapit nang maguwian 2 asignatura bago magsiuwi kami ay tumungo na hanggan sa matapos ang aming klase kami ay sumunod lamang sa mga pinaguutos ng mga guro.
     Matapos ang paligsahan para sa Voice ng Antipolo dahil sa marami ang sumali sa paligsahan para maipakita ang kanilang mga talento, ako ay umuwi na agad upang gumawa ng ilang takdang aralin na kailangan naming habulin. Nang maghapunan na kami ay sabay-sabay kumain at natulog nang maaga para hindi mahuli sa klase kinabukasan.

Talaarawan Blg. 81 Enero 20, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito ako'y maagang nagising dahil kami ay mayroong Flag Ceremony. Nang makarating ako sa aming paaralan sinabi ng aking kamag-aral na dapat daw ay hindi na ako nagdala ng aking bag dahil ngayong araw na ito ako at ang aking kamag-aral ay magiging bantay para sa Math Exhibit.
     Nang magsimula na ang aming Math Exhibit pinagbutihan ko ang aking gawain hanggang sa mag-uwian ang mga panghapon sapagkat inayos namin ang mga gamit na kailangan naming iayos. Nang matapos ito agad akong umuwi sa aming bahay dahil sa pagod at kailangang maaga matulog para bukas.
     Pagkauwi ko sa aming bahay kumain muna ako ng aking hapunan at gumawa ng ilang gawain tulad ng pamamlantsa ng aking uniporme para bukas.

Saturday, January 18, 2014

Talaarawan Blg. 80 Enero 19, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang sa umaga ay kumain muna ako ng aking almusal pagkatapos kong kumain ng aking almusal ay sige naman ang pilit ng aking ina na samahan ko daw siya papuntang palengke subalit ako'y hindi pumayag dahil marami akong gagawin lalo na sa aking mga takdang aralin nais ko sanang gawin lahat kaya't hindi ko siya nasamahan kaya't ang aking kuya na lang ang kanyang tinawag ay isinama niya ito sakto at may bibilhin siyang bagong bag.
     Nang mag tanghali na ay nagluto na ang aking kuya ng aming makakain at pagkaluto niya ay kumain kaming magkakapatid dahil ang aming ina ay pumasok sa trabaho at sinabi niya na maaga daw siya uuwi dahil linggo.
     Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis para lumabas ng bahay at gumawa ng aking blog, matapos ko sa labas ay umuwi ako ng bandang mga hapon na at pagdating ko sa bahay nadatnan ko ang aking ina na nagluluto na ng pagkain para sa aming hapunan. Matapos magluto hinintay namin ang aking ama para sabay-sabay kumain at natulog nang maaga dahil kailangan ay maaga bukas dahil may Flag Ceremony.

Friday, January 17, 2014

Talaarawan Blg. 79 Enero 18, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, kailangan kong tumayo nang maaga kahit na inaantok pa rin ako kasi kailangan kong pumunta sa aming paaralan para paghandaan ang mga gagawin dahil sa magkakaroon ng isang exhibit sa lunes. Kaming mga Math Officers ay naatasan na magligpit, maglinis at ihanay ang mga ipinasang gamit galing sa mga estudyante.
     Habang kami ay nag-aayos nito, napagpasyahan sana naming hiramin ang bola para maglaro ng basketball pero hindi pwede dahil ito ay sa kamay ng MAPEH Department kaya't kami ay nagsiuwi na. Nang maka-uwi na ako sa bahay kumain muna ako ng aking tanghalian at naglaro sa labas ng bahay.
     Ako'y umuwi bandang gabi at saktong kainan na ako'y natagalan sa labas dahil ako ay nagkompyuter pa para sa aking blog at naglibang. Matapos kumain at natulog nang maaga dahil pagod.

Thursday, January 16, 2014

Talaarawan Blg. 78 Enero 17, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko pa lamang sa umaga ay kumain agad ako ng aking almusal at dumiretso nang maaga sa aming paaralan subalit kami ay natagalan sa pagsakay ng sasakyan. Nang makarating na ako sa aming paaralan, kami ay naghintay para sa aming guro. Ako ay nadismaya dahil naisip ko na hindi ako makasasali sa JS Prom dahil kasama ang aking kuya kaya sa susunod na lang na taon ako sasali.
     Matapos ang aming klase ako ay naatasan ni Bb. Daggao dahil kaming mga MATH Officers ay babalik bukas para maghanda ngayong buwan dahil ngayon ay Buwan ng Matematika, pagkatapos ko namang gawin ang naatas sa akin, kami ay nagkaroon ng isang pagpupulong para sa pinaghahandaang sayaw sa asignaturang MAPEH.
     Nang maka-uwi na ako sa bahay, kumain muna ako ng aking tanghalian at naghahanda para bukas. Ako'y pinayagan para bumalik kinabukasan at ako rin ay natulog nang maaga para hindi mapuyat.

Talaarawan Blg. 77 Enero 16, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, paggising ko sa umaga ay napakalamig kaya't tinamad akong tumayo pero kailangan talagang pumasok nang maaga kaya't pinilit ko na lang ang aking sarili. Pagdating namin sa paaralan ay nanatili na lang akong nakaupo hanggang sa dumating ang aming guro para sa unang asignatura, nang dumating na ang aming guro kami'y tuloy-tuloy na nagbalik aral para sa aming nakaraang talakayan.
     Matapos ang aming klase ako'y tinawag ng aking isang ka-miyembro sa SSG, kami kasi'y naatasan na magdikit ng isang papel sa ibang lugar. ito ay kailangang maidikit sapagkat malapit na ang pag-eenroll para sa Grade 7. Matapos ito ay nagkita-kita kami sa Jollibee para kumain.
     Nang makauwi na ako ay gumawa na ako ng aking mga gawain hanggang sa maghapunan at natulog nang maaga.

Tuesday, January 14, 2014

Talaarawan Blg. 76 Enero 15, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito dahil sa maaga akong nagising ako muna'y naghantay ng oras baka kasi sarado pa ang gate sa aming paaralan kapag kami ay pumasok na agad. Nang pagdating namin sa aming paaralan bukas na pala ang gate kaya medyo nahuli kami sa aming klase subalit nakabalik naman kami sa mga talakayan.
     Sa ibang asignatura naging maganda ang pagtatalakay marahil nagkaroon ng biruan at tawanan. Matapos ang aming klase ako ay umuwi na subalit nakita ako ng aking ka-miyembro sa asignaturang matematika dahil kami pala'y naghahanda na ng aming mga gawain dahil ngayong buwan ay buwan para sa Matematika.
     Nang ako'y maka-uwi na sa bahay ako muna'y kumain ng aking tanghalian at bago gumawa ng aking blog at ibang mga gawain para sa ibang asignatura. Maya-maya pa'y nanood na ako ng mga palabas, gumawa ng ilang gawain at natulog na ng maaga.

Talaarawan Blg. 75 Enero 14, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, kami ay nagbalik na sa dating oras ng aming klase ngunit kami rin ay nagkaroon ng ilang pagtatama para sa ibang asignatura. Naging komportable naman ako sa aking nakuhang grado subalit nagtataka ako kung bakit ako bumagsak sa ibang asignatura marahil sa hindi ko nabalikang aral ang ibang mga aralin.
     Matapos ang aming klase kami ay nagkaroon ng isang meeting para sa stentor at umalohokan, kaming mga magkakagrupo ay nagusap-usap tungkol sa aming pamagat at sa gagawing dokyumentaryo naintindihan ko naman ang aming pinaggagawa subalit hindi ko alam kung ano ang paraan para maging maayos ang aming gagawing dokyumentaryo.
     Nang kami ay pinauwi na ako ay gumawa ng aming mga takdang aralin at ilang gawaing bahay para ako'y wala nang gagawin maya-maya. Matapos kong gawin ito ako muna'y nanood ng mga palabas sa telebisyon. Nang maghapunan na kami ay nagsikain na at maagang natulog dahil sa maraming ginawa.

Talaarawan Blg. 74 Enero 13, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito ako'y maagang nagising dahil sa hinanda kong alarm sa aking cellphone para ako'y hindi mahuli sa aming flag ceremony, nang ako'y maka-alis na sa bahay sumakay agad ako ng jyip papunta sa aming paaralan subalit ako'y nagdalawang sakay dahil sa pataas pa.
     Habang kami ay nagpaflag ceremony ako'y nagtataka kung bakit nga ba nilipat kami ng room at nang magsimula na ang aming klase ang aming ginawa sa araw na ito ay karamihan sa pagchecheck ng aming mga papel para sa ikatlong pagsusulit. Naging masaya naman ako dahil sa mga nakuha kong grado may mga pasa akong pagsusulit subalit meron ding bagsak.
     Nang matapos na ang aming klase at kami ay nag-uwian na ako at ang aking kamag-aral ay naghantay muna sa labas ng aming paaralan para magpalipas oras at dahil na rin sa sobrang init.
     Pagkauwi ko sa bahay ay kumain agad ako dahil sa gutom at gumawa ng mga takdang aralin para sa iba't ibang asignatura.

Saturday, January 11, 2014

Talaarawan Blg. 73 Enero 12, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay kumain agad ako ng aking almusal matapos akong kumain ay inihanda ko na ang aking mga gamit para bukas. Ako'y nagtataka kung bakit may pasok ang aking ina sa kanilang trabaho sapagkat ngayong ay linggo kaya;t sa amin na naman naiwan ang mga gawain. Kaming magkakapatid ay gumawa ng kanya-kanyang mga gawain dito sa bahay.
     Nang magtanghalian na ay nagluto na ang aking kuya ng aming pagkain. Ako rin gumawa ng aking blog. Matapos kong gawin ito ay natulog ako at sa paggising ko ay naligo na ako at lumabas para maglibang.
     Ako'y naka-uwi na ng bandang mga alas sais kaya't nang ako'y umuwi ay kumain agad ako ng aking hapunan at ako lang mag-isa dahil sila ay nagpapahinga na at naghahanda para matulog. Nang matapos akong kumain at nagpahinga ako at nanood ng mga palabas sa telebisyon at natulog.

Talaarawan Blg. 72 Enero 11, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, ako'y maagang nagising at tinatamad pa akong bumangon kaya't humiga pa ako habang nanonood ng paborito kong palabas sa telebisyon. Matapos ang aking panonood ako'y gumawa ng mga gawain na naatas sa akin dahil ang aking ina ay papasok na sa trabaho kaya iniwan sa amin ang mga gawain dito sa bahay.
     Nang ako'y naglilinis dito sa bahay ang aking kuya naman ay nagluluto na ng aming tanghalian at nang matapos siya sa kanyang pagluluto sila'y kumain na samantalang ako ay kailangan ko pang tapusin ang mga gawain bago ako kumain. Pagkatapos ko namang gawin ang aking mga gawain ako'y nagpahinga saglit at kumain na rin ng aking tanghalian, ako'y nahuli sa aking pagkain ng aking tanghalian.
     Matapos kong kumain ay naligo na ako at natulog at sa paggising ko ay hapunan na hindi ko alam na napasarap ang pagtulog ko at nang kumain na kami ako'y nabusog sa aking mga kinain at nang kami'y nagpapahinga kami rin ay nanood ng mga nakakatawang palabas sa Channel 5 hanggang sa matulog na kami.

Thursday, January 9, 2014

Talaarawan Blg. 71 Enero 10, 2014 (Biyernes)

     Ngayong araw na ito, ako ay ginising ng aking ina sapagkat ayaw niyang mahuli ako sa pagpasok kagaya kahapon. Maaga akong naka-alis sa bahay at nang dumating ako sa paaralan, agad akong nagbalik-aral para matandaan ko ang aming mga naging talakayan.
     Nang dumating na ang mga papel para sa aming unang asignaturang ibibigay para sagutan dahil ngayong araw ay pangalawang araw para sa aming ikatlong pagsusulit ngayong markhan. Ang aming asignaturang sinagutan ngayong araw ay Chemistry, Values, Math at Araling Panlipunan, naging mahirap ang aking pagsagot dahil ang ibang tanong na nakita ko ay hindi ko nabasa sa aking kwaderno.
     Nang matapos ang aming pagsusulit ako ay lumabas sa aming paaralan para maghantay at umuwi din maya't maya. Nang makarating ako sa aming bahay ako ay kumain agad ng aking tanghalian at gumawa ng aking mga takdang aralin at mga gawain sa bahay.

Talaarawan Blg. 70 Enero 9, 2014 (Huwebes)

     Ngayong araw na ito, ako'y medyo nahuli sa aming klase dahil mali ang aming orasan kaya't binilisan ko na lamang ang aking pagkilos at nang pumunta na ako dito napabilis naman ang pagsakay sa dyip dahil hanggang taas na ng brgy. hall. Nang makarating ako sa paaralan nakita ko ang aking mga kamag-aral na nag-aayos ng mga upuan para sa aming ikatlong pagsusulit ngayong markahan.
     Habang kami ay sumasagot sa aming test paper medyo naging mahirap ang ibang pagsusulit, ngayong unang araw ng aming pagsusulit, ang aming asignatura na kailangang sagutan ay ang asignaturang Filipino, Ingles, T.L.E. at M.A.P.E.H.
     Nang matapos kaming magsagot maaga kaming pina-uwi kaya't ako ay tumambay muna sa loob ng aming paaralan kasama ang aking mga kaibigan at nang ako'y naka-uwi na kumain agad ako ng aking tanghalian, nag-aral muli para may maisagot kinabukasan. Nang gabi na ay gumawa ako ng aking mga gawain at inihanda ko ang mga gamit ko para bukas.

Talaarawan Blg. 69 Enero 8, 2014 (Miyerkules)

     Ngayong araw na ito, ako’y maagang nagising dahil inihanda ko ang alarm sa aking cellphone upang hindi mahuli sa pagpasok. Nang dumating na ako sa aming paaralan, gumawa muna ako ng aking takdang aralin para sa asignaturang MAPEH at nang dumating ang aming guro na si Gng. Mary Ann ay itinigil ko muna ito.
     Nang mag-uwian na kami ay dumiretso ako kasama ang aking apat na kamag-aral sa isang kompyuter shop para maglaro, nang matapos kami at ako’y naka-uwi na, dali-dali akong kumain ng aking tanghalian at gumawa ng mga takdang aralin.
     Matapos kong gawin ang lahat, nagsimula na akong mag balik-aral sa aming mga napag-aralan para sa ibang asignatura dahil bukas ay simula na ng aming ikatlong pagsusulit. Inayos ko ang aking pagbabalik-aral hanggang sa matapos. Nang ang lahat kong ginagawa ay natapos na at saktong malapit nang maghapunan ako’y naghanda na ng aking mga gamit para bukas, at natulog ng maaga.

Tuesday, January 7, 2014

Ako at ang aking Ina


Talaarawan Blg. 68 Enero 7, 2014 (Martes)

     Ngayong araw na ito, ako'y nahuli sa aming klase dahil sa mali ang aming orasan masyado itong huli sa oras kung kaya't hindi namin alam kung anong oras na. Nang umalis na ako sa bahay, ako ay natagalan sa pagsakay papunta sa aming paaralan, nang makarating naman ako doon ay huli na ako kaya't medyo nadismaya ang aming guro para sa unang asignatura.
     Habang kami'y nagtatalakayan nakasusunod naman ako sa aming mga pinag-aaralan dahil sa nakikinig ako. Nang matapos naman ang aming klase kami ay nagkaroon ng isang pagpupulong para gawin ang aming bulletin board para sa SSG. Maraming miyembro ang tumulong subalit halos mga ikatlong taon lamang ang nakisama hanggang sa matapos. Nang kami'y pinauwi na at ako'y nakarating na sa bahay gumawa agad ako ng aking mga gawain para bukas at nagpahinga.
     Sa kinagabihan kami ay nagsikain ng aming hapunan, nagpahinga, nanood ng mga palabas sa telebisyon hanggang sa matulog.

Monday, January 6, 2014

Talaarawan Blg. 67 Enero 6, 2014 (Lunes)

     Ngayong araw na ito, ako'y ginising ng aking ina dahil sa kailangan ko na maagang pumasok dahil kami ay mayroong flag ceremony kung kaya't nang bumangon ako ay agad akong kumain ng aking almusal, naligo at umalis ngunit pagdating namin doon ay huli parin kami dahil nakita ko na marami pang estudyante ang naghahantay sa labas ng aming paaralan. Nang kami'y pinapasok na sa loob kami ay nagkaroon ng aming flag ceremony kung kaya't nang matapos ito kami ay huli parin sa klase.
     Sa loob ng aming silid aralan, ang aming guro na si Gng. Mary Ann ay nadismaya sa amin sapagkat unang araw pa lamang ay mas madami pa ang huli pumasok kaysa sa mga nauna nang pumasok o maagang pumasok. Nang matapos ang aming klase at nag-uwian na ako at ang aking kamag-aral ay canteener kung kaya't kami ay hindi pa umuuwi, kami ay naghantay na lamang sa labas ng aming paaralan para sa tamang oras. Nang magsimula na ang canteener hanggang sa matapos ito, ang perang nasa amin dahil sa pagkacanteener ay nagkulang kung kaya't kailangan naming magambag, napagdesisyunan namin na maghati para sa ambagan ngunit wala siyang pera kung kaya't ako na lamang ang nag-abono at sinabi niya na bukas na lamang niya ibibigay ang kanyang ambag.
     Pag-uwi ko ay gumawa ako ng aking mga takdang aralin at natulog nang maaga.

Saturday, January 4, 2014

Talaarawan Blg. 66 Enero 5, 2014 (Linggo)

     Ngayong araw na ito, paggising ko ay gumagawa agad ang aking ina ng kanyang gawa para sa kanyang trabaho nagtaka ako kung bakit nga ba may pasok pa din kahit linggo, sinabi niya na dahil daw sa mahabng bakasyon kaya't maaga ang pasok nila, tinulungan ko siya sa kanyang gawa, nang matapos namin ang aming ginagawa ako'y humilata ulit at nagpahinga samantalang ang aking ina ay diretso luto ng aming almusal, sabay-sabay din kaming kumain, matapos kaming kumain ay hinugasan ko ang aming kinainan.
     Nang matapos ko itong gawin ay nanood na ako ng mga palabas sa telebisyon. Matapos kong panoorin ang inaabangan kong palabas ay naligo na agad ako para pumunta sa Vilia Cecilia para maglinis ng bahay na binabantayan namin, kasama ko ang aking kuya na si Mark, pagka-uwi ko ay dumiretso agad ako sa labas ngunit sarado pa kaya't nagpagupit muna ako. Pagka-uwi ko ay dumeretso na ako sa pinuntahan ko kanina at nakapaglaro na ako.
     Nang ako'y maka-uwi na at saktong nagluluto ang aking ina ng aming hapunan, inantay namin ang aking ama at sabay-sabay kaming kumain.

Talaarawan Blg. 65 Enero 4, 2014 (Sabado)

     Ngayong araw na ito, pagkagising ko ay kinuha ko kaagad ang aking cellphone para mag facebook upang tingnan ang mga online na tao, habang dala-dala ko ang aking cellphone gayundin ang paggawa ko ng aking mga takdang aralin simula noong may pasok pa. Pagkatapos ko itong gawin ay dumiretso ako sa bahay ng aking kaibigan para kunin ang isang bagay na hiniram niya sa akin, nang ako'y naka-uwi na bigla akong inutusan ng aking ina para walisin ang aming hagdanan, pagkatapos ko itong gawin ay nagpahinga na ako at nahiga na gusto ko sanang matulog ngunit napagisip-isip ko na kailangan kong pumunta sa bahay ng aking kababata sa Lopezville subalit nang ako'y matapos nang maligo ay hindi rin natuloy dahil sa walang tao sa kanila kaya't ako'y bumalik na lang sa bahay para magbihis muli ng pambahay at maglibang sa labas.
     Ako'y lumabas na at sa aking paglalakad ay nakita ko ang aking kababata sa tingin ko siya'y pauwi na subalit hindi ko na nilapitan. Dumiretso na ako sa labas ng bahay at umupo lang, maya-maya tinawag na ako ng aking ina kaya't umuwi na ako at naghantay para sa aming hapunan, ako'y nagpahangin sa taas.
Pagkababa ko ay kumakain na sila kaya't nakisalo na din ako at natulog bandang huli.